KATTY

28 1 0
                                    

So for todays ganap, magdedeliver kami ni John Rey sa isang mall.

Balita ko, mag popropose daw kasi yung manager ng isang sikat na brand sa kaniyang partner.

'Oh, to experience those things.'

While we're on our way, di ko mapigilang antukin sa sasakyan.

Inabot kasi ako ng hating-gabi kakalinis sa mga kalat ng mga kaibigan ni Kate last night.

They're all wasted as fuck.

Even Kate na nakatulog na sa sofa kaya dinalhan ko nalang ng kumot at unan para maging komportable naman siya.

Maaga ako umalis kanina, hindi pa sila gising lahat.

Nagluto din ako ng breakfast na para lang Kate.

Bakit ko sila paglulutuan? Binabayaran ba nila ako?

Anyways, natulog na muna ako saglit habang hindi pa naman kami nakakarating. And voila! Paggising ko, saktong nagpapark na si John Rey. Kaya bumaba na ako at binitbit ang ilang bouquet.

Habang naglalakad ay nakakita pa ako ng kahawig ni Kate.

Nakatayo siya sa tapat ng chatime at parang may inaantay, tapos madaming bitbit na pinamile.

'Miss kona si Kate.'

Im sure she's suffering from hangover right now huhu. Too bad I'm not by her side...

'Focus, Sarah. Nasa kalagitnaan ka ng pagtatrabaho ngayon, tama na muna yang landi.'

Pagdating sa customer namin, syempre todo ngiti kami. Para may tip narin na ibigay. Galante pa naman to.

"Thank you for trusting us, Sir. " Saad ni bibi John Rey nang matanggap na ang kabuohan ng bayad.

Nagpalitan sila ng ilang pasasalamat bago kami tuluyang lumisan na nga.

At sa hindi inaasahang pagkakataon...

"Sarah!" May narinig akong tumawag sa pangalan ko, kaya mabilis ko itong nilingon.

And it's my babyyy!

"Kate, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng tuluyan na siyang makalapit.

Pinasadahan ko siya ng tingin at narealize na siya nga pala talaga yung taong nakita ko kanina sa tapat ng chatime. Hindi lang kamukha, kasi siyang-siya.

'Pero bakit siya nandon?'

As soon as pumasok sa isip ko ang katanungan na iyon, saka naman sumulpot yung babaeng maganda at matangkad sa likod ni Kate. May bitbit na milktea galing chatime.

Now I know.

"Ahh, nagpasama si Vanessa magshopping." sagot ni Kate sa nauna kong tanong.

"Ahhh."

"Nagdeliver kayo no? Napansin kita kanina may dalang mga bulaklak kaya alam ko na, hindi narin muna kita tinawag at inantay kayo matapos don."

Sweet talaga ng bebe ko.

"This is a good timing. Why dont you come with us?" Sabat ni Vanessa sabay taas kilay.

"May trabaho pa ako." Sagot ko naman saka sinulyapan si John Rey na ngumiti lang din ng maliit.

"Come on, you're already working with Katty tapos may work ka pang iba? Hindi makontento?"

Aba't lechugas to ah.

Ano bang pake niya? Lakas makadada wala namang alam, literal na ganda lang yung nagdala sa kaniya. Psh.

"Kailangan na namin bumalik, Kate." Hindi ko pinansin yung babaita at nagpaalam nalang sa mahal ko.

Kaso ayaw parin magpapigil ang anteh. Nanggigil na ako.

"Katty, dont let her. You know what, i'll just pay you double than what you get in that fucking dumb job."

"You...!" Pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng masama sa kaniya kasi una sa lahat kaibigan siya ni Kate, pangalawa hindi niya deserve ang laway ko. "This is not a dumb job, Miss. This is a decent fucking job." Mas desente pa sa pagkatao mo.

"A-ah, ahem.. Uhm.." Kate tried to speak pero wala rin atang masabi kaya nagtikom nalang.

"Katty, we're still not done with shopping. Make her stay." Inutusan panga si Kate.

Tyaka bakit ba Katty ang tawag niya kay Kate? At bakit rin hinayaan ni Kate to?

The fuck???

"I'll cover you nalang kay ate, Sarah. You can stay here. Mamamatay na ata tong babaeng to kapag hindi ka sumama, so, go girl. Slay the shit out of her. " Hinarap ako ni John Rey saka sinabi iyon.

Plus, wala siyang pake kahit naririnig ni Vanessa to ngayon.

And soooo, sumama na ako kila Kate.

Guess what? Ako yung pinagbitbit ni Vanessa ng mga pinamili niya. May part na okay naman din sakin kasi at least hindi na ngayon si Kate ang nagbubuhat. Pero kasi girl, hindi niya ako alalay. Slave ako ni Kate, okay?!! Oops. That sounds not right.

After half an hour.

Bumigay yung body ko.

Hindi ako kalakasang babae, ni wala na nga akong katiting na muscles sa katawan. Tapos sandamakmak pa itong mga mabibigat na bagay ang pinadala niya saakin. Tyaka kanina oa kami naglalakad, puro lakad.

Buti nga naka survive pa ako ng ganito katagal, kasi knowing me, hindi ako nakakakain ng matino.

"Sarah, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kate habang nakaluhod ako ngayon sa sahig.

"What the hell? Stop acting weak and do your thing, sayang ka sa oras."

"Vanessa, can you please shut up?"

"What? Why are so worried about her ba? She's just your maid lang naman."

"She's not just a maid, okay? She's also my friend."

"And since when did you get interested in a lowlife like her?"

"Vanessa!"

Napatahimik si Vanessa ng tumaas na ang tono ni Kate.

Pagtingin ko naman sa kaniya ay nagbabaga ang mga mata niyang nakatutok saakin.

'Galit na galit yan?'

"Tama kana sa pagsho-shopping mo, Vanessa. I'll call cab to drive you home. Uuwi na kami. " Inalalayan akong tumayo ni Kate tapos kinuha niya lahat ng dala ko at binigay kay Vanessa.

"Fuck..."

"Wait here, Sarah. Upo ka muna, isasakay ko lang si Vanessa tapos babalikan kita uuwi na tayo." Saad ni Kate.

Naunang naglakad si Kate, si Vanessa naman ay huminto muna sa harap ko para mag-iwan ng mga katagang wala namang kwenta gaya ng pagkatao niya.

"I swear, I will ruin you. filthy bitch."

"Mama mo blue."

It looks like she didn't get what I said, kumunoot kasi noo niya bago ako iripan at sumunod narin sa bebeloves ko.

Aangasan niya pa ako haa.

Buti nga yan palang sinabi ko sa kaniya. Di ko ginamit yung pangmalakasan na ano, yung ganito.

'Nakita ko nanay mo tumalon sa tulay, niligtas ng crocodile, umuwing gutay-gutay."

Tapos

'Nakita ko mama mo sumakay sa bus, dalawa na pinto, sa bintana parin lumabas. '

Iiyak ka talaga, kingina mo.

Di nga makalaban sakin si Ash pagdating diyan ih.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now