CHAPTER 4

228 6 0
                                    

Habang nasa attic si Avianna ay nagpunta na sa kwarto niya si Keiran para roon na hintayin ang dalaga.

Humiga si Keiran sa kanyang malapad na kama at iniisip ang magandang mukha ng dalaga. Sa ilang araw na nilang magkasama ay mas lalo lang na bumilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ipinikit niya ang kanyang mga mata ay si Avianna ang kanyang nakikita, at sa pagkagising niya sa umaga ay si Avianna pa rin ang unang pumapasok sa kanyang isipan.

Halos kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa bumabalik sa kwarto niya ang dalaga kaya ay napilitan na si Keiran na sundan ito sa attic.

“Hey! What took you so long?” sigaw ni Keiran mula sa labas ng attic na bahagyang nakabukas ang pinto.

“Tulungan mo ko!” sigaw ni Avianna mula sa loob ng attic.

“Why? What happened to you?”

“Natapilok ako. Hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng paa ko, kaya tulungan mo ako!”

“What?! No way! Hindi ako papasok sa lugar na ‘yan.”

“Ano? Eh, paano ako makakalabas dito?”

“Bakit naman kasi ang lampa mo? Gumapang ka na lang palabas dito.”

“Lampa your face! Hindi ko naman ginusto na matapilok, ano! Hindi ko kasi napansin iyong nakaharang na kahon. Sige na tulungan mo na ako. Maging gentleman ka naman kahit minsan!” sigaw pa rin ni Avianna mula sa loob ng attic.

“I will never go inside that room. Never!” Umiiling pang sagot ni Keiran. Kahit hindi naman siya nakikita ni Avianna.

“Ouch! Sobrang sakit ng paa ko,” daing ni Avianna. “Tulungan mo naman ako, oh. Hindi ko kayang gumapang. Sobrang sakit ng paa ko. Plus dala ko pa itong box na pinakuha mo.”

“Asar!” Naihilamos ni Keiran ang mga kamay sa mukha niya.

Wala itong choice kung hindi pikit matang pumasok sa lugar na ayaw na sana niyang pasukin kailanman.

“Bakit ka nakapikit? Paano mo ako makikita at bubuhatin?”

“I don’t want to see this place.” Nakapikit na tugon ni Keiran habang kinakapa kung nasaan si Avianna.

“Ano?! Bakit naman?”

“Nasaan ka ba?”

“Buksan mo kasi iyang–” Natigilan si Avianna nang mapadako ang paningin nito sa pinto ng attic. “Sinarado mo ‘yung pinto?” tanong nito sa binata.

“Oo. Bakit?”

“Hindi mo ba napansin na sira ang doorknob?”

“And so?”

“Hindi tayo makakalabas dito!”

With that, biglang napadilat si Keiran. At napatingin sa nakasarang pinto ng attic.

“What the heck? Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“Malay ko ba na isasara mo ‘yang pinto?”

“I need to get out of here!” Nanginginig na napaupo sa sahig ng attic ang binata.

“Ano’ng nangyayari sa ‘yo?”

“L-let me get out of this place, please…” Dinig ni Avianna ang panginginig ng boses ng binata.

“May trauma ka ba sa lugar na ito?”

“P-please… I don’t want to stay long in this place… please… ilabas mo ako rito.”

Nakatakip ang mga kamay nito sa ulo habang nakatalungko.

“Sandali. Hintayin mo ako. Lalapit ako sa ‘yo.” Kahit nahihirapan ay gumapang si Avianna palapit sa binata. “Nandito na ko. Kailangan mong kumalma para makalabas tayo sa lugar na ito.”

“I can’t…” Nanginginig pa rin na tugon ni Keiran sa dalaga.

“Pero kailangan nating makalabas dito. Ikaw ang lalaki. Ikaw ang malakas. Kaya makakagawa ka ng paraan para buksan ang pinto. At isa pa masakit ang paa ko. Kaya ayusin mo ‘yang sarili mo. Tumingin ka sa akin,” pagkaraan ay utos ni Avianna sa binata.

“Ayoko sa lugar na ito… ilabas mo ako rito… p-please…” Animo batang takot na takot si Keiran.

Napabuntonghininga si Avianna bago lumapit pa ng mas malapit sa binata.

“Tumingin ka sa akin. Kailangan mong labanan ‘yang trauma mo. Ang laki-laki mong tao, eh. Tumingin ka sa akin,” utos ni Avianna sa binata habang niyuyogyog ang balikat nito. “Sige na. Kailangan mong labanan ‘to.”

Dahan-dahan naman nag-angat ng tingin sa dalaga ang nanginginig pa rin na si Keiran.

“Tumingin ka sa mga mata ko. Anuman ang kinakatakutan mo, o anumang masamang bagay o pangyayari sa lugar na ito. Kailangan mo iyong labanan. Naiintindihan mo ba ko? Tumingin ka sa mga mata ko.” Iniangat niya ang baba ni Keiran.

Sinunod naman ito ni Keiran. Tinitigan niya sa mga mata si Avianna hanggang unti-unting mawala ang panginginig nito.

“Ganiyan nga! Labanan mo kung ano man ‘yan. Ayan! Hindi ka na nanginginig.” Tuwang-tuwang turan ni Avianna nang umayos na ng tuluyan si Keiran. “Huh? B-bakit? Bakit ganiyan ka namang makatingin?”

Titig na titig si Keiran kay Avianna at bigla na lang kumalma ang kanyang buong katawan. Ngunit, iba naman ang epekto ng pagkakalapit nila ni Avianna. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso at nag-iinit ang kanyang katawan. May binubuhay na init sa katawan ni Keiran ang pagkakalapit nila ng dalaga.

Hindi inaasahan ni Avianna ang sunod na ginawa ni Keiran sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Avianna nang bigla na lang siyang halikan ng binata.

“Umhp–” Sinubukan niyang itulak ang binata pero mas hinapit siya nito papalapit sa katawan ni Keiran.

Hindi namalayan ni Avianna na tinutugon na pala niya ang halik ni Keiran. Matagal na rin siyang may pagtingin kay Keiran, ngunit pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil ayaw malayo ang agwat ng kanilang estado sa buhay.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi napigilan ni Avianna na madala sa mga ginagawa ni Keiran sa kanya. Unti-unting nahubad ang kanilang saplot at mas lalo lang na nag-init ang kanilang katawan. Hanggang sa kapwa na sila hubo’t-hubad at pinag-isa nila ang kanilang katawan. At sa oras na iyon ay isinuko na ni Avianna ang kanyang sarili kay Keiran. Sa lalaking malamig at masungit sa kanya. Dahil sa pagod ay parehong nakatulog ang dalawa ng magkayakap.

Nagising si Avianna na may mabigat na nakadagan sa tiyan niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay natutop niya ang kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang ma-realize niya ang naganap sa pagitan nila ni Keiran.

“Oh my goodness! Naisuko na nga ang Bataan ko!” bulalas ng dalaga saka nagmamadaling nagbihis.

Lumapit si Avianna sa pinto at sumigaw ng tulong. Mabuti na lang at may katulong na umuwi ng bahay at nabuksan ang attic.

“Manang nasa loob pa po si Boss Keiran. Tulog pa po kasi kaya huwag niyo po sanang isarado ang pinto. Aalis na po ako.” Bilin ni Avianna sa katulong.

“Sige hija, mag-iingat ka.”

Isang tango lang ang isinagot ni Avianna at nagmamadali na siyang umalis sa bahay ng kanyang amo.

Kaya takot si Keiran na pumasok sa attic ay dahil nagkaroon siya ng trauma, nakulong kasi siya noong ten years old pa lang siya at isang araw siyang nakulong at takot na takot si Keiran nang mga panahong iyon kaya hanggang sa lumaki na siya ay takot na takot pa rin siyang pumasok sa attic.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now