CHAPTER 24

348 12 0
                                    

Third Person's POV

Mula sa malayong bayan na nagngangalang Faharius, may isang bahay sa pinakadulo ng bayan. Doon may apat na magkakapatid na masayang naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Ang panganay na labing apat na taong gulang ay binabantayan ang mga kapatid nito, napapangiti ito sa tuwing nakikita ang mga masasayang ngiti ng mga kapatid niya.

"Kuya! Tingnan mo 'yon oh, ang gandang paro-paro, ang laki pa!" Saad naman ng bunsong kapatid nila na babae, limang taong gulang pa lang ito.

Napalingon ang tatlo sa itinuro nitong paro-paro, akmang lalapitan na ito ng bunso nang mabilis itong pinigilan ng nakatatandang kapatid.

"Teka, Naiah. Delikado ang paro-parong 'yan" saad nito, nagtataka naman siyang nilingon ng mga kapatid niya.

"Huh? Bakit naman po kuya?" Tanong ng ikalawang bunsong lalaki, ito ay walong gulang pa lamang.

"Nabasa ko 'yan sa librong meron ako, ang tawag diyan ay isang venomous butterfly. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng napakakaibang insekto dito pero wag na wag niyong hahawakan 'yan" paalala ng panganay.

"Eh?? Sayang naman, gusto kong hawakan" naka puot na saad ng bunsong si Naiah.

Umiling lang ang nakakatanda, maya maya pa ay bigla na lang lumipad ang paro-paro at pumapaikot ikot sa itaas nila.

May inilabas itong isang kumikinang na alikabok, namangha naman ang tatkong bata maliban sa nakatatanda.

Maya maya pa ay unti-unting nawawala ang paro paro na parang bula. "Noah, Nello, Nicen, Naiah"

Sabay na napalingon ang apat na bata ng marinig nila ang boses ng kanilang ate, sa di kalayuan nakita nila ang pigura ng kanilang ate, nakangiti ito at kumakaway sa kanila.

"Ate Nelle!" Sigaw ni Naiah.

"Ate!" Sabay naman na sigaw ni Nello at Nicen.

Mabilis na tumakbo papalapit ang tatlong bata sa kanila ate, napalingon naman si Nelle sa isa pang kapatid niya.

Nakatulala ito at may naramdamang kakaiba, namalayan na lang niya na tumulo ang luha nito sa di malamang dahilan.

Nakangiti namang nilahad ni Nelle ang kaniyang kamay sa kaniya. "Hindi mo ba na miss si ate?"

Dahan dahang lumakad ang bata saka hinagkan ito ng makalapit, umiiyak ang apat sa di malamang dahilan.

"Noah, alagaan mo ng mabuti ang mga kapatid mo ha. Palagi niyong tandaan na mahal na mahal ko kayo!"

"A-Ate *hic* ano bang pinagsasabi mo ate" saad ni Nello ang pangalawang panganay sa kanilang apat.

"Mahal ko kayo" nagtataka sila ng unti unting nawawala ang katawan ng kanilang ate, kagaya sa nangyari sa paro-paro kanina.

"A-Ate?!"

Ang hindi alam ng apat ay isa lang pala itong ilusiyon na gawa ng dalagang si Agatha.

Patuloy sa pag agos ang luha nila saka nila napansin ang papalapit na isang kalesa na may limang kawal na nasa gilid non.

Nakilala nila ang isang kawal, kaya ng makarating sila sa tapat ng bahay ng mga bata ay mabilis na tumakbo doon ang bunso.

"Kuya Charles!" Mabilis na kinuha ng kawal na nagngangalang Charles ang bunso.

"Oh bakit ka umiiyak? Bakit kayo umiiyak?" Tanong nito ng mapansin na umiiyak ang mga bata.

"K-Kuya Charles, nakita n-namin si ate Nelle" saad naman ni Nicen habang pinupunasan ang luhang walang tigil sa pag agos.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now