Chapter 7: Ang Pagkakulong

223 14 0
                                    








Unknown's POV...

***(ITO PO YUNG MISTERYOSONG BABAE NA NAGMAMAY-ARI NG POV SA NAKARAANG CHAPTER, PAGPAPATULOY PO ITO NG KANYANG POINT OF VIEW)***











Habang tulog ang binata ay tinabihan ko ito,  pinagmasdan ko ang kanyang mukha, napakapogi nito, kamukha niya ang isa don sa dalawang kasama niya kanina. Siguro'y anak siya niyon o di kaya'y nakababatang kapatid. Malalim ang pagkakatulog nito dahil hindi man lamang niya napansin na nasa tabi niya ako.













***MAKALIPAS ANG LABINLIMANG MINUTO***







Habang nakaupo ako sa tabi ng binatang nakasunod sakin kanina, napansin ko na may umiilaw sa di kalayuan. Nakaramdam ako ng takot dahil baka yon na ang mga dayuhang nasabi sa balita, ni hindi ko pa nga nahahanap ang aking agimat dito sa gubat. Dali-dali akong naghanap ng matataguan subalit mukang walang mabuting taguan kaya hinila ko ang natutulog na binata at binuhat ito. Tumakbo ako ng abot ng aking makakaya upang di kami makita ng taong nasa likod ko na hanggang ngayon ay tulog parin.


NARRATOR'S POV:

Habang tumatakbo ang misteryosong babae kasama si Zack ay bigla itong nahulog sa isang hukay, hukay na walang nakakakita sa ibabaw ng lupa kaya naman walang sinuman ang makakakita at makakatulong sa kanila upang makaalis sa hukay na iyon. Ang hukay na yon ay siyang gawa ng mga sinaunang Pilipino na siyang naging taguan nang mga naunang digmaang pandaigdig, subalit ng tumagal ang panaho'y naluma ito't nilamon ng gubat kaya naman ang hagdang palabas sa hukay na ito ay nasira, napaligiran din ito ng malalaking kahoy kaya walang makakarinig sayo kung ika'y mahuhulog dito. Nandito sa loob ng hukay na ito ang mga gamit ng mga sinaunang Pilipino, may mga iba't-ibang aklat din dito na siyang ginamit ng mga sinaunang Pilipino para matuto't makaisip ng paraan para magapi ang dayuhan. Kaya naman sa kalagayan ng dalawang nahulog sa hukay na ito, para nadin lang silang nakakulong dito. Sa kabilang banda, ang mag-asawang Crystal at Daniel kasama ang ninong ni Zack na si Jay ay patuloy na naghahanap kay Zack sa gubat. Tumagal sila ng 3 oras sa paghahanap ng hindi man lang maaninag kahit anino ni Zack, pati ang hukay kung saan nakakulong si Zack at misteryosong babae na ngayon parehong walang malay dahil sa pagkakahulog, ay nadaanan na sana ng tatlong naghahanap, subalit dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng dalawa ay naglock ang pintuan sa taas kaya malabong may mahulog pang muli mula sa butas na iyon




.







.
.
.
.
.
.

.














.

.

.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
..
.

.



















***NOTE TO READERS***

HI READERS! THIS IS THE AUTHOR, IF YOU NOTICE SOME ERRORS ON MY WORKS, DON'T HESITATE TO COMMENT ENABLE FOR ME TO KNOW MY MISTAKES SO THAT IT CAN'T HAPPEN NEXT TIME.

IF YOU ENJOY READING PLEASE VOTE FOR THIS STORY AND FOLLOW FOR MORE UPDATES!!! GOD BLESS YOU ALL  ^_^

Aswang: Ang Sinimulan...Where stories live. Discover now