CHAPTER 1

438 13 5
                                    

“Oi, Avianna, mukhang maaga tayo ngayon, ah,” salubong kay Avianna ng kasamahan niyang tricycle driver na si Badong, habang pumipila siya sa likuran nito.

“Oo, eh. Kailangan kong kumita nang malaki ngayon. May pinag-iipunan ako,” tugon niya at ngumiti nang pagkatamis sa lalaki. Alam niyang trip siya nito at isang ngiti lang niya ay papayag na itong paunahin siya.

“Ganoon ba? Gusto mo bang mauna na muna? Tutal, kanina pa naman ako ritong alas-kuwatro.”

Lihim na napangiti si Avianna. Epektib talaga ang kamandag niya sa lalaki. “Naku! Nakakahiya naman! Alam mo naman ang panuntunan natin dito. Bawal ang singit,” pakunwang tanggi niya.

Iwinasiwas ni Badong ang kamay sa ere. “Sus! Wala iyon. Akong bahala sa iyo.” Kumindat pa ito sa kaniya.

“Talaga ba?”

“Oo naman!”

“Naku! Salamat talaga ha. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.” Muli niya itong nginitian nang matamis habang umaabante.

Namula si Badong, sabay kamot sa may pagkakalbo nitong ulo.

“Basta ikaw, walang problema, Avianna.”

“Salamat talaga ha, sa uulitin.”

“Naku! Kahit araw-araw kang mauna, walang problema.”

“Joke lang, ikaw talaga. Sige na at lalarga na ako!” Paalam ni Avianna sa lalaki.

“Sige, mag-iingat ka!” Nakangiti na paalam din ni Badong kay Avianna. Isang tango lang ang isinagot ni Avianna.

“Ah, ale, sa may palengke nga,” anang babaeng pasehero. Dumeretso ito ng sakay sa loob tricycle ni Avianna.

“Walang problema!” Binuhay ni Avianna ang makina ng kaniyang ipinapasadang tricycle at namaybay sa kahabaan ng daan. Nakauubong usok, gitgitnan ng mga sasakyan, maiingay na busina, at mga iritableng motorista ang bumungad sa kaniya paglabas niya ng highway.

“Hay, buhay. Traffic na naman,” iiling-iling na bulong niya sa sarili.

Kung hindi nga lang dahil sa kapatid niya ay baka hindi siya magkakandakumahog na magtrabaho. Kaso, kailangan niya talaga para may maipambili ng gamot si Alvin. May sakit kasi ito sa puso.

Habang patuloy na binabaybay ni Avianna ang kalsada ay bumuhos ang malakas na ulan. Malakas na napatalak si Avianna. “Lord naman, kung pauulanin mo na rin lang gawin mo ng pera. Para mayaman na agad ako,” aniya sa sarili sabay buntonghininga.

Samantala, inis na inis si Kieran sa kaniyang sinapit sa araw na iyon. Bukod sa hindi tumunog ang alarm niya kanina, napakatindi pa ng sumalubong na traffic sa kaniya.

“Damn it!” Inis na pinukpok niya ang manibela ng minamanehong sasakyan. Ito ang kinaaayawan niya sa lungsod—ang trapiko.

Humanap siya ng paraan upang malusutan ang halos usad pagong na trapiko. “Green, green, green. . .” tila nag-oorasyong wika niya habang nakatingin sa stop light. Hindi rin siya kumukurap na nakatitig doon.

“Yes!” bulalas ni Kieran.

Nang mag-green ang stop light ay lumiko pakaliwa si Kieran. Pero hindi pa nakauusad nang tuluyan ang kaniyang sasakyan nang biglang sumulpot ang isang tricycle sa kaliwa rin niya. Mabilis siyang nagpreno pero nahagip na niyon ang gilid ng bumper ng sasakyan niya.

“For Christ’s sake!” galit na galit na wika ni Kieran at padarag na umibis ng kaniyang kotse. Sinilip niya ang naging pinsala ng kaniyang sasakyan at lalong nag-init ang bumbunan niya dahil sa nakita. Galit na hinarap niya ang driver ng nakabangga sa kanyang sasakyan.

“Naku, Sir, pasensya na,” alalang-alalang wika ni Avianna na nasa tabi na pala ni Kieran. Sinilip din nito ang nangyari. “Paktay na! Benz pa naman,” iiling-iling na wika ni Aviana bago muling hinarap si Kieran.

Sandaling natigilan si Kieran. Akala niya ay lalaki ang nagmamaneho ng tricycle, pero babae pala ito. Nakasuot ito ng kupas na pantalong maong at tshirt na maluwag. May suot din itong baseball cap at isang tuwalya na nakaalampay sa balikat nito, habang may beltbag sa bewang.

“Sir. . . Boss. . . pasensya na ho talaga. Hindi ko ho kayo agad napansin. Bigla ho kasi kayong sumulpot,” paliwanag kaagad ni Avianna sa nagmamakaawang tinig. Ang mga mata niya ay namumungay rin na tila nakikiusap din kay Kieran.

Marahas na pinaraanan ni Kieran ng mga daliri niya ang alon-along buhok. “So? Kasalanan ko pa ito ngayon ganoon ba?” iretableng tanong niya kay Avianna.

“Ay, hindi ho! Pero, sana man lang nag-signal kayo,”

“Eh, di kasalanan ko nga! Bakit ba ayaw mo pang aminin na sinisisi mo ako? Alam mo ba kung gaano kamahal itong kotse ko? Milyon ito, milyon!”

“Alam ko ho iyon, Sir. Pero kitang-kita naman ho na kayo ang may mali rito,”

“Ha! Mali ba iyan, eh nasa linya ako?”

“Kung nasa linya kayo, bakit nasa linya kayo ng tricycle? Hindi ho ba dapat nasa linya kayo kung saan nararapat ang sasakyan ninyo?”

“Eh, hindi mo ba nakitang liliko ako rito? Nag-signal ako!”

“Hindi niyo ho ba ako narinig kanina? Hindi kayo—”

“Sir. . . Ma’am. . .” Putol ng isang tinig sa pagsasalita ni Avianna

“Ano!?” panabay nilang bulyaw sa nagsalita. Sabay ding tumingin dito sina Avianna at Kieran.

“Kanina pa ho kayo nakaaabala sa mga motorista. Baka ho pwede ninyong igilid ang mga sasakyan ninyo at pag-usapan ito nang mahinahon,” wika ng traffic enforcer sa dalawa.

Pareho namang kumalma sina Avianna at Kieran. Naunang tinungo ni Avianna ang tricycle nito at itinabi iyon. Sumunod naman si Kieran sa babae at iginilid din ang kotse niya bago siya muling bumaba at inihanda na muli ang sarili sa pakikipagtalo rito.

“Alam mo, Miss, sabihin mo na lang na wala kang pampagawa. Because right now? Hindi lang kotse ko ang babayaran mo, pati na ang bawat segundong lumilipas na!”

“Aba’t!” Pinamewangan ni Avianna ang lalaking antipatiko. “Kung mahal ang oras ninyo, mas mahal ang sa akin,” hindi patatalong dagdag ni Avianna. Subalit, unti-unti na siyang kinakain ng kaba. Alam niyang may-kaya ang lalaki at kaya nitong bilhin lahat. Kahit nga yata kaluluwa niya kaya nitong bilhin.

“Ah, ganoon?” Dinukot ni Kieran ang kaniyang telepono sa bulsa.

“Anong gagawin ninyo, Sir?” tarantang tanong ni Avianna sa lalaki.

“Ano pa nga? Di tatawag ako ng pulis nang magkaalaman na kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo.”

Mabilis na napalapit si Avianna sa lalaki. “Naku, Sir! Huwag naman ho ninyong paabutin sa ganito ang lahat. Baka naman ho, pwede nating pag-usapan pa ito.”

“Hindi!”

“Sir, sige na ho. Hindi ho ako pwedeng makulong. May pinalalaki ho ako. May umaasa ho sa akin. Kailangan ko ho ng pambili ng gamot. May. . . may sakit ho ako,” sunod-sunod na dahilan ni Avianna kay Kieran. Dalangin niya sa isip na patusin ng lalaki ang sinabi.

Natigil naman si Kieran sa akmang pagdadayal nito ng telepono at matagal na tinitigan ang babae. “May sakit?” tanong ni Kieran dito.

Sunod-sunod na tumango si Avianna. “Oho. . . ahm. . . mahina ho ang baga ko,”

“Pero hindi naman nakahahawa?”

“Ay, hindi naman ho, Sir! Tamang gamot-gamot lang ho ay siguradong dalang-dala na pati atay at balunan ng ubo ko.”

Nais matawa ni Kieran sa narinig, subalit pinanatili niya ang walang reaksyong mukha. Tiningnan niya ang tricycle nito at isang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan. “Marunong ka bang magmaneho ng kotse?” tanong ni Kieran sa babaeng kaharap.

“Kotse ho?”

“Kotse, car, tsekot. Ano pa bang tawag mo roon?”

“Eh, bakit naman ho?”

“Pwede bang sagutin mo muna ako?”

Napakamot sa kaniyang noo si Avianna. “Marunong ho. Kahit nga ho ten wheeler truck kaya kong imaneho,” sagot ni Avianna.

“Ganoon? Tanggap ka na.”

“H-ho!” bulalas ni Avianna na sinabayan pa ng panlalaki ng mga mata. Hindi niya alam kung tama nga ba ang narinig niya.

“Yes. Para makabayad ka sa danyos sa kotse ko, I will hire you as my personal driver.”

“Eh, magkano naman ho ang sweldo?”

“Forty thousand a month,”

“A-ano ho!? F-forty thousand!?” pasigaw na wika ni Avianna.

Napangiwi si Kieran sa lakas ng tinig ni Avianna. Mas masahol pa ang boses nito sa mga busina ng sasakyan sa paligid. “You heard it right, forty thousand a month.”

Napatingin sa kaniyang kamay si Avianna at nagbilang. Sa halagang sinasabi ng lalaki ay makaiipon na siya ng pampagot ni Alvin. Solve na solve pa ang problema niya sa sasakyan ng lalaking kaharap.

“Sige, Sir. Deal!” At inilahad ni Avianna ang kamay sa harap ng lalaki.

Tiningnan iyon nang matagal ni Kieran bago tinanggap. Ngunit sa paglalapat ng kanilang mga kamay ay may kung anong kuryenteng nanulay mula sa kamay nito papunta sa kaniya, dahilan para mabilis na binawi ni Keiran ang kamay mula kay Avianna.

“Mukhang gumagapang pa sa katawan ninyo ang galit ninyo sa akin si Sir. Nangunguryente pa kayo, eh,” pabirong wika ni Avianna. Pero sa loob-loob niya ibang kaba ang nadarama niya roon.

Hindi sumagot si Kieran, bagkus ay may dinukot ito sa wallet at iniabot sa babae. “Here’s my address. Make sure you’ll be there by six. Ayoko sa lahat ay na-l-late. Naiintindihan mo ba?”

Tumango si Avianna at kinuha ang calling card na iniabot ng lalaki. Binasa niya ang nakasulat doon at tumango-tango. “Kailangan ko bang mag-uniporme, Sir?”

“Black slacks and a white blouse would do.”

“Olryt, Sir! Kita kits na lang bukas dito sa address ninyo.” Sumaludo pa si Avianna sa lalaki.

Nangunot ang noo ni Kieran. “Hindi mo man lang ba ibibigay ang numero ng telepono mo sa akin? Just in case na takbuhan mo ako?”

“Ay, oo nga pala, Sir! Sandali!” Bumalik si Avianna sa kaniyang tricycle at may kinuha.

“Siguradista din pala ang loko,” bulong ni Avianna sa sarili. Isinulat niya sa isang maliit na papel ang telepono at address na rin para hindi na ito maghinalang tatakbuhan niya.

“Ito na, Sir,” sabi ni Avianna at ibinigay sa lalaki ang papel.

“Alright. See you tomorrow then.” At walang paalam na sumakay si Kieran sa kaniyang kotse bago pinasibad iyon.

Naiwan si Avianna sa kaniyang kinatatayuan. “Gwapo ka sana, kaso masama ang ugali mong unggoy ka.” Inambahan pa niya ang sasakyan na para bang nakikita iyon ng lalaki saka tinungo ang tricycle at umuwi na sa kanila.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now