CHAPTER 3

436 17 2
                                    

Agatha's POV

It's been four days, yes four days na ako dito at wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng kung ano-ano, nagbabakasakaling may mabababasa ako na makakatulong sakin.

"M-My lady?" narinig ko ang boses ni Nelle sa labas.

"Come in"

Pumasok ito na may dala dalang tray, and as I expected ay isang sandwich na tanging pechay lang ang palaman, may gatas at tubig din itong dala.

"Pasensya ka na, my lady. Sinubukan kong pumuslit ng pagkain sa kusina at ito lang ang nakuha ko" sabi niya at nilabas ang isang french bread kung tawagin sa mundo ko.

Inilagay niya 'yon sa tray at napangiti naman ako, simula ng araw na tinrato ko siya ng maayos ay palagi niya 'tong ginagawa. Palagi niya akong inaalagaan at pinoprotektahan mula sa mga maids.

Hindi na rin siya takot matanggal, I don't know why but that's good. "Hindi mo na dapat 'yon ginawa, kakainin ko pa rin naman ito eh"

Gusto kong sabihin na 'hindi naman ako maarte' kaso naalala ko yung mga kaartehan ni Agatha kaya naman ay iniba ko na lang.

"Ayos lang, my lady. May itatanong sana ako kung hindi mo mamasamain" parang nag aalangan ang itsura nito kaya na curious ako.

"Go on, spill"

"N-Nagtataka lang ako, bakit hindi na kayo sumasabay na kumain kay Lord Vietricht, my lady?" akala ko kung anong nakakainteresado ang itatanong niya, yan lang pala.

Kinagat ko muna ang french bread saka nilunok bago siya sinagot. "Simple lang, Lord Vietricht doesn't like me"

Walang pakeng sabi ko at patuloy na kumain, sa totoo lang kulang pa sakin 'to. Kung nasa bahay ako ngayon baka nagmu-mukbang na ako, ilagay ko na ba sa goal ko ang pagkain ng madami?

Hmmm....pwede pwede.

"Lord Vietricht? K-Kailan niyo pa tinatawag si Lord Vietricht ng ganon?" gulat na tanong ni Nelle.

Interviewer ba 'to sa past life? Psh, as if. Gawa lang naman sila ni mama kaya walang past life past life dito.

"Bakit? Bawal ko na ba siyang tawagin ng ganon? After all, he's the patriarch in this family"

"A-Alam ko po yun, pero nasanay lang ako na palagi mo siyang tinatawag na Dad o di kaya ay Daddy"

Napairap naman ako sa hangin, malamang si Agatha 'yon. Halerr ibang kaluluwa ang nasa katawan ng amo mo, tsaka bakit ba palagi siyang nauutal kapag kausap ako.

"Stop stuttering, it's annoying" sabi ko at di pinansin ang sinabi niya kanina.

Masyado bang halata ang pagbabago ni Agatha? Kahit naman gustohing magbago ni Agatha ay palagi na lang siyang napagkakamalang may kasalanan or what.

Kaya hindi naman siguro sila magugulat kung paunti-unti kong babaguhin at linisin ang reputasyon ni Agatha 'no.

"P-pasensy--Ehem, pipigilan ko pong mautal sa susunod, my lady"

"That's better, anyway I'm done" sabi ko matapos maubos ang french bread, syempre di ko kinain yung sandwich, joke joke lang yung sinabi ko kanina.

Baka may lason pa o kung anong dumi ang nilagay nila, wala akong tiwala sa mga tao rito. Bukas na nga pala dadating ang supply ng pagkain sa mansion, mukhang madami akong malilinis bukas ah.

For now pupunta ako kay Lord Vietricht, ipapasa ko ang sulat tungkol sa pagpapaalis ko kay Lady Gonreih at ang pagkuha ko ng bagong tutor.

Ayokong magsayang ng laway sa kanya kaya sinulat ko na lang, puro tango lang naman ang isasagot non, tsk.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now