WHAT'S THE TASTE OF YOUR LIPS?

32 2 0
                                    

"Saan ka nakatira?" Biglang tanong ni Kate habang pinapaandar ang makina.

"Huh? Sa blum, malapit don sa 7/11 na pinag tatrabahon ko dati. Bakit?"

"Kukunin na natin gamit mo, baka nakakalimutan mong kailangan mo nang tumira sakin para magtrabaho?"

"Oh shit."

"So you really did forget." May diin niyang sambit.

"Ano, una ka nalang sa senyo. Tas ako na bahalang kumuha ng gamit ko sa bahay, konti lang naman iyon."

"Bahala ka. " Maikling sagot niya.

Ibinaba niya ako sa palengke ng blum at tuluyan na ngang umalis. Ako naman ay dali-dali naring dumiretso sa bahay para kuhanin nalang ang gamit.

Wala kaong kabinet o kahit ano mang pwedeng paglagyan ng mga damit kaya hindi kona iyon tinanggal pa sa bag simula nang umalis ako kay Tita.

"Oh Sarah, aalis ka?" Tanong sakin ni Aleng Tanya ng dumaan ako sa karinderya niya.

"Ah, nakahanap po kasi ako bagong trabaho, kaso kailangan mag stay in eh. Pwede po bang kayo na muna ang bahala sa bahay? Feeling ko naman po kasi ay babalik pa ako diyan."

Nginitin muna ako ni Aleng Tanya bago sumagot.

"Aba syempre, kami na bahala diyan kaya huwag ka nang mag-alala. Intindihin mo nalang ang sarili mo at yang magiging trabaho mo. Mag-iingat ka haa."

'Napaka bait talaga nilang mag-asawa.  Ang swerte kona nagkaroon ako ng kapitbahay na ganyan klaseng tao.'

"Maraming salamat po talaga, balang araw magagantihan ko rin lahat ng kabutihang ginawa niyo sakin."

"Hahaha, ikaw talaga. Wala yun noh."

Matapos naming magpasalamatan sa isat-isa ay umalis narin ako patungo kay Kate.

Hindi ko pa masiydong alam ang eksaktong bahay niya, kaya napagdesisyonan niya kanina na sunduin nalang ako pagbaba ng lrt.

Kinakabahan and at the same time ay nae-excite ako, kasi nga diba, titira ako sa isang bahay with the person I like.

Wish ko lang na magawa ko nang maayos ang trabaho ko. Hihi.

Habang nasa tren ay hindi ko mapigilan ang atok kaya napa-idlip ako saglit.

Nagising nalang ako ng may pumasok na grupo ng mga kabataan at pawang maingay mag-usap.

Ang masaklap ay is, nawawala na yung isang bag na bitbit ko. Kaya syempre ginawa ko ang mga dapat gawin.

Nagtingin-tingin ako sa mga tao nagbabakasakaling matagpuan iyon o ang kumuha doon. Pero wala, kaya nagtanong na ako sa aking katabi.

"Nakita niyo po ba yung isang bag na nandito sa paa ko kanina?" Mahina lang ang pagkakatanong ko.

"Ay, kakasakay ko lang din po kasi eh kaya hindi ko alam na kayo ang nagmamay-ari non. May lalaki po kaninang nakatayo sa harap niyo at bago lumabas dinampot niya yung bag na iyon. Dalawang station na po ang nadaanan nung bumaba siya."

'So, nanakawan ang peg natin today.'

Wala namang pera sa loob non o kahit anong alahas, pero ang ilan sa mga damit ko ay naroroon.

Dismayado akong bumaba ng tren, pero nang makita kona siya ay nag automatiko ang mga ngiti ko.

"Kate!" Pagtawag ko sa kaniya.

"Ayan lang gamit mo?" Tinignan niya ang backpack na dala ko.

"Ah, may isa pa sana akong bag na dala kanina. Hmm, nanakaw sa tren eh. Kasalanan ko naman kasi nakatulog ako, hehe." Nag-iwas ako ng tingin at nagkamot ulo.

Sa totoo lang naiiyak na ako.

Wala akong pera, tapos nawalan pa ako ng ilang damit pang-suot. Ibigsabihin nito ay mas lalo ko nanamang titipirin ang sarili ko.

Kunwari, ang sinuot ko ngayong araw ay susuotin ko ulit bukas at sa susunod na araw kona lalabhan.

'Nakakahiya haha...'

"Sinaktan kaba?" bumakik ang atensyon ko Kate ng itanong niya iyon. Umiling naman ako bilang sagot.  "Then, it's okay. Gamit lang yon, we can always replace it, buy it. What's important is yourself, okay? As long as you're alright."

Lubos kong hindi inaasahan ang nga sinabi niya. Imagine galing pa mismo sa kaniya yon.

"Awe, ang sweet sweet mo naman... I feel so love. Pero wala akong pamalit o pambili sa mga nawala sakin, Kate."

"Kaya ka nga magtatrabaho eh."

"Aweee"

"Stop that."

Pagdating namin sa bahay niya, pinakita niya muna saakin ang magiging kwarto.

Mas malaki iyon kumpara sa bahay na tinitirhan ko sa blum, at higit sa lahat may malambot na kama and aircon. Ngayon nalang ulit ako makakatulog sa ganito.

"Do you know how to cook?" Tanong niya habang pumapanik kami sa kusina.

"Ah, medyo."

"Cook for me, then."

"Akala ko ba taga linis lang ako dito?"

"I'll pay you extra."

"Where's the ingredients?"

Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi ng mabilis akong pumayag. Aba, syempre basta pagdating sa pera. Itinuro naman niya saakin kung saan nakalagay ang mga kakailanganin ko.

Bago ako magsimula ay inalam ko muna kung may mga allergies ba siya sa pagkain or may ayaw lang siyang kainin? Parehong wala naman ang sagot niya.

So, nagluto lang ako ng simpleng adobong isa. Habang ginagawa ko naman iyon ay naka sandal siya sa refrigerator pawang naka krus ang mga braso at prenteng pinapanood ako.

Hirap tuloy magluto, para kasing ako yung niluluto niya dahil diyan sa mga titig niya eh.

"Ano, kate? Nahuhulg kana ba?" Sumulyap ako sa kaniya saglit matapos haluin ang niluluto at sumandok doon.

"Dream on."

Naglakad ako palapit sa kaniya dala ang kutsarang isinandok ko sa aking niluluto upang ipatikim sa kaniya.

"Here. Tell me what you think."

Hinipan ko muna uto bago isinubo sa bibig niya.

'Hinayaan naman niya ako at pinanatili oarin ang kaniyang postura.'

I watched how the spoon slide out of her mouth. The way she licked her lips after tasting the dish. And her eyes remained at me while I do all this.

'If only I could also have a taste of your lips..."

Eh?

Eh...

Eh?!!

No no no. That was not me. Hindi ko sinabi sa utak ko yon! Noo!! I'm a good person, I swear!!

"It taste edible. Not bad."

Tanginang compliment yan.

"Thanks."

Tinalikuran ko siya at bumalik sa pagluluto. Saka ko lang naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi.

Damn, Kate.

Damn her talaga.

"Umupo kana sa lamesa, ako na bahalang maghanda." Untag ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Sa gilid naman ng aking mga mata ay natanawan ko ang pag-alis niya.

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag.

Hindi ko akalain magiging ganto ang epekto saakin ng babae. Kung alam ko lang edi sana dati pa ako nag girlfriend. Hihi.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now