Chapter 16: Ang Pagkabuhay ni Zack.

109 3 0
                                    

Zoe's POV:

Hinalungkat ko ang aklatan, binuksan ko ang bawat mahawakan ko. Halos hindi ako magkanda-ugaga dahil sa nabasa ko kanina.

..
.
.
..

Narrator's POV:

Habang kinakalkal ni Zoe ang aklatan ay may naalala siya, binuklat na pala nila ni Zack iyon noong una pa lamang. Naalala niya ito ng halos nangangalahati na siya sa pag buklat ng mga aklat. Napagod lamang siya, sa isip-isip niya. Naupo siya sa higaan upang mag pahinga. Natawa siya sa ginawa niya, nagpakapagod lamang siya.

Habang nagpapahinga siya ay may naalala ulit siya, sa pagbuklat nila ng mga aklat ni Zack ay may isa lamang silang hindi man lang sinubukang buksang aklat. Iyon ay ang mahikang itim.




Hinanap niya ang aklat na iyon. Habang hawak niya ito ay bigla itong bumukas ng kusa ng mailapag. Ang nakalagay dito ay sulat ng Espanyol. Agaw-pansin ang titulo ng pahina nito.

"🄻🄰 🅁🄴🅂🅄🅁🅁🄴🄲🄲🄸🄾🄽"

Nang mabasa ito ni Zoe ay nabuhayan siya ng loob. Binasa na nito ang nilalaman, nabasa niya ang mga orasyon kung paano isagawa. Ng patapos na siya magbasa ay nasabi din sa aklat na kapag ang isang tao ay binuhay ng isang itim na mahika ay maaari itong makakita ng engkanto't iba pang mga masasamang elemento. Makakausap nila ito't makakasalamuha, kaya para narin silang masamang elemento kapag sila'y nabuhay muli gamit ang itim na mahika. Sa huling pangungusap ay nabanggit din na ang gagawa ng orasyon ay matutulad din sa binuhay na patay, ang dalawang sangkot sa orasyon: ang binuhay at gumawa ng orasyon ay hindi na muli pang maaring humawak ng itim na mahikang aklat.






Zoe's POV:

Inihanda ko na ang mga kailangan sa orasyon, pati narin ang katawan ni Zack. Isinara ko rin pala muna ang lagusang ginawa ni Zack. Bawal kasing may makakitang iba dahil ito'y itim na mahika. Kapag natapos ako dito'y siguradong kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil mataas daw ang posibilidad na hindi na ako kilala ni Zack dahil sa tagal nitong walang buhay. Makakakita din kami ng mga makakapangyarihang engkanto na nasa aming paligid.



Matapos kong ihanda ang mga gamit ay nagsimula na akong magbasa ng orasyon. Nasa harap ko si Zack, katabi ang mga elementong kakaiba't diko alam at nahanap ko lamang dito mismo sa loob ng gubat. Isang araw na dapat kong basahin tong orasyon kaya naman kumain na muna ako bago ko ito gawin.


~ᴛᴏ ʙᴇ ᴄᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ~

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now