COLLAR GRIP

53 2 0
                                    

Saka ko lang natanawan ng maayos ang mukha nitong hila ng hila saakin nang nakasakay na ang lahat ng tao, na kani-kanina lang ay tinutulak ko papasok ng tren.

"Kate!" Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagngiti.

Ramdam ko ang labis na pagka excite, to the point na nakalimutan ko ng hindi nga pala kami magkakilla.

'Pero tinawag kona siya sa first name niya, huhu'

"Who are you? Bakit kilala mo ako? And bakit kanina mo pa ako sinusundan?" Kung ako ay natutuwa sa sitwasyon namin, siya naman ay magkasalubong ang kilay at mahigpit ang hawak sa kwelyo ko.

Oo, sa kwelyo. Matapos niya kasi akong hilain mula sa likod, hinarap naman niya ako sa kaniya at saka na hinawakan ang kwelyo ko.

"Chill chill, mabuti akong tao. P-pakinggan mo muna kasi ako." Dipensa ko sa aking sarili.

"Kapag hindi ko nagustuhan yang mga sasabihin mo ay ako mismo ang magdadala sayo sa presinto."

"Oo na..." Grabe naman, presinto kagad? Sa ganda kong ito pinagmukha akong masamang tao? Haa. "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako to, yung magpapaibig sayo--" Hindi ko natuloy ang banat ko, mas lalo niya kasing hinigpitan yung pagkakahawak sakin.

Akmang maglalakad na siya at kakaladkarin ako ng pigilan ko ulit siya with my full power, kimii.

"Wait! Joke lang ehh. Ito na talaga, maayos na'to. Pramiss huhu" pagmamakaawa ko. "Ako nga kasi yung nagtitinda don sa 7/11 ng blum, hindi mo ba ako namumukhaan?" She looked at me from head to toes without any emotion.

'Wala bang mga guard tong lrt? Bakit parang walang nakakapansin na sinasakal na ako dito, hindi man lang nila ako tulungan huhu.'

'Pero okay lang, si Kate naman sumasakal eh. Choke me~'

Joke lang!

"Bumili ka kasi sa store, kaso tulog ako. Wala naman sanang kaso kasi nag-iwan ka ng bayad, ang naging problema lang ay masiyadong malaki ang halagang binayad mo kumpara sa mga binili mo, tapos wala ka pang sukli." Nagpatuloy nalang ako sa pagsasalita, tutal mukhang wala naman siyang balak na ibuka yang bibig niya.

"Kaya kita sinusundan ngayon ay para mabalik tong sukli mo. Kaso, nabawasan ko. Bumili kasi ako ng card dito."

"Kasalanan mo rin naman yon, dito kapa sa lrt kasi ehh." kinuha ko mula sa maliit na bag ko ang pera niya saka inabot.

Tiningnan naman niya iyon ng masama at hindi kagad kinuha.

"How did you know me?" sussykolawd, akala ko naliko kona ng topic.

Napaiwas ako ng tingin bago pabulong na sumagot.

"N-narinig ko lang habang magkakatalo kayo nung kapatid mo."

"And how did you know na magkapatid kami?" Hoo, pinagpapawisan na ako ng malala.

Malalaman naba niya ang undercover mission ko? Ang mission ko na manakaw ang puso niya? Eyy!

"Narinig ko rin!" Ayan napalakas na ang tono ng boses ko.

"Anong nangyayari diyan, kayong dalawang babae?" Sabay kaming napalingon ni Kate kay Manong guard na tinawag kami gamit ang megaphone niya.

"N-nag-uusap lang po!" Ako na ang sumagot.

"Lets go." Hindi na hinintay pa ni Kate ang sasabihin ni manong guard at hinila na nga ako pababa ng lrt.

But this time sa braso na, kaya habang naglalakad ay inaayos ko din ang damit kong nagusot.

Maya-maya pa ay malay kona kung saan niya ako dinala. Hindi naman kasi nga ako magaling sa direksyon.

"Sino ka?" Iyon kaagad ang tinanong niya ng makahinto na kami sa isang tabi.

'Late na late na ako sa trabaho ko, hindi pa ako makapag sabi sakanila John Rey kasi wala akong load.'

"Sitti Sarah Pangcalan, your future lover--"

"Ayaw na kita ulit makita, kung pupwede lang ay umalis kana lang doon sa 7/11. Lumipat ka sa ibang lugar kung saan hindi kita matatanawan. And dont ever say my name. Again."

Sa totoo lang, nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Ngi, parang ewan ka."

"I'm serious, ang pinaka ayaw ko sa mga tao ay ang katulad mo."

"Wow judger, di mo panga ako kilala. Malay mo sakin kalang pala sasaya."

"Ew."

Oh.

Uhm.

"Maka 'ew' wagas, bakit ba ang init ng dugo mo saakin? Maganda naman ako ah."

"Umalis kana."

Sungit-sungit talaga! Magkapatid nga sila ni Kiana. Hmp!

"Ayaw ko. "

"Ano bang gusto mo? Money? Oh ayan, sayo na yan. Ibili mo ng card sa lrt, pangkain mo narin. Umalis ka lang dito."

"Ayaw ko ngaaa"

"Ano ba?! Ipapapresinto na talaga kita."

"Ang sungit mo naman!"

"Ayaw mo umalis eh! "

"Hindi nga ako marunong bumalik, paano ako aalis?!" Bakit ba kami nag sisigawan? "Tyaka nagugutom na ako! Feeling ko onti nalang ikaw na yung kakainin ko!"

'Humanda kana, kate. Kasi hindi kita tatantanan. Eyy Mike Enriquez yan??'

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now