CHAPTER 5

231 6 0
                                    

Samantala, nang magmulat ng mga mata si Keiran ay agad niyang kinapa ang katabi.

“Huh? Avianna?” Agad na napabangon si Keiran at inilibot ang paningin sa buong paligid. Nang hindi makita ang dalaga ay napalingon ito sa nakabukas ng pinto ng attic. Lumabas ng attic si Keiran para hanapin si Avianna pero hindi na niya ito nakita. Napahilamos na lang sa mukha si Keiran.

“God! What did I do to her? Natakot ko siguro si Avianna kaya siya umalis. I’m so worried about her, I’m her first kaya sigurado akong nasaktan ko siya nang magniig kami. I must see her. Kailangan ko siyang makita at magpaliwanag sa kanya. Pananagutan ko ang nangyari sa aming dalawa.” Naguguluhang kausap ni Keiran sa kanyang sarili.

“May kaniig ka, Keiran? Tama ba ang narinig namin ng ama mo?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ng ina ni Keiran na si Mrs. Monreal sa anak.

“Mom? Dad? Anong ginagawa niyo rito?”

“Answer us Keiran!” Malakas na sigaw ni Mr. Monreal sa kanyang anak.

“Yes dad. May nangyari po sa amin ng driver ko.”

“Driver mo?! Are you a gay?”

“Of course not! My driver is a woman!”

“So, where is she now? Kailangan namin siyang makilala ng ama mo.”

“Mom, relax. Umalis nga siya, kailangan ko pa siyang sundan. Kaya please lang, umalis na muna kayo. Naguguluhan pa ako kaya sana huwag niyo na munang dagdagan pa.” May iritasyon sa boses na wika ni Keiran sa kanyang mga magulang. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at sabay na tumango. Ngayon lang nila nakita si Keiran na parang mababaliw na sa isang babae kaya hinayaan na muna nila ang anak.

Samantala, si Avianna ay parang baliw na kinakastigo ang kanyang sarili dahil sa kagagahang nagawa.

“Baliw! Baliw ka talaga, Avianna! Bakit mo naman isinuko ang kagubatan sa bugnuting unggoy na iyon?! Virginity na lamang nga ang maipagmamalaki mo ay ipinamigay mo pa!” Ngunit Wala man lang naramdamang pagsisisi si Avianna sa sarili niya.

‘Aminim mo man kasi o sa hindi, mahal mo na ang unggoy na ’yon.’ Sabi ng isipan ni Avianna. Napakagat-labi na lang si Avianna dahil tama ang utak niya. Hindi na lang simpleng pagtingin ang nararamdaman niya para kay Keiran dahil mahal na niya ang binata sa kabila ng pagiging masungit at bugnutin nito.

Nahinto siya sa iniisip niya nang tumunog ang kaniyang cell phone. Kaagad na hinugot niya iyon mula sa bulsa at walang pag-aatubili na sinagot.

“Hello, Best? May nangyari kagabi kaya hindi ako nakauwi. Pero on the way na ako patungo riyan. Pasalubongan ko na lang kayo ni Alvin ng paborito niyong betamax at—”

“A-Avianna . . . S-si Alvin . . .”

Nahinto sa pagsasalita si Avianna nang maulinigan ang garalgal na boses ni Hilda mula sa kabilang linya. Masama ang kaniyang naging kutob sa pambungad nito.

“B-bakit? A-ano ang nangyari sa kapatid ko?!”

“B-bigla na lang nanikip ang dibdib niya at hindi na makahinga kaya naman isinugod ko na siya rito sa ospital. P-pumunta ka na rito kaagad . . . H-hindi ko na alam ang gagawin ko!”

Wala itong tigil sa paghikbi habang dinedetalye ang nangyari.

“A-ano?!”

Binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. Tuluyan siyang masisiraan ng tuktok kapag may nangyari na hindi maganda kay Alvin.

“Ibigay mo sa akin ang address at pangalan ng hospital! Pupunta na ako riyan!” pagkasabi niya ay pinatay na niya ang tawag.

Natanggap niya via sms ang detalye kung saang ospital dinala si Alvin. Mabuti na lamang dahil maaga pa kaya wala pang masiyadong traffic. Kaagad siyang nakarating sa ospital kung nasaan ang kaniyang kapatid.

“Avianna!” sigaw ni Hilda sa kaniyang pangalan nang matanaw siya ng kaibigan.

Patakbong tinungo niya ang kinatatayuan ni Hilda. Kitang-kita sa mukha ni Hilda na kagagaling lang nito sa pag-iyak.

“N-nasaan si Alvin? K-kumusta ang kalagayan niya?”

Hindi pa siya nakababawi sa paghinga dahil sa ginawang pagtakbo mula sa entrada ng ospital hanggang sa makarating kung nasaan si Hilda.

“Nasa ICU siya at kasalukuyang minomonitor. Ang sabi ng doktor ay high-risk patient na si Alvin kaya kailangan ng close monitoring. Naghihintay lang ako ng update mula sa kanila.”

“G-gusto ko siyang makita.”

Sinamahan siya ni Hilda patungo sa silid na kinalalagyan ng may sakit niyang kapatid. Sinilip niya ito mula sa maliit na butas ng kwarto kung saan may salamin na pagitan.

Mistulang pinipira-piraso ang kaniyang puso nang makita ang kalagayan ni Alvin. May nakakabit na oxygen sa bata para hindi ito mahirapan na huminga.

“A-ang sabi ng doktor ay k-kailangan na niya ng heart transplant . . . K-kailangan daw natin makalikom ng at least nine million pesos para maisagawa ang operasyon.” Imporma pa ni Hilda kay Avianna.

Kuyom ang kamaong napaluha na lamang si Avianna habang nakatanaw sa nakaratay na kapatid. Saang kamay ng Diyos siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? Himala na lang talaga ang makakapagligtas sa kanilang sitwasyon ngayon.

‘Diyos ko, patnubayan niyo nawa kami ng kapatid ko. Huwag Niyo kaming pababayaan. Amen.’ Taimtim na panalingin ni Avianna sa Diyos.

“N-napakabata pa ni Alvin para pagdaanan ang ganito kabigat na pagsubok. M-marami pa siyang pangarap na pwedeng maabot. K-kung pwede lang na akuin ang kaniyang sakit ay ginawa ko na.”

“Miss Avianna Mataimtim?”

Magkasabay silang napalingon ni Hilda sa tumawag sa kaniyang pangalan. Isang lalaki na sa palagay niya ay nasa late fifties ang edad, nakasuot ng kulay black na suit, at tila isang businessman ang lumapit sa kanila ng kaibigan.

“A-ako nga. M-may kailangan po ba kayo sa akin?”

Pasimpleng siniko ni Hilda ang kaniyang tagiliran.

“Binayaran mo naman siguro ang utang natin sa lending, ‘di ba? Hindi kaya maniningil ‘yan?” pabulong na tanong ni Hilda kay Avianna.

“Nabayaran ko na lahat ng hulugan natin this week!”

“Eh, sino ‘yan?”

“Let me introduce myself . . . I’m Arnold Lopez, isang businessman sa America. Narito ako upang ipaalam na matagal ko na kayong hinahanap na magkapatid.”

Nagkatinginan silang magkaibigan, ang mga mata nila ay kapwa nagtatanong. Ikinibit ni Avianna ang kaniyang balikat kay Hilda sapagkat wala siyang ideya kung ano ang pakay ng ginoo sa kaniya.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now