Chapter 1: Ang Balita

898 22 1
                                    

Zack's POV

Saturday Morning....

***humikab***

"ahhhhh... ang aga ko naman magising, wala palang pasok today."


***pumunta sa banyo upang makapag hilamos***

"makapag almusal nga muna sa baba".

***bumaba sa kusina***

"Ma may almusal na po ba?" ang sabi ko kay mama Crystal.

"Maupo ka nga muna diyan at pakinggan ang balita, ipagluluto kita ng paborito mong
Tapsilog" ang sabi ni mama.

***binuksan ang radyo***

"Magandang umaga sainyong mga tagapakinig, ito po ang Belencio's News Radio Center. Mayroon po tayong nagbabagang balita ngayon, Presidente ng Japan, nagdeklara ng pananakop sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya"   ang nababahalang sabi ng broadcaster.

"Nabanggit din nila na ang ating bansa ang unang sasakupin nila dahil sa mga kayamanang taglay ng ating bansa at papatayin nila ang mga taong haharang o hahadlang sa kanila, mga kababayan, hahayaan nalang ba natin na tayong lupigin ng mga dayuhan? Tayo'y lalaban para sa ating kalayaan!!!" ang sabi ng isa pa sa mga broadcaster.

***tumakbo papuntang kusina***

"Maaaaa!!! Narinig mo ba yung sabi ng radyo???" ang natataranta kong sabi.

"Kaya nga Ikaw ang sinabihan kong makinig kasi magluluto ako eh, bakit ano bang balita ngayon? May bagyo pang paparating?" ang mausisang tanong ng aking ina.

"Ma mali po kayo, ang sabi sa balita, may sasakop daw dito sa ating bansa, kukunin daw ang ating mga kayamanan"  ang paliwanag ko kay Ina.

"Susmaryoseppp!!!" ang nabibigla't nababahalang sabi ni mama.


"Sigurado kaba Zack na iyan ang narinig mo? baka ika'y nagsisinungaling lamang, hindi mabuting biro yan anak"
     ang sabi ni mama sa akin.


"Mama, diba kayo narin naman po ang nagsabi sakin na masama ang nagsisinungaling? At isa pa, bakit ko naman sasabihin iyan sayo kung di ko yan narinig sa radyo? Totoo po ang aking sinasabi Maaa" paliwanag ko.




"Oh siya sige na, mag almusal kana nga muna't manonood ako ng TV  para siguradong tama ang narinig mo"
ang sabi ni Mama.

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now