CHAPTER 8

229 4 0
                                    

Dalawang araw na sa Pilipinas sina Avianna kasama ang mga anak at Hilda.

“Best, bukas na ang presentation ko sa kompanyang kumuha sa akin bilang videography at photography para sa new product nila. It’s a energy drink for kids. Gusto ko sanang sampolan ang mga bagets, sa tingin ko kasi ay bagay na bagay silang maging isang model. Ano sa tingin mo, Avianna?” Nakangiti na wika ni Hilda sa kaibigan habang nakatutok ang mga paningin kina Kenzo at Kenzie.

“Mahilig naman silang mag-pose eh kaya hindi ka mahihirapan sa dalawang ’yan. Just don’t upload it. Ayaw kong may makakita sa mga anak ko.” Pagsang-ayon ni Avianna at binilinan niya pa ito.

“Ako ang bahala sa kanila, best. Ang ga-gwapo at cu-cute ng mga anak mo talaga. Manang-mana sa tatay.”

“Mana rin sa akin no? Half ng genes nila ay nangggaling sa akin.”

“Pero mapait ang dugo mo kaya hindi sa ’yo nagmana ang mga bagets.”

“Alam mo, Hilda. Minsan, iniisip ko kung kaibagan ba talaga kita o hindi. Nakakainis ka na kasi eh at panay ang tanggol mo sa unggoy na ’yon.”

“Ikaw naman, best, binibiro lang naman kita. . . Pero, physical features pa lang, wala ka ng panama sa kamandang ni Keiran. Aminin mo na lang.” Pang-aasar ni Rico sa kaibigan. Mahinang tinampal ni Avianna ang braso ni Hilda.

“Heh! Gusto mong hindi na ako makigpagbati sa ’yo?”

“Oo na! Mga bagets! Come to Ninang, gagawan ko kayo ng video, dali!” Hilda Kenzo at Kenzie.

Mabilis namang lumapit ang dalawa.

“Yes po, Ninang?” Tanong ni Kenzo na kunot na kunot ang noo.

“Gagawin ko kayong model. Here, hawakan niyo itong mga bottled water. Isipin niyo na isa itong energy drink, okay?” Paliwanag ni Hilda sa mga bata.

“Is that it? Gagawin mo ulit kaming model?” Tanong naman ni Kenzie.

“Exactly.”

“Okay. We’re handsome naman kaya kayang-kaya namin ang pagmo-model, Ninang. Hindi ba, Kenzie?”

“Syempre naman! We’re amazing!”

“And awesome!”

“Kaya love na love ko kayo eh. Sige na, ayusin niyo na ang sarili niyo.” Wika ni Hilda. Mabilis namang sumunod sina Kenzo at Kenzie.

Panay ang tawa ng dalawang bata habang kinkunan ng video ni Hilda. Napangiti na lang si Avianna habang nakatingin sa mga anak na masayang-masaya sa pagpo-pose.

Ngayong araw na ito ang presentation ng kinuha na videographer at photographer sa kompanya nina Keiran.

“Sir, nandito na si Miss Calves, she’s waiting for you in the conference room for her presentation.” Imporma ng secretary ni Keiran. Mabilis na tinungo ni Keiran ang conference room. May ilang board of directors din ang nando’n para panoorin ang presentation sample ni Miss Calves.

Medyo na-tense si Hilda nang makita ang lalaking nasa loob ng conference room at nakatitig na ngayon sa kanya. Hindi akalain ni Hilda na makikita niya ang ama ng kambal ngayong araw.

“Good morning everyone, I am Hilda and I’m going to present the sample of my video presentation for the energy drink. Please, enjoy.” Pormal na wika ni Hilda. Dahil naging blanko ang utak niya ay ibang video ang napindot niya at siyang na-play sa monitor.

Halos lumuwa ang mga mata ni Keiran nang makita ang mga batang nasa video. Kumabog ng malakas ang dibdib ni Keiran habang hindi hinihiwalay ang mga paningin sa dalawang bata na masayang-masaya habang kinukuhaan ng video. Genuine ang kanilang mga tawa. Hindi namalayan ni Keiran na tumulo na pala ang isang butil ng luha sa kanyang pisngi.

“Oh my goodness!” Bulalas ni Hilda nang ma-realize ang video na kasalukuyang pinapanood ng lahat.

“I’m so sorry, pero hindi po ito ang video para sa energy drink sample presentation ko.” Mabilis na pinatay ni Hilda ang laptop at pinalitan ng ibang video. Kumakalabog ang puso ni Hilda nang mapansin ang kalituhan at katanungan na mababakas sa mukha ni Keiran.

Nang matapos ang presentation ni Hilda at maaprubahan ang kanyang sample video presentation ay mabilis na umalis si Hilda. Ayaw niyang kausapin si Keiran.

Ngunit, kahit na anong iwas ni Hilda kay Keiran ay nakita pa rin ito ng binata.

“Hey! Miss Calves, can we talk?” Seryosong tanong ni Keiran kay Hilda.

“B-bakit? May hindi ka nagustuhan sa presentation? We can discuss it some other time, I have an emergency kasi.” Alibi ni Hilda kay Keiran.

“Mabilis lang naman eh. Gusto ko lang itanong kung kaninong mga anak ang nasa video presentation mo.”

“Ahm. . . Ah, she’s a daughter of Mr. Laurel-“

“No, hindi ang pangalawang video mo. ’Yong unang video kanina.”

“I’m sorry, Mr. Monreal, pero it’s confidential.”

“Miss Calves, please, nakikiusap ako. I want to know their parents.”

“I’m sorry. Aalis na po ako.” Paalam na ni Hilda at mabilis na sumakay ng sasakyan nito.

Mabilis na sumakay si Keiran sa kanyang sasakyan at sinundan si Rico. Malakas ang kutob niya.

“Maaari kayang nagkaroon kami ni Avianna ng anak? Hindi impossibleng mangyari ’yon. We didn’t used any contraceptive when we made love. God! Sana nga tama ang kutob ko.”

Dahil sa sobrang tense ay hindi namalayan ni Hilda na sinusundan pala siya ni Keiran.

Habang sina Avianna kasama ang kambal ay nasa labas na ng gate upang salubungin si Hilda. Naisip kasi ni Avianna na ipasyal ang mga anak sa mall.

“I’m so excited na mag mall, mommy!” Sigaw ni Kenzo.

“Me too!” Sigaw naman ni Kenzie.

Nang makarating si Hilda ay namumutla ang mukha nitong nakatingin kay Avianna.

Bago pa makapagsalita si Hilda ay nakalapit na si Keiran sa kanila.

“A-avianna? I-ikaw nga!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Keiran nang makita ang babaeng kaytagal na niyang hinihintay.

“Our daddy is here na!” Malakas na sigaw ng dalawang bata. Si Avianna ay parang natuod na sa kinatatayuan nito dahil sa gulat nang makita sa harapan ang lalaking lihim na minamahal.

Napabaling si Keiran sa dalawang bata na kamukhang-kamukha niya. Napaluhod si Keiran sa harapan ng kambal. Hindi na niya hinintay pa ang kumpirmasyon mula kay Avianna. Dahil sa mukha pa lang ay alam na alam na ni Keiran na anak niya ang dalawang batang nasa harapan niya.

“You’re our daddy, right?” Inosenteng tanong ni Kenzo sa ama.

“Look, oh, we have the same face. So, you’re our daddy!” Masayang wika naman ni Kenzie. Hindi nakapagsalita si Keiran. Malakas ang kalabog ng kanyang puso. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Walang salitang niyakap ni Keiran ang kanyang mga anak. Yumakap din pabalik ang dalawang kambal sa kanilang ama.

“M-my sons. . . I. . . I missed you, sons.” Umiiyak na wika ni Keiran. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap ni Keiran sa mga anak.

“Dad, you love us, right?” Si Kenzie.

“Oo nga po, do you love us? And mommy rin po?” Segunda na tanong ni Kenzo.

Bumitaw sa pagkakayakap si Keiran sa mga anak at tiningnan sa mga mata ang dalawang bata.

“Mga anak, love na love ko kayo, kahit ngayon ko lang kayo nakita at nakasama ay mahal ko na kaagad kayo. At ang mommy niyo,” tiningnan ni Keiran sa mga mata si Avianna, “mahal ko ang mommy niyo. . . Hindi niya lang ako hinayaan na ipakita at ipadama iyon sa kanya.” Madamdaming pahayag ni Keiran at muling tiningnan ni Keiran ang kanyang mga anak at masuyong hinaplos ang mga buhok nila.

“Talaga, daddy? Love mo si mommy?” hindi makapaniwalang tanong ni Kenzo. Isang tango ang isinagot ni Keiran sa anak.

“Ibig sabihin, happy family na tayo? Titira na tayo sa isang bahay?” excited namang tanong ni Kenzie.

Habang si Avianna naman ay hindi man lang nakapagsalita sa sinabi ni Keiran. Mahal niya ako? Paulit-ulit na tanong ni Avianna sa kanyang sarili.

“Tanungin natin ang mommy niyo kung papayag siyang tumira kayo kasama ko.”

“H-ha? Kukunin mo ang mga anak ko? No way!” bumalik ang diwa ni Avianna at mabilis na hinawakan sa kamay ang mga anak at inilayo kay Keiran.

“Hindi ko sila kukunin sa ’yo, at lalong hindi lang sila ang ititira ko sa bahay ko, dahil kasama ka.”

“A-at bakit naman kami sasama sa ’yo?”

“Dahil mahal kita at may mga anak na tayo.”

“Hilda, ipasok mo muna ang mga bata sa loob. Mag-uusap lang kami ni Keiran.” Seryosong utos ni Avianna sa kaibagan.

“Wait, is she your-”

“Huwag mo ng ituloy ang magiging tanong mo, Mr. Monreal. Because me and Avianna are friends, she’s my best friend. Kids, let’s go inside, hayaan muna natin ang mga magulang mo na mag-usap.” Wika ni Hilda at iginiya na papasok ng bahay ang dalawang bata.

“Anong ibig mong sabihin, Keiran. Wala tayong relasyon na dalawa. At ang nangyari sa atin noon ay tawag ng laman lang naman. Nothing more.”

“At sa tingin mo ay tawag ng laman lang talaga ’yon, Avianna? Wala ka man lang bang nararamdaman para sa akin?”

Saglit na natahimik si Avianna. Ayaw niyang umasa at masaktan.

“O, bakit ka natahimik? Dahil katulad ko ay may nararamdaman ka rin sa akin. Katulad ng sinabi ko kanina sa mga anak natin. . . Mahal kita at iyon ang totoo.”

“Sinasabi mo lang ‘yan upang hindi saktan ang mga anak mo.”

“Talagang mahal kita, Avianna. Just give me a chance para patunayan ko ang malinis at totoo kong intensyon sa iyo. I love you, matagal na. Nang mawala ka ng umagang iyon ay para na akong mababaliw kakahanap sa ’yo, ngunit wala na, huli na ang lahat at tuluyan ka ng umalis sa buhay ko. Kaya ngayon na nakita kitang muli ay gusto kong patunayan ang pagmamahal ko sa ’yo, Avianna. May anak man tayo o wala, mahal pa rin kita.” Puno ng pagmamahal ang boses ni Keiran. Hindi napigilan ni Avianna ang mapaiyak. Matagal na rin niyang kinikimkim ang pagmamahal para kay Keiran, at ngayon na nagtatapat na ito sa kanya ay hindi na niya sasayangin pa ang ilang taong pagkakawalay nilang dalawa. Ayaw na niyang magpakipot pa, dahil mahal na mahal niya rin si Keiran.

“Handa ka bang patunayan ang pagmamahal mo sa akin? Gagawin mo talaga ang lahat? As in lahat-lahat?” paniniguradong tanong ni Avianna kay Keiran. Sunod-sunod na tumango si Keiran.

“Try me, Avianna.”

“Ligawan mo ako katulad ng panliligaw ng mga ginoo sa mga binibini sa sinaunang panahon. Kaya mo ba Kaya?”

“Oo naman! Ako pa ba! Mag-iigib ako, magsisibak ng kahoy at magkukumpuni rin ako ng mga gamit. Kayang-kaya ko ’yon.”

“Kailangan ding magsuot ka ng barong tagalog.” Biro ni Avianna kay Keiran.

“Kapag sinabi kong gagawin ko lahat mapatunayan ko lang na mahal kita, gagawin ko talaga lahat.” Nakangiti na wika ni Keiran kay Avianna.

“Okay, your time will start tomorrow.”

“Yes! Yes!” Sumuntok pa si Keiran sa hangin.

“Hindi pa nga kita sinasagot eh, kung makapag-react ka naman d’yan parang-” hindi na natapos pa ni Avianna ang kanyang sinasabi dahil kinuyumos na siya ng halik ni Keiran sa labi.

“Mom- oh my goodness! Kenzie, close your eyes!” malakas na sigaw ni Kenzo sa kakambal at mabilis na hinila pabalik sa loob ang kapatid.

Kahit alam nina Keiran at Avianna na nakita sila ng kambal ay hindi pa rin naghiwalay ang kanilang mga labi.

Pareho silang sabik sa isa’t-isa.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay parehong may kislap sa mga mata nina Keiran at Avianna.

“God! I really miss you.” Pahayag ni Keiran kay Avianna.

“Mahal na mahal din kita, Keiran, noon pa ay may nararamdaman na ako sa ’yo. Itinago ko lang kasi ang sobrang sungit mo kasi sa akin noon eh!” Nakairap na wika ni Avianna.

“I’m sorry kung masungit ako noon. Babawi naman ako ngayon. Baka nga sa susunod na may mangyari sa ating dalawa, hindi na kambal, baka triplets na.”

“Keiran! Hindi basta-bastang magbuntis ng kambal! Triplets pa kaya?!”

Malakas na tumawa si Keiran.

“I’m just kidding. Liligawan muna kita katulad ng panliligaw ng mga ginoo sa mga binibini noong sinaunang panahon.”

“Tayo na sa loob at naghihintay na ang mga anak natin sa atin- ay teka lang, paano mo kami naghanap dito ?”

“I will tell you later. Let’s go.

“Ops, teka lang, may tanong pa ako.”

“Can you save it later?”

“Ngayon na kita tatanungin.”

“Okay, shoot.”

“Bakit ang bilis mong tanggapin ang mga anak natin? Ni hindi ka man lang nagalit sa akin sa paglalayo ko sa kanila sa ’yo.”

Tinitigan ni Keiran sa mga mata si Avianna.

“Kasi alam kong pareho tayong hindi pa handa no’ng mga panahon na iyon, at saka sobrang mahal kita para magalit ako sa ’yo, mas lamang ang pangungulila ko sa ’yo, Avianna. Paano ko hindi tatanggapin ang kambal? Mga anak ko sila, natural lang na tanggapin ko sila dahil nangggaling sila sa semelya ko.” Pabirong wika ni Keiran sa huling sinabi. Mahinang kinurot naman ni Avianna sa tagiliran si Keiran.

“Ewan ko sa ’yo. Tayo na nga sa loob.”

“Yes, master!”

“Master ka d’yan.”

“You’re my queen and my master, Avianna.” Hindi na lang nagsalita pa si Avianna dahil sa labis na sayang nararamdaman ng kanyang puso.

Pagpasok ng dalawa sa loob ay nakita nila ang kanilang anak. Ang ngiti ng dalawa ay abot hanggang tenga.

“Kenzo, Kenzie, bakit nandito kayong dalawa?” tanong ni Avianna sa kambal.

“Mommy, totoo ba ang narinig namin? Magkakaroon na kami ng kapatid? Triplets pa?” tanong ni Kenzo.

Nanlaki naman ang mga mata ni Avianna sa tanong ng anak habang si Keiran ay malakas na natawa.

“Mga anak, mali ang narinig niyo. At sa susunod, huwag makinig sa usapan ng may usapan, naiinitdihan niyo ba?”

“Yes, mommy!” panabay na sagot ng dalawang bata. Kinarga naman ni Keiran ang kambal papasok sa loob ng bahay.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now