CHAPTER 7

256 7 0
                                    

FIVE YEARS LATER…

“Ladies and gentlemen, in a few minutes, we will arrive at the Ninoy Aquino International Airport…”

“Yes! We are here!” tuwang-tuwa na sabay na bigkas ng dalawang cute na cute na kambal na katabi ni Avianna. Napangiti siya ng makita ang excitement sa mga mata ng mga ito. Halos hindi magkamayaw ang mga ito sa pagsilip sa maliit na bintana ng eroplano.

“They seemed excited to be in the Philippines,” bulong kay Avianna ng kaibigan niyang si Hilda.

“Of course, they are. Pangarap nilang makauwi kami at makita ang bansang pinanggalingan ko,” nakangiting sambit ni Avianna sa kaibigan.


“And probably we can meet Daddy as well,” baling sa kanila ni Kenzo na nakikinig pala sa usapan nila.

“Yeah, I want to meet Daddy too,” sang-ayon naman ni Kenzie sa kakambal.

“Children, what did I tell you about barging in the adult conversation?” may diing suway ni Avianna sa dalawang anak.

“Sorry, Mommy,” magkapanabay na hinging paumanhin nina Kenzo at Kenzie sa ina.

“You better put your seatbelt on, we are going to land anytime soon,” utos ni Avianna sa dalawang bata upang ma-divert niya ang atensiyon ng mga ito. Agad namang tumalima ang mga kambal sa sinabi niya, pero marahang nagbubulungan ang mga ito sa isa’t isa na naririnig din naman niya. Napailing na lang si Avianna dahil sa inasal ng dalawang anak.

Naiiling na nagkatinginan na lang silang dalawa ni Hilda dahil sa aktuwasyon ng kambal. Napabuntonghininga si Avianna, hindi niya rin naman masisisi ang dalawang bata, they were excited to know who their father was. After all, sa loob ng panahong lumipas, hindi naman niya ikinaila sa mga bata kung sino ang ama ng mga ito.

They often see him in the business magazine dahil lagi itong na-f-feature sa mga iyon. Kahit sa America ay sikat na sikat si Keiran sa business world.

“I know that look on your face, best,” bulong sa kaniya ni Hilda.

“W-what look?”

“That…” iniikot nito ang mga daliri sa kabuuan ng mukha niya, “That look exactly. Nakikita ko lang iyan kapag naalala mo siya,” pahayag ni Hilda sa kaniya ng pabulong.

“Masisisi mo ba ako, best? The kids often asks about him now. I know hindi panghabang panahon na makaka-iwas ako sa pagpupumilit nilang makilala at makita ang ama nila. And I still don’t think I am ready for that.”

“Kung bakit ba naman kasi ayaw mo pang sabihin sa ama nila ang tungkol sa dalawang batang nabuo niyo,”

“Kung ganuon lang sana kadali, best, eh ’di sana matagal ko ng ipinakilala ang ama ng kambal” pabuntong-hininga niyang saad. Saka niya inayos ang sarili sa pagkakaupo at ikinabit na rin ang seatbelt. Tahimik na rin ang kambal at parehong nakatutok ang atensiyon ng mga ito sa labas ng bintana.

Avianna couldn’t deny na si Keiran nga ang ama ng mga anak niya. Halos wala yatang nakuha sa kaniya ang dalawang bata. Sa araw-araw na nakikita niya ang mga ito ay dalawang mini-version ni Keiran ang nakikita niya. Kaugali rin ni Keiran ang mga anak. Tila ba yelo ang mga mata kung makatingin, masusungit din ang kambal.

“Ikaw na rin ang nagsabi, kahawig sila ng ama nila. So paanong hindi maniniwala ang ex-boss mong yummy na siya ang ama ng kambal, aber?” pabulong na tanong muli sa kaniya ni Hilda.

“Maka-yummy ka diyan,” pairap na bigkas niya sa kaibigan.

“Totoo naman. Kung hindi ko nga lang alam na may feelings ka pa sa lalaking iyon ay matagal ko na siyang inangkin,”

“Luka-luka, feelings ka diyan. Wala kaya akong nararamdaman sa unggoy na ’yon.”

“Talaga lang ha? Pero alam kong sarap na sarap ka sa ginawa niyo sa attic no? Aminin mo!”

“Heh! It’s a private kaya. Pwede bang manahimik ka na lang d’yan.”

“See, namumula ang mukha mo. Hoy, Ms. Mataimtim, matagal na kitang kilala. At saka totoo namang yummy ang ex-boss/slash loverboy mo noon. Alam mo namang matagal ko na rin siyang pinagnanasaan, hindi ba? Kung hindi lang talaga dahil sa ’yo ay baka matagal ko na siyang inagkin at inakit.” Buong lapad ang ngising saad sa kaniya ng kaibigan, saka sinabayan nito iyon ng pagkindat.

“Baliw!” natatawang saad na lamang ni Avianna rito. Nang muling mapadako ang mga mata niya sa mga anak ay isang malalim na buntonghininga na naman ang kaniyang pinakawalan. “Pero alam mo namang mas kinatatakot ko ang ipakilala sila kay Keiran at itanggi niya ang mga ito. Alam mong walang malalim na namagitan sa aming dalawa noon. Isang gabi lang iyon ng pagkalimot naming dalawa. Mas priority ko pa rin ang mararamdaman ng kambal. Ayokong masaktan sila. I even doubt kung naalala pa nga ako ng lalaking iyon,” seryosong saad ni Avianna sa kaibigan.

“Well, you have a point. Anyways, enough of that topic. Nandito tayo upang mag-enjoy sa bagong chapter ng buhay natin dito sa Pilipinas. At ikaw bilang bagong CEO ng Lopez’ Enterprise. Kaya to commemorate our first day at pag-welcome muli sa iyo rito, let me take a video of you and the kids.” Malawak ang ngiting sambit ni Hilda. Nailabas na pala nito sa hand carry nito ang camera nito, hindi na naka-iwas si Avianna habang kinukuhanan siya nito ng video kahit panay ang tanggi niya.

“Kenzo, Kenzie, look at me,” tawag pa ni Rico sa atensiyon ng dalawang bata habang patuloy ito sa pag-record ng video. Natatawa na lang na naiiling si Avianna sa ginawa ng kaibigan. Hindi niya naman ito mapipigilan sa gustong gawin, makulit ito kaya hinayaan niya na lang. Game na game naman sa pag-pose sa video ang dalawang bata habang natatawang ini-instruction-an ang mga ito ni Hilda kung ano ang gagawin. Napapangiti na lang si Avianna. Kung babalikan ang nakaraan ay wala siyang pagsisisi na ibinigay niya kay Keiran ang kanyang sarili, sa lalaking hanggang ngayon ay lihim niya pa ring minamahal.

Si Hilda naman ay sumunod kay Avianna after six months. Nag-aral din si Hilda sa America at ngayon nga ay isa na itong professional videographer and photographer.

Samantala sa office ni Keiran ay kausap nito ang kanyang secretary.

“Sir, we already contacted Miss Hilda Calves. She agreed to our condition,” imporma ng secretary ni Keiran sa kaniya.

“Mabuti naman, did we already close a deal with her?”

“Yes, Sir. We ensured she signed a contract with us the last time she was here. Now she is our official videographer for our new product. Naka-set na po ang petsa kung kailan siya mag-pa-product presentation sa board of directors and marketing team,” sagot ng sekretarya niya.

“Make sure the marketing team will coordinate with Miss Calves accordingly.”

“Yes, Sir.”

“Is that all?” bahagyang kumunot ang noo ni Keiran nang makitang parang may gusto pang sabihin ang sekretarya sa kaniya ngunit hindi nito masabi-sabi.

“Ahm, about sa Lopez Enterprize, Sir,” bantulot na saad ng sekretarya ng binata.

“What about it?” lalong kumunot ang noo ni Keiran. It is the main company that they need to acquire the cooperation para masakop na nila ang buong Food and Beverages Industry.

“W-we’ve heard na magbabago po yata sila ng management,” atubiling pahayag ng kaniyang sekretarya sa mahinang boses.

“What do you mean?”

“We’ve heard that a new CEO has been appointed, and she was coming from abroad. Nagkaroon po sila ng reshuffling sa management, at ipinagkatiwala na ni Mr. Arnold Lopez sa kaniyang panganay na anak ang pamamalakad sa Lopez Enterprise,”

“So it will be a problem to us? Mayroon na tayong kasunduan dati pa kay Mr. Lopez. We just needed to draft a new contract para makuha natin ang support nila sa bagong product na ila-launch natin. Hindi naman siguro mawawala ang kasunduang iyon, because of a new management right?”

“The marketing team was trying their best upang ma-close ang contract deal po natin sa Lopez Enterprise, Sir. Pero matigas po ang bagong management nila, they said that we need to follow the new procedure and apply as a candidate again along with the other companies,”

“Damn?!” pabagsak na binitawan ni Keiran sa lamesa niya ang hawak na papeles, saka inihilamos ang mga kamay sa mukha. He’s frustrated right now dahil sa nalamang balita.

“You may leave now,” malamig na utos niya sa sekretarya. Dali-dali namang tumalima ito, ilang saglit lang ay wala na ito sa harapan niya.

Pinagsalikop ni Keiran ang mga palad at inilagay iyon sa ilalim ng baba niya, habang malalim na nag-iisip. Nasa ganuon siyang posisyon nang mamatay ang laptop niya at lumitaw ang larawan ng babaeng nasa screensaver niya. Nahigit ni Keiran ang hininga habang matiim niya itong pinagmamasdan. It was Avianna’s picture that he secretly took nuong mga panahong naninilbihan pa ito sa kaniya bilang driver niya. Nakaupo ito sa driver’s seat at kampanteng natutulog. She looked exhausted but she remained beautiful. In five long years, tanging ang larawan lang nito ang nagsisilbing tagapagpakalma ng kaniyang magulong isipan, katulad ngayon. Just by looking at her face makes all his worries vanish. Sa limang taon na iyon ay hindi nagawang kalimutan ni Keiran ang dalaga. He loves her so much na halos mabaliw na siya nang hindi makita si Avianna. He’s still hoping na isang araw ay magkikita pa rin silang dalawa.

“I really miss you, my sexy driver. I love you, and I want to be with you forever. Please, Avianna, magpakita ka na sa akin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.” Kausap ni Keiran sa kanyang sarili. Hindi niya namalayang naglandas na pala sa kanyang mga mata ang luha na pinipigilan niya. He really misses her, he missed her so damn much na halos ikasira na ng kanyang bait. Gano’n niya kamahal si Avianna.

“Come back to me, baby. I’m begging you.” Muling wika ni Keiran at tahimik na lang na umiyak dahil sa sobrang pangungulila na nararamdaman niya para kay Avianna.

The Billionaire's Sexy DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon