CHAPTER 14

378 19 0
                                    

Agatha's POV

****
"Umiba na naman ang lugar, nasaan ba ako ngayon? Kanina pa ako palakad lakad, don't tell me nalipat na naman ang kaluluwa ko sa kung saan?" Wala sa sariling saad ko.

Kanina pa ako rito at palaging umiiba ang scene ng lugar, pero kanina sigurado akong si Erianna 'yon.

May mga naka itim na tao ang dumukot sa kanya tapos ay nakita ko naman si Agatha na parang hinahabol sila, sinusubukan niyang tulongan si Erianna mula sa mga taong nakaitim.

"Si Kaius naman! Gusto ko makita si Kaius" Napalingon ako sa paligid ng umalingawngaw ang boses ng isang batang babae.

"Oh sige" ngayon naman ay boses ng batang lalaki, maya maya pa ay nag iba ang lugar at nakatayo ako ngayon sa isang puno.

Ito 'yong puno doon sa garden ah. "Wow! Ikaw pa rin ba 'yan Dark?"

"Oo naman! Mas malakas ako dito! Tingnan mo kaya kong umakyat ng puno!" Nakita ko ang dalawang bata na nag uusap.

Isang batang babae na kulay puti ang buhok habang nakatingala sa batang lalaki na ngayon ay nakabitay sa puno.

Nakabitay ito gamit ang paa niya, what the h*ll? Kamukha niya si Kaius--

"Ang galing" masayang saad ng batang babae habang pumapalakpak pa. "Bakit nga pala Kaius ang gusto mong itawag ko sayo? Eh nag iba lang naman ang kulay ng buhok mo"

Nakangusong tanong ng batang babae, ang cute niya. Napangiti na lang ako, para siyang si Agatha.

Oh wait, wait, wait. Si Agatha nga 'yan at si Kaius? Maya maya pa ay bumaba ang batang lalaki sa puno at nag iba na naman ang kulay ng buhok nito.

Mula sa itim, ngayon ay naging kulay ginto. What the h*ck? D-Don't tell me, yung Kaius na nakilala ko sa garden at ang Dark na nakabanggaan ko sa party ay i-iisa.

Napatakip ako sa bibig dahil sa katangahan ko, ngayon naalala ko na, magkahawig nga silang dalawa!

P-Pero paanong...walang ganito sa libro! Hindi nag e-exist si Kaius sa libro, anong ibig sabihin non? Bakit may dalawang kataohan ang male lead?

Bigla na lang ako nakarinig ng crack kaya agad akong napatingin sa paanan ko, unti-unting nababasag ang inaapakan ko kaya mabilis akong tumakbo palayo kaso naabutan pa rin ako nito at tuluyang nahulog kasama ang mga parang basag na salamin.

******

"Ahhh!" Hinihingal akong napabangon mula sa higaan.

I-It's all just a dream? I'm glad. Akala ko talaga mawawasak ang buong katawan ko, langya anong klaseng panaginip ba 'yon.

"Having a nice dream with me?" Agad akong napalingon mula sa madilim na parte ng kwarto ko.

T-Teka bakit nasa kwarto ako? The last thing I remember is...Oh shoot! Don't tell me nahimatay ako sa greenhouse?!

"Huh!?"

Tiningnan ko ang taong bigla na lang sumulpot mula sa dilim, mukhang kanina pa siya nandyan --Teka, sino ba ang taong 'to?

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sakin, habang ang sinag ng buwan na sumisilip mula sa nakabukas na veranda ay tumama sa kulay pulang mata nito na dahilan ng pagtingkad ng kulay nito.

Mula sa gintong buhok ay naging itim ito, teka kagaya ito sa panaginip ko ah. Kung ganun totoong iisa lang sila? Paano!? Walang ganun sa libro ah.

"I heard you calling my name" nakangising saad nito at tuluyan na siyang nakalapit sa kama ko. "Agatha, don't you really remember me?" Bakas sa boses nito ang lungkot.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now