CHAPTER 20

382 11 0
                                    

Agatha's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, babangon na sana ako ng may maramdamang nakahawak sa kamay ko.

And guess who's that person? "What the fvck are you doing here!?" Napasigaw ako ng wala sa oras at hinampas ito ng unan.

Nagising naman siya at papikit pikit na tumingin sakin, aaminin kong ang cute niya tingnan pero...hindi dapat ako magpadala!! Anong ginagawa ng lalaking 'to dito!?

"Good morning, darling" he said in a husky tone and yawned.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya napailing iling ako. "Hindi good ang morning ko, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"I came in from that door" saad niya at itinuro pa ang pinto.

I scoffed. "Pinipilosopo mo ba ako"

"No, I just answered your question, darling"

"Wag mo akong ma darling darling, bw!set ka" inis na tanong ko sa kanya.

Naiinis ako, oo. But why do I feel something in my tummy, sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. "Stop cussing, tsk"

"Pake mo ba, bibig ko 'to, hindi 'to sayo" mataray na sabi ko.

"Well, I can make that mine"

"H-Huh" napaatras ako ng bigla itong lumapit sakin, nakaramdam ako ng kaba at mas lalo pang umiinit ang pakiramdam ko.

"W-What are you d-doing!" Sabi ko pa pero hindi ito tumigil at patuloy lang sa paglapit sakin.

Napalunok na lang ako ng wala na akong maatrasan, napasandal ako sa headboard habang siya ay patuloy sa paglapit. Seryoso rin itong nakatingin sa mga mata ko, napalunok na lang ako at napapikit ng ilang inch na lang ang lapit ng mukha namin.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagdampi ng malalambot niyang labi sa noo ko, pagbukas ng mata ko ay nakatayo na siya sa gilid ng kama at saktong bumukas din ang pinto.

Bumungad doon si Lucy at ang isang bata...teka, bata? Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari kagabi, mabuti na lang at nakauwi kami ng ligtas.

Ang huling naaalala ko lang ay sumakay kami sa kalesa, nahimatay ba ako habang nasa byahe kami? Kung oo, sino ang nagdala sakin dito? Imposible namang yang batang, yan na buto't balat ang nagdala sakin dito 'no.

"Greetings, your majesty, the crown prince" magalang na sabi nito ng makita si Dark, oo siya ang taong nandito kanina pa.

Nilingon naman niya ako. "My lady! Mabuti naman at gising ka na, paparating na rito si Nelle dala ang pagkain mo" masayang sabi ni Lucy.

"Atsaka, matanong lang po, my lady. Sino ang batang 'to? Kasama mo kasi siya nong dinala ka ng crown prince rito" ano raw? Dinala ako....ng crown prince na yan dito?

Don't tell me....no no no...kung siya nga ang nagdala sakin dito, anong ginagawa niya sa labas? Isa rin ba siya sa sumusunod sakin?

Napatingin ako kay Dark at alam kong puno ng pagtataka ang itsura ko ngayon. "Uwahhh my lady!!"

Naalis ang tingin ko sa kanya ng malakas na bumukas ang pinto at bumungad doon si Nelle. "Hindi niyo naman sinabi na magd-date pala kayo ng crown prince! Maiintindihan naman namin kung bakit ayaw mong magpasama!" Walang prenong saad nito.

"T-Teka teka? Anong date ang pinagsasabi mo--"

"Well, she must have been shy. But next time I will take her on a date and tell it to the Duke" pinutol ng walangyang crown prince ang dapat na sasabihin ko.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now