CHAPTER 6

402 19 0
                                    

Agatha's POV

"Ahhh...about that f-father" this time ay lumingon na siya sakin. "I want to cancel our engagement"

Napakunot ang noo niya na ikinalunok ko, aba baka bigla na lang siyang magwala sa harapan ko eh paktay tayo.

"Why?" yun lang ang tanging lumabas sa labi niya, ako naman ngayon ang napakunot.

I thought magagalit siya but why is he so calm? Nevermind, taposin na lang natin 'to para makapunta tayo kay Nelle.

"B-Because...I.." shoot ano naman ang irarason ko? Baka hindi na naman tatanggapin dahil hindi valid, tss. "Well, I like someone else!"

Napakagat ako sa ibabang labi, sh!t. Sa dinami daming maisip ko bakit 'yon pa? Dahil ba mas valid? No no parang hindi naman.

"Okay" napatigil ako sa sinabi niya, ano? Ano raw? M-Medyo nabingi ako doon ah. "And who's that guy you like?"

Okay...inhale..exhale..Lagot kaninong pangalan naman ang sasabihin ko?!! Ahh gagawa na lang ako ng pang--no no paano kung gusto niyang makita? Wahhh kaninong pangalan ba ang sasabihin ko?

Bigla kong naalala ang lalaking nakausap ko sa greenhouse, his black hair that shining when the sun reflecting, his red eyes that's just like a ruby.

'Kaius, call me Kaius. Let's meet again, Agatha' parang narinig ko ulit ang huling sinabi niya sakin noon sa isipan ko.

Aishh bakit ba bigla na lang siyang sumulpot sa isipan ko--

"Kaius?" napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang pangalan na 'yon na sinambit ng Duke.

"Huh?"

"You said his name was Kaius, right?" huh!!? D-Did I just accidentally said his name without knowing? Oh no...

"N-No--" oh wait, madami naman sigurong Kaius din ang pangalan sa mundong 'to diba? Should I just use that name tapos hahanap na lang ako ng kaparehong pangalan. What if pangit yung mahanap ko!!? Well let's not think about that. "I mean, yes his name is Kaius"

Napalunok na lang ako sa kaba, sana naman hindi na siya magtatanong ulit. "Okay"

Napahinga ako ng maluwag ng wala siyang reaksiyon, mabuti naman. Bumalik na ulit ito sa pagtingin sa mga papel at mukhang wala ng balak pang magsalita.

"Well, can I go now f-father?" hindi pa rin ako sanay kaya medyo nauutal pa ako.

"Hmm? Where are you going?" Kailan ka pa ba nagkaroon ng pake.

"To my maid, I know hinihintay na niya ako." lumamig ang boses ko ng maalala ang pagkulong sa kaniya, walanghiya talaga ang baboy na head maid na 'yon.

"You mean, the girl who was caught stealing?"

Napakuyom ang kamao ko. "Hindi naman siya magnanakaw kung pinapakain niyo ako ng maayos" bulong ko na mukhang narinig naman niya.

"What?"

Tiningnan ko ito ng mata sa mata, I guess I can take this as an opportunity para mapatalsik na ang mga maid na 'yon. Lalo na ang head chef na 'yon.

"I'm your daughter but you don't know what they're doing to me? Oh wait, isa nga lang pala akong basura na napulot niyo lang sa tabi tabi" pagak akong napatawa. "Lord Vietricht, do you even know if they're giving me a decent food? Do you even know if they're treating me just like the young masters and the young lady? Do you even know where did I get this bruises?"

Tinanggal ko ang parang cotton coat na suot dahilan ng paglantad ng likod at cleavage ko, doon kitang kita ang mga peklat at bruise na nakuha ni Agatha.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now