CHAPTER 1

495 22 0
                                    

CHAPTER 1

Agartha's POV

Naalimpungatan ako dahil sa mga taong walang pahintulot na pumasok sa kwarto ko. "Hmmm...one more minute ma" sabi ko at nagtalukbong.

Ang lambot ng kama at nakakagaan sa pakiramdam, parang gusto ko na lang habang buhay na nakahiga rito kung wala lang sana kaming practical research ngayon--Teka!!

Agad akong napabalikwas. "Wahh may practical research pa pala kami, bakit di niyo ko ginising!?" sabi ko sa mga babaeng nakalinya sa harap ng higaan ko.

Kukunin ko na sana ang phone sa nightstand ko pero wala 'yon doon, ngayon ko lang din na realize na kulay itim ang nightstand na ito at hindi puti!

What the..sinong nag change ng nightstand ko? Uwahhh bili pa naman 'yon ni mama sakin, napasinghot ako ng maramdamang naiiyak ako.

"M-My lady--"

"Wahhh yung nightstand ko!! Sinong nag change nito! Ibalik niyo yung nightstand ko huhu" para akong batang nagwawala dahil sa nahulog ang lollipop.

Nakita ko pa ang limang naka maid outfit na natataranta din--maid outfit? Kailan pa ako nag hire ng maids?

Mas lalo akong nataranta at nagwala ng makita ko sila. "Wahhh magnanakaw!! magnanakaw!"

Tumayo ako mula sa higaan at akmang tatakbo palabas sa nakita kong pinto pero bigla itong bumukas.

"Why the h*ll is so noisy in h--"

"Uwahhh ang boss! Ang boss nila!" natataranta akong tumakbo sa sulok ng kwarto malayo sa limang maid at isang lalaki.

Huhuhu mader joki joke lang naman yung sinabi kong ire-create book niyo eh, wag niyo po muna akong ipasunod sa inyo.

"What the fvck is wrong with you, Agatha" napantig ang tainga ko di dahil sa mura niya kundi sa pangalang itinawag niya sakin.

"Huh? Sinong Agatha? Magnanakaw na nga lang kayo gagawan niyo pa ako ng kung kaninong pangalan" inosenteng tanong ko.

Halata naman sa itsura nito na naiinis. "Magnanakaw? There's fvcking nothing to rob in your room so stand your fvcking ass out there and come in here"

"Woi bakit ka ba puro mura ha, ganyan ba itinuro ng mama mo sayo?" sumbat ko sa kanya, nawala na yung kaba ko dahil napalitan na ito ng inis sa lalaking kausap ko.

"What did you say?" biglang nagbago ang tono nito, para bang galit na...hehe paktay ginalit ko si kuya.

"M-My lady, may lesson pa po kayo kay Lady Gonreih kailangan niyo ng--"

"Ha lesson? Practical research meron kami ngayon, sino ba yang lady Gonreih na sinasabi mo" nakataas kilay kong tanong.

Pagtataka naman ang nakapaskil sa mukha ng babae, actually sa kanilang lahat. "P-Po? Ano po yun my lady?"

Bakit ba 'my lady' ang tinatawag nito sakin, sino ba ang mga taong 'to? Hindi ko pinansin ang babae at napalibot ang tingin sa paligid, hindi ito ang kwarto ko! Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to?

Nakaramdam na naman ako ng panic sa loob ko, may nag-kidnap ba sakin habang tulog ako? Sila ba nag-kidnap sakin?!

"H-Hey, are you okay?" seryosong tanong nito, di man lang pinahalata na concern talaga sakin ang lalaking 'to.

Kinalma ko ang sarili ko, baka atakihin na naman ako wala pa naman yung inhaler ko dito. Ki-kidnappin na nga lang di pa dinala inhaler ko, papatayin ata nila ako ng maaga eh.

Inhale...Exhale....Inhale...Exhale

Unti-unti nang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko, wews. Ngayon, sino ba ang nga taong 'to?

I Am The Duke's Hated Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon