I'M SORRY

28 2 0
                                    

Everything is going well the next few weeks.

Medyo nabawasan narin ang pagkamaldita sakin ni Kate ng mga 14%, not much but still I improved.

Unti-unti ko narin nalalagyan yung bote ng alak na hiningi ko sa kaniya.

Ngayon ay panibagong araw nanaman.

Wala akong pasok kaya inutusan ako ni Kate na mag grocery, mag-isa. Kasi her friends from Australia just got back. They're filipino, pero puro sa mga ibang bansa na nagsitambay. Mageget-together daw sila.

I was peacefully doing the job (miss kona siya) when I feel like someone is wathing me

I dunno. Just my gut.

But when I looked around konti lang naman ang mga tao sa paligid, at busy din sila sa pag gogrocery.

So I just shrugged it off.

Pero makalipas nanaman ang ilang minuto, nakaramdam nanaman ulit ako na parang may nakatingin saakin.

Kinakabahan na ako. Lalo na't nung mapadaan ako sa beverages area, nagreflect sa mga refrigerator ang lugar and i saw a cart at may nagtutulak rin doon na tagong-tago ang buong pagkatao.

So I thought of a risky plan.

Pumunta ako sa isang corner ng grocery store na ito, may dalawang staff lang roon na nag-aayos ng mga binibenta.

Mabilis akong lumiko at agad rin huminto. Hinintay ko doon yung tao kung talaga bang sumusunod siya saakin.

And I was right.

Patakbo siyang lumuko kung nasan ako, bahagya pa nga siyang nagulat ng makitang nakaabang lang ako roon. Akala niya siguro ay nawala na ako.

Pero kung nagulat siya, bhiee mas nagulat ako.

Ni-hindi ko na nga magawang makapagsalita. Nakatitig nalang ako sa pamilyar niyang mga mata.

"Sarah, anak..." Pagtawag niya saakin.

Si mama.

Yung sumusunod pala saakin ay ang sarili kong ina. Naka hijab siya at takip ang mukha.

Mabilis ang tibok ng dibdib ko ngayon, ngunit iba ito sa kung paano tumibok ang puso ko towards Kate haa.

"A-anong..." Tumikhim muna ako bago ituloy ang sasabihin. "Anong ginagawa mo dito?" Saan ka nagpunta? Bakit mo ako iniwan? Nasan si papa? Uuwi naba tayo? Mama...

Gusto kong itanong sa kaniya lahat ng iyon, pero pati pagbukas ng bibig ay nahihirapan ako. Wala akong lakas ng loob.

"Gusto sana kitang maka-usap, pwede ba?" Tumango naman ako bilang sagot.

Hindi kona natapos ang pag gogrocery at wala sa sariling sumama sa kaniya upang makapag usap.

Nasa isang cafe kami ngayon, inalis niya ang takip sa kaniyang mukha at ngumiti saakin.

'Damn, how I miss this woman. '

Gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon, gusto kong hawakan yung kamay niya, gusto ko ng umuwi kasama siya. Miss na miss kona ang mama ko.

"May gusto kabang inumin or kainin?" Umiling naman ako.

Wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga lang sa bisig ng aking ina.

"Sure kaba? Bakit parang hindi kana kumakain, Sarah? Sobrang payat mo na. Namumutla narin yang balat mo, ayos ka paba?" Nagaalala niyang tanong.

"Hindi talaga ako nakakakain." Nahulog ang mga mata ko sa aking kamay na nasa ilalim ng lamesa at nilalaro.

"Bakit?"

"Seriously, Ma? Tinatanong mo yan? Malamang kasi iniwan niyo ako. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay, ni-hindi na nga ako nag-aaral. Wala na ako halos matirhan, lahat wala na. Pati kayo." Nangilid ang mga luha saakin mata.

Para akong isang batang puslit na nagsusumbong sa kaniyang magulang.

"I'm sorry, I'm really sorry, Sarah... Pero hindi ko talaga mahal ang papa mo, pinilit lang kami ng mga magulang namin na magpakasal. May mahal na ako ngayon, anak."

"Ma, uwi na tayo..." Sa kabila ng pait at sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi parin maipagkakaila ang pangungulila ko sa kaniya. "Pagod na pagod na ako, Ma. Miss na miss ko narin kayo."

"Sarah, hindi na pwede..." Namumula na ang mga mata niya.

"B-bakit?"

"Anak, ikakasal na ulit ako. But this time sa taong mahal ko na talaga. We're also having a baby, aalis na kami ng bansa matapos naming ikasal dito. Balita ko ang papa mo rin ay may kinakasama na, kaya hindi na pwede, Sarah. Hindi na tayo mabubuo pang muli."

Halos madurog ang puso ko sa mga narinig. Tila ba naghudyat rin iyon para tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.

"H-haa? Aalis ka? Iiwan mo nanaman ako? Ma, bakit? Anak mo parin naman ako..."

"I'm sorry, baby..."

"Bubuo ka ng bagong pamilya, pero paano naman ako?"

"I'm so sorry..."

"Ma, anak mo din ako... Hindi kopa kaya mag-isa, ma..." nangangaral na ang aking boses dala ng pag-iyak.

"Sorry..."

"Ang sakit mo naman, ang sakit-sakit niyo. Pano nalang ako? Pinagtabuyan niyo na ako, itinapon nalang basta-basta."

"Anak..."

"Anak? Tinatawag mo akong anak pero yung responsibilidad niyo bilang magulang hindi niyo magampanan! Ang seselfish niyo! Sana pinatay niyo nalang ako!"

Bahagyang lumakas ang tono ko na nakakuha sa mga atensyon ng tao at halos magpatalon kay mama sa upuan.

Hindi na muli pang nakapagsalita si mama at humagulgol nalang.

"Huwag kang umiyak diyan, hindi ba sabi mo ay magkakaanak na kayo? Nakakasama sa bata ang pag-iyak mo..." Naninikip ng sobra ang aking puso habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Mukhang wala ring balak ang mga luha kong tumigil.

Sobrang sakit.

Para akong tinatangina ng buhay.

Tinalikuran na ako ng mga magulang ko. Partida satili ko pang kadugo yan, yung mismong bumuo sakin.

Tangina.

"Ipagdarasal kita kay Allah palagi, Sarah. Nawa ay gabayan ka niya sa lahat ng oras, magpakatatag ka, anak ko. Patawarin mo kami, patawad kung gusto kong sumaya... Im really sorry, baby."

"Umalis kana... Please umalis kana."

Pumikit ako habang lumuluha parin. Hindi ko kayang panoorin siyang umalis. Kaya habang nakapikit pa ako, habang nakokontrol ko pa ang sarili kong huwag siyang pigilan umalis. She must go.

"I'm sorry." Ang huling salita na narinig ko bago pa maramdaman ang kaniyang tuluyang paglisan.

At sa pagbukas ng aking mga mata, tanging pagiyak nalang ang nagawa.

"Mama... No, dont leave me... No please... Mama... Mama!..." Paulit-ulit na iyon lamang ang lumalabas saaking bibig.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa, pero wala na talaga akong lakas para sagutin pa iyon.

Fall For Me, Kate.Where stories live. Discover now