CHAPTER 2

262 6 0
                                    

Kinabukasan ay agad na nag-ayos ng sarili si Avianna.

Hindi niya sinunod ang sinabi ng gwapo ngunit masungit na may-ari ng kotse. Huh! Tingnan lang natin kung hindi ka maglaway sa akin. Nakangisi na wika ni Avianna sa kanyang sarili. Maraming nagsasabi sa kanya na maganda siya at seksi, kaya lang ay wala siyang panahon para magpaganda.

“Ayos lang naman tong suot ko hindi ba? Bagay na bagay rin sa akin pati kulay.” Nakangiti na kausap ni Avianna sa sarili.

Isang off-shoulder na kulay pula ang suot niya, tinernuhan niya iyon ng kulay itim na skirt na hanggang tuhod ang haba.

Umikot pa ng isang beses si Avianna sa harapan ng salamin bago naglagay ng kolorete sa mukha.

“Yan oh! Pak na pak!” Nakangiti na wika niya. Pagkatapos na mag-ayos ay agad ng umalis si Avianna.
Tiningala ni Avianna ang mataas na gate na nasa harapan niya.

Hindi makapaniwalang muli niyang tiningnan ang hawak na calling card. Tama naman. Hindi siya naliligaw.

Alam niyang mayaman ang lalaking nakabangga pero hindi niya akalain na ganito ito kayaman.

Hinarap siya ng isang guard nang mag-doorbell siya. “Anong kailangan mo rito, Miss? Isa ka ba sa babae ni Sir? Pasensya na at wala siya rito.” Wika kaagad ng gwardiya kay Avianna.

“Excuse me? Hindi ako babae ng sir mo. Driver niya ako.”

Ikiniling nito ang ulo sa pagtataka. “Driver ni Sir Keiran ang isang sexy na babaeng katulad mo?”

“Oo, kaya papasukin niyo na po ako bago pa ako ma-late at mapagalitan.”
 
“Ah, sige Miss, pasok ka na sa loob.”

Binuksan ng gwardiya ang maliit na gate at pinapasok si Avianna sa loob.

“Thank you!” pasasalamat ng dalaga.

Napakamot na lang sa ulo ang guard.

“Ang ganda at sexy niya namang driver.” Bulong ng gwardiya.

Malalaki ang hakbang na pumasok si Avianna sa loob ng solar.

Napalingon si Avianna nang may tumawag sa kanya.

“Mabuti naman at marunong kang tumupad sa usapan,” anang baritonong tinig ni Keiran na ikinagulat ni Avianna.

Mabilis na lumingon si Avianna sa binata sabay bati.

“Good morning, Sir,”

Napatitig si Keiran sa hitsura ng babaeng kaharap. Ang sexy nito sa suot na damit. Kakaiba rin ang gandang taglay nito. Napatitig pa si Keiran sa natural na mapupulang labi ng dalaga.

“May dumi ba ako sa mukha at ganiyan ka kung makatingin sa akin?” hindi ngumingiting tanong ni Avianna kay Keiran.

Tumikhim si Keiran at nag-iwas ng tingin.

“Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ba at sabi ko black slacks at white blouse? Bakit para kang isang secretary ko at hindi driver.”

“Sir, mas mainam na ito ang suot ko. Wala rin naman akong gano’ng damit eh. At saka di makakabawas sa pagda-drive ko ang suot ko no.”

Tumango si Keiran at nilagpasan si Avianna.
“Sige tayo na at kailangan kong magmadali sa office ko. Ang dami kong dapat na gawin.”

“Copy boss!”

“Here’s the key. Drive safely, okay?”

Tumango lang si Avianna sa binata.

Mabilis na pinagbuksan ni Avianna ng kotse si Keiran. Nang makasakay na ng maayos ang binata ay saka pa siya sumakay sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.

“Sundan mo lang ang GPS map, papunta yan sa office ko.”

“Noted, boss!”

“By the way, Miss. Ano nga pala ang pangalan mo? Nakalimutan mo man lang sabihin sa akin.”

“Avianna po. Avianna Mataimtim.”

“Avianna, huh. . . Nice name,” wika ni Kieran. “Anyway, ayoko sa lahat ay lutang ang isip. Sa iyo nakasasalalay ang buhay ko. Kaya sana kung magmamaneho ka dapat naka-focus ka sa daan at hindi kung saan-saan. Maliwanag ba?”

“Opo, boss.”

“That’s good to hear. Anyway, may drivers license ka ba?”

“Meron, boss. Ipakita ko na lang mamaya sa ‘yo. Nasa sling bag ko kasi eh.”

“Give it to me later. May form ka mamaya na need mong i-fill out para sa mga benipisyo mo.”

“Salamat, boss.”

Hindi na nagsalita pa si Keiran at nakatutok na ang mga mata sa cell phone nito. Habang si Avianna ay naka-pukos ang paningin sa daan para hindi sila maaksidente.

*
Ilang sandali pa ay nakarating na sina Keiran at Avianna sa company building ng binata.

“Mauuna na ako sa itaas. Nasa 25th floor ang office ko. Sumunod ka na lang sa akin sa office.” Wika ni Keiran kay Avianna.

“Bakit boss? May ipag-uutos ka pa ba sa akin?” tanong ni Avianna.

“Oo. Gusto kong bumili ka sa Galaxy restaurant ng breakfast natin. Hindi pa kasi ako kumakain eh. Ibigay mo lang ito at alam na nila ang gagawin. Pwede ka rin namang magdagdag ng order o pagkain na gusto mo.”

Iniabot ni Keiran ang isang black card kay Avianna. Mabilis naman iyong kinuha ng dalaga.

“Boss, may nakain po ba kayo ngayong araw?”

“H-ha? Wala naman, bakit?”

“Ang bait niyo kasi, ‘di kayo nagsusungit. Mas mabuti ‘yon at mas lalo kayong gumagwapo.”

“Don’t fool me around. Sige na, umalis ka na at gutom na ako. Pindutin mo lang ang Galaxy restaurant sa GPS para masundan mo ang mapa.”

“Okay, boss!”

Nang makababa na si Keiran sa kotse kaagad namang pinasibad ni Avianna ang sasakyan.

*
Mabilis namang nakapag-order si Avianna. VIP customer pala si Keiran sa restaurant na iyon kaya agad siyang pinagsilbihan ng mga crew ng restaurant. Nagdagdag lang ng pancakes at milk tea si Avianna para sa kanya.

Pagdating ni Avianna sa 25th floor kung saan ang office ni Keiran ay agad siyang hinarang ng isang mestisang babae.

“Ikaw na malandi ka! Lubaya mo si Keiran! He’s already mine!” Malakas na sigaw ng babae at akma siyang sasampalin nang makailag si Avianna.

“Babae? Excuse me? Isa akong personal driver ni Boss Keiran at hindi babae.” Depensa ni Avianna sa babaeng mestiza.

“Baka driver sa kama? You’re a slut woman!”

“Kapag tinawag mo pa ako ng ganyan, baka tamaan ka sa akin.”

“Huh! What a low key animal! Isa ka lang basura-“

Hindi na natapos pa ng babae ang kanyang sasabihin nang bigla na lang siyang sipain ni Avianna. Sapol sa mukha ng babae.

“Umalis ka sa dinaraanan ko kung ayaw mong mas masaktan. Kanina pa ako gutom kaya kung pwede lang, huwag mo akong harangan.” Malamig na wika ni Avianna.

Nagtitili naman ang babae. Paglabas ni Keiran sa kanyang office ay agad niyang pinadampot sa security guard ang babaeng misteza na Panay ang sigaw.
Pumasok si Keiran sa office at sumunod naman si Avianna.

“Let’s eat.” Aya na ni Keiran sa dalaga.

“Sino ang mistesang bangus na ‘yon?” Tanong ni Avianna na di pa rin maipinta ang mukha.

“One of my flings. Kumain na lang tayo.”

“Tsss. Pasalamat siya at may bitbit ako, kung hindi baka sa ospital ang bagsak niya.”

“Good job. Dahil d’yan may bonus ka sa akin. Five thousand.”

“Weh? Di nga?”

“Ayaw mong maniwala? Gusto mong bawiin ko?”

“Boss wala na ‘yong bawian no! Sinabi niyo na.”

“Kumain na nga lang tayo. Kanina pa ako gutom.”

“Okay boss!”

Sabay na ngang kumain ang dalawa at pareho pang maganang kumain.

Katulad nga ng pangako ni Keiran ay binigyan niya ng five thousand si Avianna dahil napalayas nito ang babaeng parang linta kung makakapit sa kanya. Mukhang angel in disguise niya si Avianna.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now