Chapter 11: Ang Aklatan.

144 9 0
                                    











Zack's POV:






Labis ang aking kapaguran sa paghahanap ng lagusan ngunit wala man lang akong mahanap. Eto namang si Zoe ay napagod din siguro't namahinga na lamang don sa mga makalumang aklat. Lumapit ako para makita ko kung ano bang binabasa nito.





"Anong ginagawa mo dyan?"  tanong ko.





Zoe: "Malamang ano paba, edi nagbabasa"





"Hindi yon ang ibig kong sabihin, ano yang binabasa mo?"   
                           tanong ko ulit.





Zoe: "Eto ba? Ito ang Noli Me Tangere ni
          Dr. Jose Rizal, tiningnan ko lang 
          naman kung mababasa ko pa, luma na
          eh"







"Ahhh, makatingin nga din ng aklat"
             sabi ko.




Lumapit ako sa aklatan at kumuha ng isang aklat.






"Bat wala ng nakasulat?"
           tanong ko matapos makitang blangko
           na ang mga pahina ng kinuha kong
           aklat.




Zoe: "Luma na nga kasi diba?, maghanap ka
           nalang ng ibang may sulat, karamihan
           kasi dyan halos mabura na ang sulat
           dahil sa kalumaan"








Naghanap-hanap pa ako ng mga aklat. Habang naghahalungkat ako ay nakita kong tinapon ni Zoe ang aklat na hawak niya't tumayo ito.




Zoe: "Wala na rin sulat yung sa parteng
          hulihan ng aklat, maghahanap din ako
          ng akin, baka makatulong pa para
          makalabas na tayo dito"






Ilang minuto na kaming naghahanap dito sa aklatan ngunit sa dinami-dami ng aklat halos karamihan ay di na mapapakinabangan dahil sa ang iba'y may butas na ang mga pahina, ang iba nama'y nabura na ang mga sulat.






Nagpatuloy pa ang aming paghahanap ng aklat hanggang sa sabay kaming mapahawak sa nag-iisa't pinakahuling aklat.



"Akin na lang to"
                              sabi ko kay Zoe.



Zoe: "Kalalaki mong tao di ka marunong
          magpaubaya sa babae, akin nalang to"





"Akin na nga lang, may nabasa ka nang isang aklat diba?, ikaw na magpaubaya"
            pamimilit ko.





Zoe: "Ibibigay mo o sisipain ko yan?"
           sabi nito sabay turo sa paa kong may
           benda pa dahil sa pagkakahulog ko
           dito.





"Sige na nga, matutulog nalang ako dito"
          sagot ko sabay upo sa kama na gawa
          sa mga luma't bilog na kahoy.

Aswang: Ang Sinimulan...Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt