Chapter 14: Ang Simula ng Digmaan

126 9 0
                                    










NARRATOR'S POINT OF VIEW:






Ang bansang mananakop ay nagsimula na ng kanilang hakbang, sinimulan na nitong pasukin ang mga kagubatan ng Pilipinas.




Habang inihahanda ni Daniel at Crystal ang kanilang gamit sa bahay ay nakarinig sila ng putukan. Ito'y nasa bandang kagubatan, ito'y kung saan sila gumawa ng taguan upang makaligtas.



Daniel: "Hala! Nagsimula na ang digmaan,
                paano tayo makakapunta sa ating
                taguan nito?"


Crystal: "Paano na tayo mahal? Dito na
                siguro magwawakas ang ating
                buhay."




Sa kabilang banda, ang kumpare nilang si
Jay ay nasa taguan na ng mga oras na makarinig ito ng putukan. Ito'y dahil marami itong anak at ayon din sa usapan nilang magkumpare ay mauuna talaga itong pamilya ni Jay sa dami nila. Buti na lamang at lahat ng mga anak pati asawa ni Jay ay nasa taguan na.




"Papaaaa!"  sigaw ng isang anak nito.




"Shhhhhh, wag ka maingay anak, matutunton tayo ng dayuhan kapag nag ingay ka"   ang sabi ng asawa ni Jay na si Mitsuki.




Jay: "Wag kayong mag-alala, ginawa namin
         itong taguan na to para di tayo
        mahanap kaya kapag may tao sa taas
         di tayo maririnig dahil sa ginawa 
         namin ni Pareng Daniel."



Mitsuki: "Asan na nga pala sina Daniel at
                 mareng Crystal?"
  


Jay: "Oo nga pala, sabi nila'y susunod daw
         sila dito ngunit pano sila susunod
         gayong nandito na ang mga
        mananakop."








Habang naghahanap ng matataguan at madadaanan papunta sa sikretong taguan ang mag-asawang Daniel at Crystal, si Zoe naman ay napabalikwas matapos marinig ang mga putok ng baril. Dali-dali itong bumangon at hinanap si Zack. Pumunta ito sa lugar kung saan nagtungo si Zack upang makagawa ng lagusan palabas. Nakita nito si Zack na nakahiga na sa lupa at duguan. Lumingon siya sa tapat nito at nakita na niya ang lagusan pataas na ginawa ni Zack.
Muntik na siyang mapasigaw ng makita niyang may dumaang sundalo sa bunganga ng butas, ang sundalong iyon ay hindi sa Pilipinas kaya nagtago siya. Hinila niya ang katawan ni Zack na siyang wala ng buhay. Labis na lungkot at galit ang nadarama ni Zoe dahil sa pagkawala ni Zack.



Zoe: "Zack bangon, nagbibiro ka lang na
          patay diba? hikk." ang sabi nito
          habang humihikbi.


Zoe: "Zack diba sabi mo sabay tayong
          lalabas dito? Sabi mo gigisingin mo
          ko kapag may lagusan na, pero bakit
          naman ginising moko pero wala kana?
          Bakit mo ako iniwannn!?" umiiyak
          nitong sabi.




Nanatili siyang nakaupo habang kandong ang bangkay ni Zack, namumugto na ang mga mata nito. Habang kandong niya si Zack ay pinagmasdan niya ang mukha nito,
dun nya lamang napagtanto na mahal na niya pala si Zack.





Nakatulog si Zoe habang kandong si Zack.
Habang natutulog siya ay may napanaginipan ito, may isang matanda ang kumausap kay Zoe sa kanyang panaginip. Sinabi nito na may paraan pa para mabuhay si Zack, at ang paraan na iyon ay nasa loob lamang ng kanilang pinagtataguan matatagpuan.




Lumipas ang isang oras at nagising si Zoe. Inisip niya kung anong klaseng paraan ba ang sinabi ng matanda sa panaginip nito.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now