RECEIPT-LETTER

65 2 0
                                    

Pagdating ko sa tindahan ay saktong nagbubukas palang din si John Rey kaya tinulungan ko na.

"Morning, John Rey!" bati ko.

"Uy, hi. Goodmorning din"

Unti-unti naring nagdadatingan ang iba pa naming mga kasamahan para makapagtrabaho narin kagad. Ang iba pa nga ay binaon nalang nila yung mga umagahan nila para dito na kumain.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin at matakam sa mga kinakin nila.

Bukod sa mabango kasi ay mukha pang masarap.

Nagugutom ako lalo.

Biscuit lang kasi tyaka tubig ang pagkain ko.

Ang ginagawa ko nalang na paraan para maibsan ang paglalaway ko sa mga kinakain nila ay mag-iwas tingin at abalahin ang sarili sa pagtatrabaho.

Iniisip ko pa nga kung kailan ba ako ulit magkakaroon ng pagkakataon na maka kain ng disenteng pagkain.

Kung hindi lang siguro nangyari sa pamilya namin to...

Hays, bahala na nga. Trust the process nalang, as long as I'm doing  and giving all my best this will result to greatness.

Medyo naging abala kami para sa araw na ito, pero keri naman. May energy pa ako para sa pangalawang work ko.

Pagdating sa 7/11, gaya kahapon ay ganon lang ginawa ko.

Sabi ni Kiana hindi siya makakadaan dito kasi nga grounded kaya hindi ko narin inexpect na makikita ko si Kate.

Matapos kong suklian ang bumili ng ice cream ngayon-ngayon lang ay nagpahinga muna ako saglit.

Hanggang sa hindi kona namalayang naka idlip na pala ako.

"Hey, miss. Bayad ko."

Naalimpungatan nalang ako ng makarinig ako ng mga boses na mababa at mahinhin.

Kaso pagmulat ko ng mga mata ko ay palabas na yung taong yon. Kinabahan pa ako kasi baka magnanakaw pala iyon, hindi ko pa nakita yung mukha.

"Bakit ba kasi nakatulog pako?" Sabi ko sa sarili.

Kabadong-kabado ako.

Sana walang nawala.

Sana mabuting tao yun huhu.

Wala ng iba pang tao sa store para bumili kaya dali-dali akong nagtingin sa cctv upang mapanood ang mga nangyari.

Laki ng gulat ko nalang nang malaman kung sino yung tao na iyon.

Si Kate.

Medyo ikinagaan ng loob ko ito.

"Fvck! Shit! Pumunta siya dito, hindi ko man lang natanawan! Bakit ba kasi natulog akooo??? Huhu, makikita kona sana siya tyaka masisimulan ko narin sana yung second plan ko."

Nalaglag ang mga balikat ko dahil sa lungkot.

At ng muling tunuon ang paningin sa minitor, napanood ko ang pagsubok niyang gisingin ako upang makapag bayad. Kaso tulog mantika amputek!

Wala na siyang choice kundi siya nalang din ang nag tap sa sarili niyang napiling bilhin.

Maya-maya pa ay dumukot siya ng pera sa wallet at sinulatan ang likod ng resibong nakuha niya. Matapos nun, nilagay niya ito sa tabi ko kasama ang pera saka nagsalita at umalis narin.

"Sa pag-alis niya ako nagising."

Bumalik ako sa counter at doon nakita ang mga iniwan niya.

"You should not sleep during your work, you dont have any idea what might happen. Btw, this is my bayad."

Iyon ang nakasulat aa likod ng resibo.

Mabuting tao to si Kate for sure. Bagay kami, kimiii.

Halagang 146 pesos lang naman ang napamili niya, pero bakit isang libo yung naririto?

Chineck ko ulit ang mga kuha ng cctv para makita kung sinuklian narin ba niya ang sarili niya. Pero wala. Hindi.

"What the hell..." mukhang ako ang nay kasalanan nito. Hindi ko siya nasuklian.

So pano nalang to?

Hindi naman pwede na umalis ako ngayon para hanapin siya at ibalik tong sukli.

Nakatulog na nga ako, dadagdagan ko paba pagkakamali ko sa pamamagitan ng pag-iwan nitong store ng walang bantay?

Syempre hindi ko na gagawin yan.

Hihintayin ko nalang ulit na bumalik siya rito.

Babalik yan...

Alam ko...

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now