CHAPTER 26

323 11 0
                                    

Third Person's POV

Matapos makapagbihis ni Agatha ng isang komportableng damit ay mabilis niyang sinuot ang cloak saka inihanda ang isang espada, nakuha niya ito sa ilalim ng kama ni Agatha.

She was actually shocked when she saw something like that under Agatha's bed, but now she think it's really useful.

Dumaan siya sa veranda, matapos niyang tumalon pababa ay hinanap niya ang punong malapit lang sa pader, she discovered it while watching from the veranda yesterday.

Umakyat siya dito saka tumayo sa matabang sanga na lumagpas na sa pader, doon ay dumaan siya upang makalabas sa mansion na 'yon.

Tumalon ito ng walang pag alinlangan at maayos naman itong nakatayo sa lupa, ngayon ay ipinalabas naman niya ang isang paro paro.

That butterfly understand its work, mabilis na lumipad ang paro-paro na sinundan naman ng mabuti ni Agatha.

That's right, Agatha's planning to go to the enemy's base. She's planning to kill them all, at wala siyang balak magpapatay sa mga taong mae-encounter niya doon.

Ngayon ay wala itong ibang iniisip kundi ang patayin silang lahat, they angered the demon inside her and no one can stop it.

Sa kabilang banda naman ay sunod sunod na sumulpot ang mga taong nakaitim, kasalukuyan silang nakapalibot sa buong mansion ng Vietricht.

Habang sa palasyo naman ay nagkakagulo na, puno ng sigawan at iyakan. Maraming kawal at mga tagapagsilbing duguan at patay na.

"Captain Rozen!" Hinihingal na tumakbo papalapit ang isang kawal. "Lahat ng mga buhay pa ay nailabas na sa palasyo"

Kasalukuyang nasa throne room ang grupo ni Captain Rozen, pinoprotektahan ang hari mula sa mga kalabang sumugod.

"Good, sa ngayon ay kailangan nating protektahan ang emperor. Inatasan ito satin ng Heneral, kaya gawin natin ang makakaya natin" seryosong saad ni Captain Rozen, nagsitanguan naman ang mga kawal saka nagsihanda.

*BOGSH*

Naalerto naman ang lahat ng may marinig na pagsabog sa labas, ramdam nila na may malakas na enerhiya ang nagmumula sa labas.

"Maghanda kayo! Papalapit na sila!" Sigaw ng isang kawal, pinapalibotan nila ang emperor upang protektahan ito.

Sa kabilang banda naman, sa mansion ng Vietricht. May dalawang taong nag uusap mula sa loob ng opisina ng Duke.

*BOGSH* *BOGSH*

Pero nagulantang ang mga ito at ang lahat ng tao na nasa mansion ng Vietricht dahil sa sunod sunod na pagsabog na kanilang narinig.

"My lord, it's time" saad ni butler Khalil.

Seryoso namang tumayo ang Duke. "Did you already sent Ellias on the palace?"

"Yes, my lord"

"Good, prepare the knights. And sent some knights to my daughters" utos ng Duke, bahagya lang yumuko si Butler Khalil saka kumilos na.

"You finally revealed yourself now, huh. I'll make you pay for everything, Dhanna" malamig na saad ng Duke.

Nakapasok na sa gubat si Agatha, ramdam niya ang mga presensiya ng mga mababangis na hayop sa gubat. Ang ipinagtataka lang nito ay hindi siya nilulusob ng mga ito.

Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo, hanggang sa may maramdaman siyang malakas na presensiya sa di kalayuan.

Kinuha ni Agatha ang espada niya mula sa lalagyan at mabilis iyong ginamit upang tamaan ang paparating na isang kunai.

I Am The Duke's Hated Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon