CHAPTER 23

336 14 0
                                    

Third Person's POV

May isang taong tumalon papasok sa mansion mula sa pader, tahimik itong naglakad at tumatago sa dilim.

Akmang tatakbo ito papunta sa loob ng may makita siyang dalawang tao sa di kalayuan.

"Ayos na ako rito, Charles. Salamat sa pagsama sakin" saad ng babaeng nagngangalang Nelle.

Napangiti ang taong nanghimasok ng makita niya ang pakay niya. "Sigurado ka? Baka kasi mapano ka, kahit na nasa loob tayo ng mansion ay delikado pa rin" saad naman ng kawal na kasama nito.

"Ano ka ba, walang mangyayari sakin ng masama. Mauna na ako, malapit lang naman dito ang tinutulugan ko" nakangiting saad nito sa lalaki.

"Sige, good night" nakangiting saad ng lalaki.

Namula naman ang pisngi ni Nelle. "G-Good night din, una na ako"

Nagmadaling umalis si Nelle na ikinatawa ng lalaki, sa isipan nito ay na cu-cute-an ito sa dalaga.

Hinintay ng taong nanghimasok na makaalis ang lalaki bago ito sinundan si Nelle, bago pa man lumiko ang dalaga ay mabilis itong tumalon sa kaniyang harapan.

"Long time no see, Nelle" nakangising bati nito sa dalaga.

Gulat at may halong takot naman ang reaksyon ni Nelle sa taong bigla na lang sumulpot sa harapan niya. "I-Ikaw! A-Anong kailangan mo--"

"Mukhang masiyado ka atang nagpapakampante, Nelle. You still didn't killed her" saad nito.

"S-Sinubukan ko, nilalagyan ki ng lason ang pagkain niya p-pero hindi niya ito kinakain kaya--"

"Sinungaling! *PAK*" sigaw ng babae at sinampal si Nelle. "Anong akala mo samin, mga tanga?! Marami ang nakabantay sayo Nelle at ngayon, magbabayad ka sa kapalpakan mo"

May inilabas na patalim mula sa kung saan ang babae na ikinaatras ni Nelle, napangisi naman ang babae dahil sa takot na nakikita niya sa mga mata nito.

"H-Hindi, a-ano bang kailangan niyo sa my lady namin! Ano bang nagawa niya sa inyo?! Bakit gusto niyo siyang patayin!" Pakiramdam ng dalaga ay wala na itong magagawa kaya naman ay itinanong na nito ang mga tanong na matagal ng nasa isipan niya.

"Hmm? Malakas din ang loob mo, sige sasagutin kita, total ay mamamaalam ka naman sa mundo" nakangising saad ng babae.

"Una ang kapangyarihan niya, pangalawa ay isa siyang malaking sagabal sa mga plano namin" inis na saad ng babae. "Ngayong nasagot ko na ang tanong mo, bibigyan kita ng pagkakataong makatakbo papunta sa kwarto mo, nang masaya naman ang laro natin, diba"

"Magbibilang ako hanggang lima--" hindi pa natatapos ang babae sa pagsasalita ay tumakbo na si Nelle, isang liko na lang naman at makikita na niya ang kwarto. "Oh, you badly wanna live huh, one.."

"Two" tumulo ang luha ni Nelle, alam niya sa sarili niya na di siya makakaabot pero sinusubukan niya pa rin.

"Three" lumiko si Nelle at sa wakas ay nakita na niya ang pinto, pero hindi pa rin 'yon sapat lalo na't dalawang segundo na lang.

"Four" nagsimulang maglakad ang babae ng dahan dahan at kaniya namang ikiniskis ang kutsilyo sa pader na nagbibigay ng nakakarinding.

Narinig ito ni Nelle na mas lalong nagpakaba at tumulo ang maraming luha sa pisngi niya.

'Malapit na, malapit na ako...'

"Five...time's up" saad ng babae, bigla na lang nawala ang babae sa kinatatayuan niya.

Ilang hakbang na lang at maaabot na ni Nelle ang pinto ng bigla na lang sumulpot sa itaas ang babae, napahinto si Nelle.

Bigla itong nakaramdam ng panghihina at pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata, sunod na napansin nito ay ang dugong umaagos mula sa leeg niga.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now