Chapter 5: Ang Paghananap.

275 11 0
                                    





Zack's POV...




Habang umiihi ako'y may nakita akong isang babae, mukang ka-edad ko lamang ang dalagang iyon, hindi kopa ito nakikita sa kung saan kaya napagpasiyahan kong sundan ito matapos kong umihi.





"Saan kaya pupunta yon?"
           bulong ko.



Lumingon-lingon ako sa paligid kung may bahay ba at baka dun sya pupunta. Wala namang bahay kaya sinundan ko lamang siya, sa sobrang lawak nitong gubat dito ay mukang malayo na ang aking nilalakad at mukang walang tigil ang aking sinusundan sa paglalakad.





Habang sinusundan ko ang babae'y pumasok sa isip ko sina Ninong at Papa,
maghahanap nga pala kami ng pagtataguan dito sa gubat. Naliligaw na ata ako, sinubukan kong tingnan kung matatanaw ko pa ba ang sinusundan ko ngunit wala na ito, nakalayo na ata. Lumingon din ako sa dinaanan ko, malabo na yatang makabalik ako. At dito'y nakaramdam nako ng kaba.




"Papa!!!" sigaw ko na halos pumiyok na.





Wala man lang nakarinig saakin, siguro nga'y masyado nang malayo ang nilakad ko sa pagsunod sa babaeng yon.





"Ninong Jayyyy!!!" sigaw ko ulit na halos maiyak na.



Wala paring sagot...
Napaupo na lamang ako sa tabi ng isang malaking puno ng Akasya. Ilang minuto ang nagdaan at nandito parin ako umiiyak, habang umiiyak ay may pumasok sa isip ko.




"Pano kaya kung subukan kong baliktarin ang damit ko" ang sabi ko sa sarili ko.





Nagsimula na akong maglakad pabalik matapos kong baliktarin ang aking damit.





"Nako pooo, mukang di gumagana ang pagbaliktad ko ng aking damit, kanina pako kakalakad dito bakit parang pabalik-balik lamang ako dito sa lugar kung saan ako umiyak kanina" 
      ang sabi ko na nawawalan na ng pag-asa.



Tumigil na lamang ako at napagpasiyahan kong dito nalang muna magpalipas ng gabi dahil medyo dumidilim na.

Lumipas ang ilang oras at nilamon na ng dilim ang buong gubat, hindi rin nagtagal at nakatulog na ako habang nakahiga sa ilalim ng lilim ng puno.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now