CRIES

23 1 0
                                    

I was in total shock to the place we are standing right now.

Mabilis na pumipintig ang puso ko, mariin din ang pagkakakuyom ko sa aking mga kamay upang mapigilan ang nagkukumawalang mga emosyon.

Samu't-saring mga katanungan ang patuloy na tumatakbo sa utak ko pero mas pinili kong manahimik at hintayin ang paliwanag ni Maxivon.

"Hi, Ashantie. Guess who's with me?" Lumuhod si Maxivon sa damuhan at nilapag don ang bulaklak saka ako tinapunan ng tingin. "It's Sarah. Coincidentally, siya ang napagbilhan ko ng flowers." Hinawakan ni Maxivon ang palapulsuhan ko upang ayain maupo.

Mabilis namang bumigay ang tuhod ko.

Nakaluhod ako at nakayuko.

Natatakot ako sa mga sasabihin ni Maxivon, higit pa ay nasasaktan akong makita siya.

Di ko siya kayang tingnan sa mga mata, dahil bakas na bakas rito ang matinding pangungulila at pait.

Mahal ni Maxivon si Ashantie.

Kaya alam ko kung gaano kabigat ang lahat ng to para sa kaniya.

"It's supposed to be Ashryfah, the one laying below this ground." Nanlaki ang mga mata ko pero pinigilan ko parin ang sarili na tumingin sa kaniya. "She's sick and in need of heart donor. You probably didn't know about her being sick because she hid it pretty well. Nalaman na nga lang namin nung sinugod na siya sa hospital, don palang muntik na niyang hindi kayanin. Critical na kasi talaga."

Hindi ko alam

Dahil sa Family crisis na nangyayari din saakin non, hindi kona nakakausap si Ash, hindi kona siya nakakamusta.

Kaya hindi ko man lang alam na mawawalan na pala ako ng pinaka mahalagang kaibigan.

My heart tightens to the thought of losing her. I can't afford it.

"Wha-... What happened?" I ask.

"We seek for a perfect donor, me, their parents, Yvo, and Ashantie. But it was not easy. Muntik na nga kaming sumuko, lalo na si Ashryfah. It hurts everytime na nakikita naming siyang dumadaing at nahihirapan. But all we can do is watch."

I wasn't there

That time she's enduring all those pain and losing hope.

I'm losing my family.

"We still tried. Tinago namin sa kaniya na wala kaming makalap na heart donor at dumadayo na sa isip namin ang katagang 'What if kami nalang'." I slowly look at him.

Only to see that he is watching the sky.

"Its funny how I can say that I'm willing to offer my heart but still dont have the courage. And her Yvo's too precious for everyone as well, muntik na nga siya ikulong ng kaniyng pamilya sa isang kwarto at talian ang buong katawan para lang mapigilan. We can understand that naman, sino bang tao hahayaan ang mahal nila sa buhay na mawala diba?"

He paused and clears his throat.

"So, that's why Ashantie hides her plan. Magkapatid nga talaga sila. Tinago niya ang planong pag dodonate ng kniyang puso kaya wala kaming kamuwang-muwang na nagsasaya nung ibalita samin ng doctor na may donor na si Ashryfah."

A sob come out of my mouth causing Maxivon to look at me.

"She became her donor, Sarah."

It hurts.

Tears rolled down at Maxivon's face.

"I'm sorry..." Di ko alam kung bakit ako nag sorry.

Alin don

Dahil ba sa wala ako nung mga panahon na yon at hindi ko man lang sila nadamayan sa mga hinanakit ng pangyayari?

O dahil ba sa pinagpalit ni Ashantie ang buhay niya para kay Ash.

"It's her decision, masaya niyang ginawa yon dahil alam niyang mapapabuti non ang kalagayan ni Ashryfah."

"But, you love her."

"I love them both, even you. Mahalaga kayo sakin. Kahit sino ang mawala ay masakit. Sobrang sakit."

"Ate Ashantie..." I cried calling out her name.

Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ni Maxivon ng kaniyang mga bisig saakin.

And we both cried in each others arm.

"Ash's getting better and once she fully recovered aalis sila papuntang Paris, I think in a month or two. Doon nila napagdesisyonang ipagpatuloy ang buhay." bumalik na kami sa kotse niya.

Madilim na ang kalangitan at ramdam ko ang pamamaga ng nga mata ko.

"Sobrang sakit din nito para kay Ash..." Mahinang sambit ko.

"Hmm, hinanap niya ang ate niya after niyang gumising. Then, nung nalaman niya na ganon ang nangyari ay nagwala siya."

Di na ako nakasagot non.

Di ko maimagine ang pain na binibitbit nila ngayon. Kahit di nila sabihin ay halata sa panlabas na anyo.

"Gabi na, saan kita ihahatid?" Tanong niya at pinaandar ang makina.

Saka ko lang naalala si Kate.

Hindi nga pala ako nakapag sabi sa kaniya tungkol kay Maxivon at itong pag-alis namin.

Kahit na gusto ko mang mag explain sa kaniya ay hindi naman ito ang tamang oras, maga ang mata ko at masakit din ang puso. Baka nga di pa ako nakakapag salita sa kaniya ay umiyak na ako.

"Pwede bang... Makitulog muna ako... Ayaw kong bumalik ng ganito." nagdadalawang isip kong sabi.

"Sure, Sarah... May damit pa kayo ni Ashryfah sakin." Yun yung mga damit na iniiwan namin tuwing may sleepover.

"Ahh, pwede rin bang pahiram ako ng cellphone? Di kasi pala ako nakapag paalam sa amo ko."

"Kamusta ka na nga rin pala? Bakit bigla kang nawala? " Tanong niya sabay abot ng cellphone saakin.

"Uhh..." Matapos ko namang makatipa ng mensahe para kay Kate at habang nasa byahe ay ako naman ang nagkwento tungkol sa mga kaganapan ng buhay ko ever since ng maglaho ako.

Maxivon got sad about it and wanted to cry kaya tumabi muna kami isang parking area para umiyak nanaman.

I told him about my mom and dad leaving me, pero ang tungkol kay Kate ang hindi. Saka nalang.

So, bumili kami ng alak sa isang convenience store at nilagok iyon pagdating sa bahay niya.

We got wasted.

Di parin matigil si Maxivon sa paghikbi.

Di ko rin naman magawang i-comfort siya dahil sa nangangailangan rin ako non ngayon.

Gustong-gusto ko na makita si Ash.

Miss na miss kona siya.

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniyan ay manghingi ng paumanhin.

Nangangamba rin ako kay Kate, simula kasi kanina nung minesage ko siya ay hindi pa siya nag rereply. Di ko lang alam kung babasahin niya ba iyon since number ni Maxivon ang ginamit ko, hindi kilalang numero para sa kaniya.

Kahit na ganto ay may konting part parin saakin na natutuwang makita si Maxivon.

Miss kona yung dating kami nila Ash at Maxi.

Wala pang masiyadong problema, pa overnight-overnight lang tas movie marathon.

Sana magawa pa namin ulit iyon, hindi man ngayon but at least in the future.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now