CHAPTER 6

217 6 0
                                    

“H-hinahanap? B-bakit naman po? W-wala akong matandaan na nagkaroon ako ng atraso sa inyo. Ngayon ko lang po kayo nakita.” Wika ni Avianna sa ginoo.

Mahigpit na napakapit si Avianna sa braso ni Hilda. Natatakot siya na baka sa dami ng kaniyang utang  na binabayaran ay baka nakalimutan niya na may utang din siya sa lalaking kaharap niya ngayon.

“Take it easy. I’m not a debt collector . . . Actually, ako ang may utang sa iyo.”

Nagsalubong ang kaniyang dalawang mataas na kilay sa naging tugon ng lalaking kaharap.

“P-pero, Sir . . . W-wala akong maalala na nagpautang ako kahit isang beses. Baka ho nagkakamali lang kayo.”

“H-hindi ako maaari na magkamali. I-ikaw ang panganay na anak ni Soledad Mataimtim, hindi ba?”

Pumiyok ang boses nito pagsambit sa pangalan ng kaniyang ina. Nanubig din ang mga mata nito na mistulang nais maiyak habang titig na titig sa kaniyang mukha.

“K-kilala niyo po ang nanay ko?”

“O-oo naman! A-ang totoo’y magkamukhang-magkamukha kayo. P-para kayong pinagbiyak na inidoro,” nakangiting biro ng lalaking kaharap.

“P-pero ano po ang dahilan niyo at b-bakit niyo kami hinahanap na magkapatid?”

“Nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid mo at nalungkot ako nang malaman na mayroon siyang komplikadong kondisyon. Nais ko kayong tulungan.”

Nahigit ni Avianna ang kaniyang paghinga sa naging offer ng lalaki, ngunit naging kalakip nito ay isang pagdududa.

“Paano kung scammer lang ‘yan, Best?! Paano kung ikaw ang maging kapalit ng tulong na ‘yan?” duda na bulong sa kaniya ni Hilda.

Mapanuri  na pinagmasdan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Mukha naman itong kagalang-galang at mayaman. Ngunit paano kung tama si Hilda?

“Alam ko na hindi ganoon kadali ang magtiwala ngunit tinitiyak ko sa ‘yo na hindi ako masamang tao. Kung nais mo ay maaari mo akong ipa-background check.”

“Pero bakit po? Bakit niyo kami gustong tulungan?”

Napalunok si Arnold sa kaniyang tanong. Saglit itong natigilan na sinundan ng isang malalim na buntong-hininga.

“D-dahil . . . A-ako ang iyong ama. A-ang taong umabandona sa inyo ni Soledad noong ikaw ay nasa kaniyang sinapupunan pa lang. P-patawarin mo ako, A-anak. N-naging duwag ako . . . H-hindi ko kayo nagawang ipaglaban noon.”

Para siyang napipi sa narinig mula sa lalaking kaharap na nagpakilalang kanyang ama. Hindi makapaniwala na bigla na lamang susulpot ang taong matagal na niyang nais makita sa ganitong sitwasyon.

Ni minsan ay hindi nabanggit ng kaniyang ina ang pangalan ng kanyang ama. Madalas din siyang makagalitan noon kapag nagbubukas siya ng usapan tungkol sa kanyang ama, kaya naman pinili na lamang niyang sarilinin ang pangungulila sa kalinga ng isang ama.

Nagkaroon ng pangalawang lalaki sa buhay ng kaniyang ina, iyon ang ama ng kaniyang kapatid na si Alvin. Ngunit sa kasamaang palad ay nagkaroon ito ng tuberculosis at namatay nang maaga dahil sa kakapusan sa pera.

“D-doon lang muna ako sa labas, Best. I-text mo na lang ako kung may kailangan ka,” paalam ni Hilda, gusto niya kasing bigyan ng privacy ang mag-ama.

Tinapik nito ang kaniyang balikat bago lumakad palayo.

“W-wala ka bang nais na sabihin, Avianna? P-pwede mo akong sumbatan! Kamuhian mo ako dahil deserve ko ‘yon! W-wala akong kwentang ama.”

Nakababa lamang ang tingin niya sa sahig. Ayaw niyang ipakita ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak mula sa kaniyang mga mata. Ngunit sa tuwing pinipigilan niya ang sarili sa pag-iyak ay lalo lang sumisikip ang kaniyang dibdib at nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha.

“B-bakit n-ngayon ka lang? A-alam niyo po bang m-matagal ko kayong h-hinintay?”

Umuga ang balikat ni Avianna dahil sa pigil na paghagulhol. Pinahid niya ang mga luha gamit ang braso saka siya nag-angat ng mukha.

“H-hindi kita kayang k-kagalitan o s-sumbatan . . . M-matagal kong h-hinintay ang p-pagkakataon na ito, ang pagkakataong makita at makasama ka. A-akala ko ay sa p-panaginip lang ito m-maaaring mangyari . . . N-ngunit heto ka ngayon sa harap ko . . . T-totoong narito ka na! S-salamat, ‘Tay . . . B-binigyan mo ako ng p-pagkakataon na makita ka!”

“A-anak . . .”

Nanginginig ang mga labi ni Arnold nang sambitin ang salitang anak. Humakbang ito palapit sa kaniya at saka mahigpit siyang niyakap.

“H-hinding-hindi na kita iiwan muli. S-sumama ka na sa akin sa America. D-doon natin ipagamot ang kapatid mo. M-mas advance ang technologies doon at mas magagaling ang cardiologist nila. M-mas mapabibilis ang paggaling ni Alvin.”

“M-marami akong utang, ‘Tay. H-hindi ako maaari na umalis na lamang na hindi nababayaran ang mga iyon.”

“I will take care of it. Lahat ng utang mo ay lilinisin natin, at pagkatapos no’n ay lilipad na tayo patungong ibang bansa.”

“T-talaga ho ‘Tay? Ayos lang sa ‘yong ipagamot si Alvin kahit hindi mo naman siya anak?”

“Anak, ang mahal mo ay mahal ko na rin, at isa pa, wala naman sa dugo kung ituturing kong parang tunay na anak si Alvin. Anak siya ng ina mo at gusto ko ring makabawi kay Soledad sa pang-iiwan ko sa inyo noon. Ngayon na wala na siya ay ako na ang tatayong mga magulang niyo ni Alvin.”

“Maraming salamat ho ’Tay! Mahal na mahal ko ang kapatid ko at naging mabuting ama rin naman po ang ama ni Alvin sa akin. Kaya salamat at tinanggap mo siya.”

“Walang anuman ’yon, anak. Ipapanalangin natin sa Diyos na mabilis ang paggaling niya.”

“Opo, ’Tay, sabay tayong manalangin para sa kaligtasan niya.”

Hindi na nagdalawang-isip pa si Avianna na sumama sa kanyang ama kasama si Alvin para roon ipagamot sa ibang bansa ang kapatid. Pumayag si Avianna sa kagustuhan ng ama kahit na may parte ng kaniyang puso ang tutol dito.

Matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Kieran ay tila mahihirapan siyang malimot ang lalaki. Ang lalaking natutunan na niyang mahalin sa kabila ng hindi maganda nitong ugali.

Kinausap ni Avianna ang kanyang kaibigan na si Hilda tungkol sa kanyang naging desisyon.

“Sigurado ka ba sa naging desisyon mo? Pwede mong ipagamot si Alvin na hindi umaalis ng bansa! Wala ka bang balak na ipaglaban ang nararamdaman mo para kay Kieran?” dismayado na tanong ni Hilda kay Avianna.

Mapait siyang napangiti. “Kahit naman ipaglaban ko ay sigurado naman na talo pa rin ako. Hindi ako ang tipo niyang babae. Langit siya, putik ako. Masiyadong malayo ang pagitan naming dalawa. At isa pa, mas importante sa akin ang mailigtas sa bingit ng kamatayan ang kapatid ko, nais ko rin makasama ang ama ko na matagal kong hindi nakapiling. Hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman  ko para sa kaniya kaya magiging okay rin ako siguro. Alam kong wala akong pagsisisihan sa desisyon kong ito.”

“Wala na siguro akong magagawa para mapigilan ka. Basta huwag mo akong kalimutan, ha? Padalahan mo na lang ako ng chocolates at mga branded na panty. At kung maaari ay padalahan mo na rin ako ng mapapangasawa na Kano. Masarap daw kasi magmahal ang mga Kano,” hirit na biro ni Hilda sa kaibigan. Napangiti na lang si Avianna.

“Huwag kang mag-alala, pagdating ko roon ay kukunin kita. Pangako ko ‘yan sa ‘yo, Best.” Pangako ni Avianna sa kaibigan.

Ngunit ang puso niya ay parang mawawasak na sa sobrang sakit. Nagsinungaling siya kay Hilda sa sinabing hindi pa malalim ang nararamdaman niya para kay Keiran, dahil ang totoo ay hulog na hulog na siya sa binata na ang hirap hirap ng umahon.

Pero kailangan niyang magtiis. Uunahin niya ang kaligtasan ng kapatid kesa sa kanyang puso.

“Kung kami ang itinakda ng Diyos, ay balang araw magiging kami rin. Kung hindi naman, siguro makakalimutan ko siya at makakahanap ng lalaking mamahalin ako ng buong-buo.” Kausap ni Avianna sa kanyang sarili at malalim na napabuntonghininga.

Habang sa kabilang banda naman ay parang baliw si Keiran kakahanap kay Avianna, wala ang dalaga sa bahay na tinutuluyan nito. Kanina pa siya nag-aalala para sa dalaga. Nagtanong-tanong na rin si Keiran sa mga kapit-bahay ni Avianna ngunit hindi raw nila nakita si Avianna na umuwi ngayong umaga.

“Avianna, where are you?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Keiran sa kanyang sarili. Napahilamos pa ito sa kanyang mukha dahil sa sobrang frustration.

“Kahit nasaan ka pa, hahanapin kita, Avianna.” Pangako ni Keiran sa kanyang sarili.

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now