HER PERSPECTIVE

40 1 0
                                    

"Bakit gising kapa? Hindi kaba makatulog?" Hindi siguro siya sanay sa matigas na lapag at walang aircon.

Pagdating ko kasi ay mulat parin ang kaniyang mga mata at pawang naka upo na, kahit iniwan ko siyang nak higa dito sa higaan kanina.

"I'm waiting for you."

"Aww, sweet mo naman. Ngayon na nandito na ako, you can sleep na. Magbibihis lang ako tapos hihiga narin ako."

"Dont you want to know what actually happened?"

Kumukuha ako ng damit pamalit nabg sumagot ako sa kaniya.

"Hmm, sasabihin mo ba?"

"Yes..."

I guess ready na siya mag kwento sakin.

"Sige makikinig ako, bihis lang ako."

Gaya nga ng sinabi ko ay after kong magbihis, tinabihan ko siya para makinig naman sa perspective niya.

"Wala na kami ni Ivan, matagal na. Simula ata nung nahuli kami ni ate na bumibili ng condom sa store niyo. Kinabukasan non hindi na niya ako kinausap." Hmm, Ivan pala name nun. "So hindi ko na din siya pinilit pa na kausapin ako, ayaw naman niya eh. He even started going out with some other girls."

'The audacity?!'

"Then few days later, there's this guy. We are not that close before, ni hindi ko nga napapansin ang presensya niya sa school. But he approached me, tinanong niya kung gusto ko daw ba mag mcdo sa lunch. Syempre hindi ako pumayag non, pero nung kumakain na ako mag-isa, I suddenly felt lonely. Kinabukasan ako na ang nag-aya sa kaniya. He's not that bad, plus, he's so smart."

"We are getting along with each other na, but then biglang umepal nanaman tong si Ivan. Sinabi niyang I'm cheating on him. Pinagtawanan ako sa school dahil sa pinagsasabi niya. I was called a 'cheater' 'slut' and I dont know... He accused me, pero siya nga itong bigla nalang hindi ako kakausapin at sasama sa kung sino-sinong mga babar. " Huyy, tumataas blood pressure ko.

"I was so embarrassed, natatakot din ako na umabot pa ulit to kila Mommy and ate. So I begged him. Sabi niya titigil daw siya, pero may kundisyon. I have no choice, ayokong ma-disappoint nanaman sila kaya pumayag ako. He asked me to go out with him once again and stop hangging out with that guy. Ayoko na sana bumalik sa kaniya, pero ito ang kundisyon niya eh. So sinabi ko nalang na gawin naming lowkey sa labas ng school."

"Grounded pa ako kaya sinusundo ako ni mommy tuwing uwian, siya rin ang naghahatid. Pero si Ivan, hindi siya nakinig saakin. Pagdating na pagdating ng car ni mom sa harap ng school, bigla niya akong hinalikan. Sa sobrang gulat ko hindi kagad ako nakapag react. Huli ko nalang namalayan na pagalit na akong hinahatak ni ate palayo kay Ivan. Sumabay pala siya kay Mommy kasi nasiraan ang kotse niya and hindi niya magamit kasi nasa paayusan."

"I was so scared, pero gustong-gusto ko mag explain. Ihh si ate, after namin makarating sa bahay binungangaan niya na kagad ako. Sa sobrang dami niyang sinasabi wala na akong chance sumabat. Ayaw niya makinig saakin. Sa sobrang inis ko umalis ako ng bahay."

"Naiinis ko sa sarili ko kasi na-disappoint ko nanaman sila, naiinis din ako kay ate kasi ayun nga. Ayaw niya akong pakinggan."

Sabi kona eh, may dahilan talaga si Kiana kung bakit ganon. Pareho silang may mali ni Kate kaya dapat nag-uusap sila, kaso itong ate niya nga ay... Hays.

"Kausapin mo na ate mo, kung ayaw niya parin makinig sayo pwes ako ang magsasalita. Tingnan ko lang kung uubra siya sakin."

"BWAHAHHAA, ikaw lang talaga gumaganyan kay ate. Nakakatawa din siya kapag hindi ka niya napipigilan eh. Para kang isang madulas na uod, hindi ka niya mapisa-pisa kasi nga dumudulas ka lang." Tumawa nanaman siya.

'Angas ng insulto ah, parang joke'

"Kinginamo talaga."

"Mahirap talaga paamuhin yun si ate, perfectionist masyado eh. Masasaktan ka lang sa kaniya."

"Suus, sabi mo nga para akong isang uod na madulas, balang araw dudulas din sakin yang ate mo."

"Kadiri hmp! Bantot niyo talagang dalawa BWAHAHHAAHHA" sinabayan ko ang pagtawa niya.

"Anyway, iharap mo din saakin yang si Ivan. Tuturuan ko siya ng leksyon. Masiyado siyang pabebe para sa isang lalaki."

"Huyy, ang gentledog mo naman."

"Namo, bahala ka nga diyan. Matutulog na ako." Joke lang naman to, pero kung hindi niya ako pipigilan ay matutulog talaga ako.

"Wait, may isa pa nga akong kwento eh." Ayooonn, yan ang gusto ko. Kaya umayos ulit ako ng upo. "Yung about naman don sa dalawang lalaki."

"Oh ano naganap?"

"They tried to harass me, kaya ayon. Nabuhos ko inis ko sa kanilang dalawa. Baka Blackbelt sa taekwondo to."

"Marunong ka naman pala sa martial arts, bakit hindi mo sinubukan kay Ivan yan?" Medyo pataas tono kong tanong.

"I am against school violence." Gumawa pa siya ng exis na gamit ang dalawang braso niya. "Gusto ko nga sanang abangan sa labas ng school yang si Ivan eh, para doon kami magtuos. Kaso sinusundo nga ako nila mommy."

"Kawawa ka naman."

"Che, okay na. Yun na mga kwento ko. Pwede kana matulog." Humiga siya ng patalikod saakin.

"Bilis mag bago ng mood, parang hindi ka nag open up sakin ah."

"Shut up, Sarah."

"BWAHAHAHAHHAHA" Pareho sila ni Kate ang sarap asarin.

Natutuwa ako kasi parang nagiging close na kami ni Kiana. Hindi rin naman masamang may isang tao kang pwedeng mapag-rant-an. Para hindi naiipon diyan sa loob mo.

Or, kung hindi mo talaga kayang mag tiwala sa isang tao. Find ways, you can rant on twitter or to your books, and drawings. Just dont hurt yourself.

Sinasaktan ka nga ng ibang tao, pati ba naman ikaw gagawin din yun sa sarili mo?

Dahil sa pagod ay hindi rin nag tagal at unti-unti na nga akong kinakain ng antok. Pero bago ko pa man matuluyang isara ang aking mga mata, narinig ko ang huling mga salita ni Kiana.

"Sasaktan ka lang ni ate, at magiging okay lang sayo yon. Kaya ako nalang ang magpoprotekta sayo."

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now