CHAPTER 18

366 17 1
                                    

Agatha's POV

I'm currently eating my lunch, and of course nandito ang pamilyang Vietricht. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila at seryosong kumain.

Hindi ko alam kung bakit nila ako tinitingnan, kanina pa nga ako nagtataka eh pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Sister? A-Are you still mad at me?" Napatigil ang kamay ko sa ere ng magsalita na lang si Erianna.

Seryoso ko itong tiningnan. "Tell me, do I look like I'm mad?" Walang buhay na saad ko.

"Y-Yeah?" Parang hindi sigurado nitong sagot.

"Then I am" walang pakeng saad ko at bumalik na sa pagkain.

Ayokong kausapin siya o kahit na sino sa kanila, matapos ng nangyari last time ay pinatawag ako sa office ng Duke nang makarating na ito saka pinagalitan ako.

Na grounded pa ako ng dalawang araw walangya, ngayon lang ako nakalabas ulit sa kwarto. Akala ko talaga ayos na sila para sa akin eh pero kagaya pa rin pala sila sa dati, tsk.

"I'm sorry" mahinang saad nito na tama lang sa pandinig namin.

Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lang sa pagsubo. "Why can't you just forgive her?" Malamig na tanong ni Ellias.

Isa pa 'tong lalaking 'to, sarap hambalusin. Binitawan ko ang kutsara't tinidor ko at tiningnan sila, nakakawalang gana na kumain.

"I lost my appetite" seryosong sabi ko at tumayo na saka umalis doon.

Sa bawat araw na lumilipas, papalapit ng papalapit ang kamatayan ko--este ang kaarawan ni Agatha. Mamayang gabi ay tatakas ulit ako, ngayong araw na kasi ang auction kung saan bibilhin ko ang batang 'yon.

Nadaanan ko si Lucy na mukhang hinahanap ako, hindi na kasi ako nagpasama sa kanila sa dining hall lalo na't may inutos din ako sa kanila.

"My lady" tawag nito sakin at bahagyang yumuko. "Dumating na ang mga damit na pinagawa niyo, saka naghihintay na si lady Margarette sa drawing room"

Aiyah muntik ko ng makalimutan na ngayong araw nga pala dadating ang mga damit na pinagawa ko, sa dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi mag drawing ng mga damit na kagaya sa mundo ko.

Kung di ko pa nasasabi ay isang tailor ang tita ko at sa kanya ko natutunan ang mga bagay bagay pagdating sa pagtatahi, kaya naman ay mataas ang confidence ko na magandang damit ang ipinagawa ko.

Balak ko sanang pumunta sa kwarto at magmukmok but now nevermind, balak kong mag invest sa store ni Margarette. Lalo na't baka maubos ang perang inipon ko ngayon dahil gagastusin ko 'yon sa auction.

Actually, matagal ko ng binalak. Ngayon lang magkakatotoo dahil sa dami ng iniisip ko ay nakalimutan ko ang tungkol diyan.

"Lead the way" saad ko kay Lucy at nanguna naman siya, ilang liko pa ang dinaanan namin bago nakarating sa drawing room.

Binuksan ni Lucy ang pinto saka inanunsyo na nandito na ako, taas noo akong naglakad papasok at may nakita naman akong isang babae na kakatayo lang mula sa couch.

"Greetings, lady Agatha" bati nito at bahagyang yumuka.

"No need for formalities, we'll be soon a business partner anyway" saad ko na ikinatingin niya sakin.

"Po?" Nalilitong tanong niya.

Tiningnan ko siya ng maigi, she's kinda young and looks kind. She's Margarette and soon to be a famous tailor, kaya habang maaga pa ay makikipagkasundo ako sa kaniya.

"I'm gonna straight to the point, I'm going to invest in your store." Nakangiting saad ko sa kanya, kumunot naman ang noo nito.

"B-Bakit? I mean...isang hindi sikat ang store ko at wala masiyadong bumibili kaya..baka masayang lang ang i-invest niyo" nag aalalang saad nito.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now