APOLOGIZE

18 0 0
                                    

Hinatid ko siya hanggang sa tapat ng bahay nila, tinulungan ko narin siya magpasok ng mga groceries.

Pagka lapag ko neto sa table, saglit kong inilibot ang mga mata ko sa paligid.

Maganda, maaliwalas at malinis. Pero napansin kong wala ni isang picture nila na naka display. May mga pictures pero hindi pamilyar sakin ang mga mukha.

'Baka naka tago or nasa kwarto nila.'

"Uhm, ano una nako?" Tila ba may nagbabara sa lalamunan ko tuwing magsasalita sa kaniya.

"Uh yeah sure.." Inilapag niya sa sofa ang bata saka saglit na nag tungo sa kitchen para mag check.

"Do you still need anything?"  I asked.

"Wala naman na-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang umiyak si Avikielle. Tinungo naman niya ito upang mapatahan.

Kahit binuhat na siya ni Sarah hindi parin ito tumitigil sa pagiyak. Kaya awkward akong nakatayo dito at pinapanood sila.

'Aalis naba ako?'

Unti-unti akong naglakad sa pintuan, hindi naman siguro niya mapapansin.

"Uh, Kate. Can I ask you a favor? Just this one, please?" Naramdaman ko ang pagyanig ng mundo ko.

Ewan ko ba, pero the way she called my name feels like it's nothing to her now. Para bang normal nalang sa kaniya. Masakit para sakin yon.

Ako nalang ba yung kumakapit? Kasalanan ko rin talaga siguro kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Tangina.

"Yes, Sarah? What can I do for you?" Malumanay kong untag.

"I think Avikielle is hungry, can you make something for him?" Hmm, buhat-buhat niya yung bata kaya malamang hindi siya makakakilos ng maayos.

"Sure."

Kumilos ako ng wala sa sarili, hindi ko nga alam kung anong ekspresyon ang suot ko ngayon. Para akong lumulutang, wala yung utak ko pero alam ng katawan ko ang mga gagawin.

Huli na ng mapagtanto kong tapos na. Nakapag hain na ako ng pagkain, hindi lang para kay Avikielle, kundi para narin sa kaniya.

"Oh.." Yan ang unang lumabas sa bibig niya ng makita ang mga naka handa sa lamesa. "I think this'll be too much for Avi."

"Ah, nagluto narin ako para sayo. Hindi ka kasi kumain kanina sa mall kasi sabi mo dito nalang sa bahay niyo diba? Pero i think napasobra ako." Nadala lang ng damdamin, Sarah.

"Yeah, I guess..."

Tumahan na si Avikielle kaya inilapag niya ito sa isang pang baby na upuan, umupo naman siya sa tabi neto.

'Uuwi na talaga ako.'

'Pero sino ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila? Busy si Sarah sa bata...'

"Kumain kana din, Kate. Tulungan mo kami, hindi namin mauubos to." Sarah naman eh, aalis na nga ako oh, I'm trying hard to hold myself back nga eh.

"Uhh, are you sure I'm not bothering you?...."

"No... Not really, tinulungan mo pa nga ako."

"Okay"

Hooo, tibay ko talaga. Nagawa ko pang mag stay.

Ilang minuto na ang nakalipas at pareho parin kaming tahimik, ang tangi mo lang na maririnig ay ang pagdampi ng kubyertos sa plato.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapatitig sa kaniya.

Sa katahimikan ng paligid, nagsusumigaw ang ganda niya.

"May gusto ka bang sabihin?" Biglang usal niya.

"Ah ha?"

"Kanina kapa kasi patingin-tingin, baka may gusto kang sabihin."

"Wala naman... May gusto lang itanong."

"Hmm, what is it?" She turned her gaze on me.

"Bakit wala man lang naka display na pictures niyo ni Maxivon? Even the baby?" Hindi naman ako naka inom, pero bakit ang lakas ng loob kong itanong to?

Maski siya ay mukhang nagulat sa tinanong ko.

"What do you mean?"

"Like wedding pictures or such..."

"Okay, let me get this straight. First, this is Maxivon's house. So obviously wala kaming pictures. Second, we are not married."

"Oh..." So nag anak sila ng hindi kinakasal, lumipat ang tingin ko kay Avikielle.

"Third." Ay di pa siya tapos. "Avikielle is not our child. Anak to nila Ash and Yvo. Kapag nandito kami sa pilipinas pinapabantay lang siya samin para naman may time yung mag asawa."

Holy sh--

So all this time, nagpapaka oa lang ako?

"So you're not pamilyadong tao?"

"Pamilyad-- what? No, I'm not. Maxivon and I are just friends."

Nalinaw rin!

"Yung binibuild namin..."

"That's mine, maxi's just helping me out."

"Wow" parang natunaw yung nagbabara sa lalamunan ko, gumaan ng malala yung pakiramdam.

She's not married, it's not her child. Does that mean i still have a chance?

"Sarah, I know you still remember what happened years ago... What i did to you--"

"Look, Kate. I know we have a past, but just like what i said it's a past, okay? You don't have to bring that up right now. You being here doesn't mean I'm okay with everything."

"I'm sorry."

I looked directly at her eyes.

"If you're finished, you can go now." Tumayo siya at binitbit ang bata sa sofa para pahigain.

Sinundan ko naman siya doon at hinarap saakin.

"Humihingi ako ng tawad para sa nakaraan. Matagal ko na gustong ilabas to at sabihin sayo, gustong-gusto ko humingi ng kapatawaran para sa lahat ng sakit na dinanas mo habang nasa tabi ko. I'm sorry i couldn't protect you, i failed you, i-i broke you..."

"Kate, stop"

"You need to hear all of this"

"No, hindi kona kailangan. Hindi mo ba ako nakikita? Nasa maayos na ako ngayon!"

"That time, wala kang kasalanan. Si Vanessa... Wala lang siya sa tamang katinuan non kaya niya nagawa yon sayo, but now... She's also trying to reach you para makapag apologize. We did you so wrong and I'm really really sorry for that. I know rin na hindi sapat ang mga sorry ko--"

"Oo, Kate. Hindi yan sapat. Kung alam mo lang... Kate, muntik na ako ma-rape non, nung gabing yon. I'm fighting for my life para makauwi sayo, tapos ano? Pagdating ko don naging magnanakaw pa ako! And what's even worse is ikaw pa of all people ang tatalikod saakin." Nanubig na ang kaniyang mga mata. Pati sa pagsasalita ay nanginginig siya.

Para naman akong tinutusok ng libo-libong karayom nang marinig ko iyon.

"You should've realized it now, Kate. You deserve me but I... I don't deserve you."

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now