Chapter 10: Ang Pagkabigo.

160 6 0
                                    






Daniel's POV:






Inabot kami ng alas onse ng gabi sa paghahanap kay Zack kagabi. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi namin siya natagpuan. Labis na nag-aalala na kaming mag-asawa dahil sa pagkaligaw ng aming anak.









Ang pagkabigo sa paghahanap kay Zack ang hindi bumabagabag saakin ngayon, ang lalong nagpapakaba saakin ngayon ay ang nasabi sa balita kaninang umaga.













***FLASHBACK***







Habang nagtitimpla ako ng kape para saamin ni Crystal ay binuksan niya ang radyo para makinig ng balita.








Crystal: "Mahal binuksan ko ang radyo,
                 pakinggan mo ang balita ahh,
                 pupunta lang ako ng banyo saglit,
                 yung kape ko din pakilapag na
                 lang dyan sa mesa"








"Sige na ako na bahala"   tugon ko.










Habang nakikinig ako sa musika ay biglang nagsalita ang announcer ng radyo.









Announcer: "Magandang umaga sainyong
            lahat mga kababayan, narito po ang
            isang flash report na ihahatid satin
            ng Belencio's News Patrol"
                           ang sabi nito.






Radio Broadcaster:
            "Magandang umaga po sainyong 
            lahat, ako po si Jace Hong ng
            Belencio's News Patrol at narito po
            tayo ngayon live sa radyo't TV para
            ibalita ang update tungkol sa
            mga mananakop"








Ng marinig ko ito'y parang nakaramdam ako ng kaba na nagpalamig sa buo kong katawan.







Radio Broadcaster:
             "Ayon po sa Presidente ng dayuhang
             bansa ay itutuloy nila ang 
             pananakop sa ating bansa, sa mga
             nanonood po sa TV, sa makikita po
             natin dito ay maraming mga sundalo
             ang nakahanda na, marami ding
             iba't-ibang sasakyan: mapatubig,
             himpapawid, at lupa ay kumpleto
             ito, may mga pampasabog din po ito"
                  pagpapatuloy nito.








Crystal: "Oh mahal, namutla ka ata bigla?
               May balita naba kay Zack?"
      








"Hindi kay Zack ang nasa radyo, yung digmaan"      tugon ko.








Bakas sa muka ng asawa ko na nagulat din ito't namutla, kinuha nito ang kape niya na nasa mesa.










Radio Broadcaster:
             "Yan lamang po para sa ngayong
              umaga, muli ito po si Jace Hong 
              nagbabalita gal—"

(naputol yung pagsasalita ng broadcaster kasi pinatay na ni Daniel yung radyo)







Crystal: "Huy bakit mo pinatay yung radyo?
               di mo man lang inantay matapos 
               broadcaster"




"Yun lamang ay sapat ng balita para sa ngayon, baka lalo pa madagdagan problema ko kapag may ibang isyu pang ibalita dyan sa radyo" seryosong tugon ko.






Crystal: "Grabe naman tong kapalaran
                natin, ni hindi pa nga natin
                nahahanap ang anak nating si Zack
                tapos dumagdag pa tong
                pananakop na ito"





"Oo nga ehh, mukang dito na magwawakas ang ating buhay"   tugon ko.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now