CHAPTER 3

221 6 0
                                    

Nakahanda na si Avianna para pumasok bilang driver kay Keiran. Ngayon naman ay isang crop top ang suot niya na tinernuhan niya ng isang high waist na pantalon.

“Avianna, papasok ka na ba?” tanong sa kan’ya ng kaibigan niyang si Hilda.

“Oo, Best. Ikaw na muna ang bahala ulit kay Alvin.” Puno ng pakiusap ang tinig na saad niya sa kaibigan.

“Walang anuman iyon, Bestie. Para ano pa at naging kaibigan mo ako. Saka mas alalahanin mo ang sarili mo, hindi ko alam kung paano mong napag-titiisan ang ugali nu’ng boss mo,”

“Alam mo namang kailangan kong pagtiisan si Mr. Sungit, alang-alang kay Alvin at para tuluyan na rin akong makabayad sa pagkaka-utang ko sa kan’ya. Pero, in fairness mukhang bumabait na naman siya sa akin eh.”

“Bilib nga ako sa’yo, Bestie. Sa iyo na rin nanggaling na ang hirap pakisamahan ng lalaking iyon. Sala sa init, sala sa lamig. Akalain mong ilang linggo ka na rin palang nagtatrabaho sa kan’ya? Sana nga tuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya.”

“Wala naman akong choice. Oh siya, Bestie. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay at kay Alvin ha. Kontakin mo ako kapag may emergency, okay?” Isinusukbit na ni Avianna ang sling bag at inayos ang buhok. Pupungas-pungas namang sumilip si Alvin sa kurtinang nagsisilbing harang sa tulugan nilang magkapatid sa loob ng maliit na kuwartong inookupa nila.

“Aalis ka na po ba, Ate?” tanong ni Alvin sa kan’ya.

“Oo, Bunso,” nakangiting sagot ni Avianna sa kapatid, nilapitan niya ito at hinalikan sa noo, “huwag kang pasaway sa Ate Hilda mo okay? Uminom ka sa tamang oras ng gamot mo ha? Kapag nagpakabait ka ngayong araw, dadalhan kita ng masarap na pasalubong mamayang pag-uwi ko.”

“Umuwi ka lang ng matiwasay, Ate, okay na po ako doon. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho mo at sa boss mong masungit,” namimilog na ang mga matang sambit sa kan’ya ng kapatid. Marahang ginulo ni Avianna ang buhok ng kapatid saka muli niya itong hinalikan sa noo bago siya tuluyang namaalam sa mga ito.

Hatid-tanaw si Avianna ng kaibigan habang tinatahak niya ang daan patungo sa labasan kung saan siya sasakay. Hindi pa man siya nakakarating sa sakayan nang marinig niyang nagriring ang cell phone niya.

“Where are you?” matigas ang tonong bungad sa kan’ya ng boses ni Kieran matapos niyang sagutin ang tawag nito.

“Papunta pa lang boss.”

“Get here immediately. I need to talk with you.”

Sasagot pa sana si Avianna nang marinig niya ang beeping tone sa kabilang linya. Napatingin siya sa cell phone, the call was ended.

“Argh! Bastos! Ano na naman kaya ang nakain ng lalaking ‘to!” mariing sigaw niya sa cell phone habang magkasalubong ang kilay na tinitingnan ang pangalan ng kan’yang boss sa caller ID.

Ilang saglit pa ay nasa harapan na ni Kieran si Avianna. Pinapunta siya ng lalaki sa loob ng opisina nito sa may mansion. Wala yatang planong lumayas ang mokong. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang hindi nakabihis pang-opisina ng ganito kaaga si Kieran, sa halip ay nakasuot lang ito ng simpleng putting t-shirt at shorts na pambahay. Bahagya ding gulo ang buhok nito at nanlalalim ang mga mata. Sa kabila niyon ay hindi naman nakabawas iyon sa angking kagwapuhan ni Kieran.

Ilang minutong namagitan sa kanila ang katahimikan, si Kieran ay nanatiling nakaupo sa isa sa mga sofa sa loob ng opisina nito habang hantarang hinahagod ng tingin si Avianna, mula ulo hanggang paa.

Hindi naman magawa ni Avianna na magsalita dahil nako-conscious siya sa paraan ng pagkaka-titig ng lalaki sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng lalaki.

“Pwede ba kitang gawing model?” Tanong ni Keiran kay Avianna nang matapos itong pasadahan ng tingin.

“M-model? Model ng ano?” Nauutal na tanong ni Avianna sa binata.

“Model sana ng sasakyan kung ayos lang sa ‘yo. Mas malaki ang kita at benefits.”

Umiling-iling naman si Avianna. Pasensya na boss pero gusto kong maging isang driver niyo na lang po.”

Malakas na napabuntonghininga si Keiran.

“Kung yan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa pa. Ipag-grocery mo na lang ako.” Utos ni Keiran.

“Okay boss!”

Makalipas nga ang ilang oras at nakabalik na si Avianna galing sa groserya ay nakalimutan niyang igarahe sa tamang lugar ang sasakyan ng kanyang boss.

“I told you na ‘wag mong igagarahe ang kotse ko sa lugar na iyon hindi ba? Look what happened to my car!” Salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha na sermon ni Keiran kay Avianna.

“Naku, pasensya na at hindi ko namalayan na maling lugar pala ang naparkan ng kotse mo.”

“Paulit-ulit na lang ba kitang pagsasabihan?”

“Boss, humihingi na nga po ako ng despensa di ba?”

“Sumasagot ka pa? Sana sa susunod ilagay mo sa utak mo ang mga bilin ko sa ‘yo.”

“Hmp! Ayan na ang mga pinabili mo! Isaksak mo dyan sa Baga mo!” sigaw ni Avianna sabay tinalikuran ang binata.

“Saan ka pupunta?”

“Uuwi na. Hindi ba pwede?” Nakapamewang na tanong niya sa binata.

“Mamaya ka na umuwi. Babayaran ko ang magiging overtime mo. Dahil may iuutos pa ako sa ‘yo,” biglang nagbago ang tono ni Keiran.

Kaya naman napataas ang kilay ni Avianna.

“Wow! Extra service? Ano naman ang iuutos mo, kamahalan?”

“Don’t be sarcastic, Avianna.”

“Don’t be sarcastic, Avianna, tss.”

Pinigilan na lang ni Keiran na patulan ang dalaga.

“May kailangan akong box na nasa attic. Pakikuha at dalhin mo sa kwarto ko,”

“Bakit kailangan pang ako ang kumuha? Bakit hindi ka mag-utos sa mga katulong mo?”

“Day off nilang lahat.”

“Wow! Sabay-sabay talaga? Eh, bakit hindi ikaw ang kumuha?”

“Ayokong pumunta sa lugar na iyon.” Nag-iwas ng tingin si Keiran sa dalaga para maitago ang ekspresyon ng mukha niya.

Dahil mababanaag sa mukha ng binata ang nararamdaman sa tuwing naaalala nito ang hindi malilimutang kaganapan sa parteng iyon ng mansyon.

“Fine! Tutal babayaran mo naman ako ng overtime. Ano’ng box ba iyan? At bakit nasa attic?”

“Bakit ba ang dami mo pang tanong? Kunin mo na lang. It’s a black box na katamtaman lang ang laki. Madali mo ‘yong mahahanap. Kaya kumilos ka na,” masungit na tugon niya kay Avianna.

“Psh! Ito na. Kikilos na.” Tumalima na agad si Avianna sa utos ng binata.

“Tss. Ang tagal kumilos.”

“Hindi ho ako bingi!” Nakairap na sigaw ni Avianna kay Keiran.

The Billionaire's Sexy DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon