EXS

30 2 0
                                    

Pagkahatid kay Kiana sa bahay nila na napaka ganda (kasing ganda ng kanila Ash) umalis narin kagad kami ni Kate upang makapag grocery na nga.

"Alam mo na kung paano ihatid si Kiana pauwi?" biglang tanong sakin ni Kate.

"Oum."

Habang nakatingin sa bintana, napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang saglit na pag-sulyap sakin ni Kate.

"What?" Ani nanaman niya.

"Huh?" Dahil sa hindi ko siya naintindihan, itinuon ko nalang sa kaniya ang aking buong pagtingin, este, paningin.

"Why are you so quiet?"

Lah, kelan pa siya nagkapake sa pananahimik ko? To talaga, sabi na nahuhulog na'to eh. Angas ko talaga.

"Not that I care, okay? I'm kinda glad to be honest. Finally, you learn how to shut your mouth."

'Kingina niya talaga.'

Hindi rin nagtagal ay nasa sm san Lazaro na kami. (Dito niya gusto mag shopping eh.)

"Nilista mo ba mga kailangan mong bilhin? Baka mmaya manghula-hula ka lang sa pamimili." Saad ko habang kumukuha ng cart.

"Of course, I'm not stupid like you and Kiana."

Parang sasagot lang ng 'Oo' at 'Hindi' eh, kailangan pa talaga may kasamang insulto.

Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko siya?

"Tara dito." Aniya saka ipinatong ang kaliwang kamay sa likod ko na para bang gina-guide. Ako kasi ang nagtutulak ng cart habang siya naman ay nagtitingin-tingin at kumukuha ng mga kailangang bilhin.

Parang may dumapong kuryente sa likod ko kung saan naka prente ang kamay niya. Unti-unti naring bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

Partida, pagpatong palang ng kamay to ah. Pano pa kaya kapag siya na mismo ang pumatong-- oops, muntik na makabangga ang cart ko. Hehe.

"Tumingin ka nga ng maayos." Masungit niyang usal saakin.

"Sorry po..." Mahinang sambit ko naman.

Pagtapos non ay tinanggal na niya ang kamay niya saakin, na-ikina-dismaya ko, saka nagtingin-tingin sa freezer ng mga ice-cream.

Tumingin rin ako roon, na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Shit, nakakatakam yung mga ice-cream huhu. Lalo na yung magnum. Kung may pera lang sana ako nakuuu.

Upang mapigilan ko ang patuloy na paglalaway, iniwas ko nalang ang aking mga mata. Sakto namang may nakatagpo ang aking tingin.

Pamilyar yung mga mata niya, pero hindi ko maalala ang kaniyang pangalan. San ko nga ba ulit nakita ang nilalang na ito? Napakunot ang aking noo sa pag-iisip, hanggang sa marinig ko nalang ang pangalan ko na tinatawag ng taong iyon.

"Sarah!" Nangingiti niyang sambit.

Gaya ko ay may tulak-tulak rin siyang cart at marami ng laman.

"U-uy, ikaw pala..." Hindi pa ako sigurado sa aking pagbati.

"Kamusta kana? Ganda mo padin talaga." Tanong niya ng makalapit na ng tuluyan.

"Ah, ayos naman..." Ano nga ulit pangalan nito?

"Good good, uhm, since we met again what if it's a sign that we should get back together? Haha."

"Huh?" Pinagsasabi nito? 'Get back together' daw, bakit ex ko ba siya? Oh. Yeah, ex ko nga siya! Kaya pala ang pamilyar niya. Kaso di kona talaga maalala kung sino at pang-ilan siya sa mg naging ex ko. So, "It's a no for me."

"Bakit naman? Di hamak na mas naging pogi naman ako ngayon." Pogi daw, beh kung alam mo lang na mukha ka ng bakla dahil diyan sa kilay mong mas mataas pa sa Mount Everest. Feeling ko pinasadya niya yan eh.

"Ah yeah, sorry kaso we're kinda busy right now eh. If you'll excuse us..." Sinenyasan ko si Kate na sumunod na saakin akin at umalis sa harap ng lalaking iyon.

Pagkatingin ko sa mukha ni Kate, nakakatawa yung ekspresyon niya habang pinapanood kami BWAHAAHHHAAHA, hawak-hawak niya pa yung tatlong malalaking ice-cream kasi di niya malagay sa cart.

"Ex ko yon." Untag ko ng makalayo na kami.

"I didn't ask."

"Share ko lang..." nag-pout ako saka bagsak ang balikat na tinulak ang cart.

"Hurry up, will you?" Aniya.

Kung kanina ay sa likod ko lang niya nilagay ang isang kamay. Ngayon naman ay hinawakan na niya ang braso ko.

Bruh, feeling ko physical touch din love language nito. Kasi kung ganon edi pareho kami hihi.

Nagpatuloy na kami sa pamimili, and naging payapa naman iyon. Not until, pumila na kami para magbayad.

Okay naman sana.

Kaso, sa tapat kasi naming line ay may isang lalaki doon na nginitian at nag wave saakin. This time, nakilala kona kung sino ito.

Naging mabait siya saakin and na-enjoy ko ang moment namin together kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. Saka ko lang napansin na may kasama pala siyang babae, and malaki ang tiyan.

Looks like he is making a family na. Samantalang ako heto, nawalan ng pamilya.

"Ex ko ulit." Sambit ko kay Kate na tahimik lang ulit na nanonood saamin. Umuling lang siya at hindi na ako pinansin.

Few minutes later ay kami na ang sunod sa counter.

Pareho naming nilalagay ni Kate ang mga pinamili sa desk upang ma-punch na iyon.

"Hi, Sarah..." Nahimigan ko ang pabulong na pagbanggit sa aking pangalan.

Pag-angat ko ng tingin, napa-mura nalang ako.

Akalain mo nga naman, yung tao pala sa counter ay kaisa-isang favorite ko sa lahat ng mga naging ex ko. For-sure nagpa-partime to dito. Sipag talaga T_T

"Huy ikaw pala!" Masigla kong bati.

Natunghayan ko nanaman yang maganda niyng ngiti!! Hala namiss ko siya huhu. Pero may Kate na ako ngayon.

"How are you?" Tanong niya.

"Goods!" nagkaroon kami ng maliit na pag-uusap at hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na.

Habang palabas kami ni Kate bitbit ang mga pinamili, magsasalita sana ako kaso...

"E--"

"Ex mo nanaman? Gaano ba kadami yang naging ex mo at pakalat-kalat nalang dito sa paligid? Wala pa ilang metro mula sa unang lalaki na nag-approach sayo, may sumulpot nanaman na ex mo, tas ex ulit... Tsk." Binilisan niya ang kaniyang paglalakad kaya halos tumakbo na ako para lang makasabay sa kaniya.

"Ito naman... Seselos ang bebe nayan?? Sorry na, wag kana magalit. UwU"

"Magsalita kapa ulit, ibabawas kona yan sa sweldo mo." Grabeng pagbabanta naman yan!! Hooo.

I'm pipe na, so pipe, i can't speak, where is my voice?? Hooo.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now