Chapter 6: Misteryosong Babae

278 10 0
                                    



Unknown's POV...



Matapos kong malaman ang balita na may mga dayuhang magtatangkang sakupin ang Pilipinas, ako'y agad na naglakbay patungo sa gubat na kung saa'y hahanapin ko ang aking itinagong agimat sa pusod ng gubat.












***MAKALIPAS ANG TATLONG ARAW***







Mga 3 araw na pala akong naglalakbay ngayon at sa wakas, narating kona ang lugar na kung saan ko iniwan ang agimat ng liwanag, hindi ko alam kung mahahanap ko ba ito agad subalit mukhang matatagalan pa ako dahil sa sobrang lawak ng kagubatang ito.




Sinimulan ko nang tahakin ang gubat, medyo madilim dito dahil sa lilim ng naglalakihang mga puno. Habang naglalakad ako'y may narinig akong tinig.




"Sumunod kana lamang sa amin, dito lang kami sa unahan maghahanap ng ating magagawang taguan."
              ang sabi ng misteryosong lalaki sa di
              kalayuan.


"Sige po Pa, ingat kayo ni Ninong"
           ang sagot ng isa pang lalaki na medyo
           may kabataan pa.


Tumigil muna ako saglit at pinagmasdan ang tatlong taong nasa may bandang unahan ko, nakatago ako sa isang damuhang di ako makikita. Nakita ko na naiwan yung binata at parang umiihi ito, yung dalawa nama'y dumiretso ng lakad papunta sa unahan.



"Pano kaya ako makakadaan dito ng hindi nila nakikita, baka sabihin nila'y pinagmamatyagan ko sila"
             bulong ko sa sarili ko habang
             nakaupo sa paanan ng punong
             katabi ng damuhang aking tinaguan.


Habang nakaupo't nagpapahinga ay nakaisip ako ng paraan. Liliko nalang ako ng daan, di na baleng mapalayo ang daan basta mahanap ko iyon ng ligtas ako.



Naglakad na ako papuntang kanan upang maghanap ng daan tungo sa pusod ng gubat. Habang naglalakad ay nakita ko ang binata na mukang papunta sa dadaanan ko kaya naman tumakbo ako ng tahimik para di ako makita. Nalagpasan kona ang binata, dumaan ako sa may bandang likuran nito kaya mukhang di naman ako nahalata.




Naglakad nalang muna ako kasi medyo nakaramdam ako ng pagod at sinabayan pa ng kaba dahil sa binatang yon. Muli ko itong nilingon dahil medyo nakalayo layo naman na din ako, nakita ko itong para bang nakalimutan na yata niya ang bilin noong dalawang lalaking kasama nya, nalilibang na ito sa paligid niya. Pinabayaan kona lamang ito't nagpatuloy sa paglalakad.














***MAKALIPAS ANG 1 ORAS***

Medyo matagal na din akong naglalakad, napansin ko na para bang paikot-ikot lamang ako, para bang may nakasunod din sakin. Binilisan kopa ang aking paglalakad dahil medyo malapit ng gumabi, nasusundan pa ako ng diko kilalang tao, natatakot akong lingunin ito dahil baka kung anong mangyari sakin. Habang binibilisan ko ang lakad ko'y diko maiwasang mapaisip, na baka diko na mahanap yung agimat nayon kasi baka may nakakuha ng iba. Paano na ang Pilipinas nito kung walang makakatulong na agimat upang ako'y makipaglaban. Habang iniisip ko ito'y sinubukan kong silipin ang nakasunod sakin, nakita ko itong tumigil, ang sumusunod pala saakin ay yung binatang nadaanan ko kanina. Nagtago naman ako sa isang puno para di nya ako makita at para tumigil na ito sa kakasunod.



Habang nakatago tinanaw ko ang binata, base sa itsura ng muka nya'y para bang naalala na niya ang bilin ng kanyang dalawang kasama, muka ring hindi na niya ito mahahanap dahil napakalayo na ng nilakad ko't nasundan nya pa ako, malamang nakauwi nayong mga kasama nya dahil medyo kumakagat na ang dilim.





Nanatili akong nakatago dito hanggang sa may maramdaman akong nangingiliti sa aking suso, kung di nyo nga pala naitatanong, babae po ako. Baka di pa sainyo nasasabi ni Mr. Author. Oh sya balik sa istorya.


Dahan- dahan kong binukas ang siwang ng aking damit sa may bandang leeg para masilip kung ano ba ang nakakakiliting iyon. Muntik na akong mapasigaw sa nakita ko, buti nalang at natanggal ko agad itong uod na ito. Tiningnan ko ulit ang ang binata, nandoon padin iyon ngunit diko na masyadong nakikita ang ginagawa nya dahil madilim na, pero batay sa aking nakikita ay parang nakahiga na ito.





Nahiga din ako sa aking kinaroroonan.
Makalipas ang isang oras ay sinubukan kong lapitan ang binata, nakatulog na ito.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now