Epilogue

17 0 0
                                    

Sparkling eyes were observed as she narrates and tells us how she was deeply in love with this man he so called Blaze.

Seriously? Loving a man you have just chatted for a while? Is this some sort of... love in this role play world?

I look at the man beside him, he's sadly seeing Corine showing affection. Napabuga ito ng marahas na hangin at saka pasimpleng pinalis ang mga luhang kanina pa sunud-sunod na namamalisbis sa kaniyang pisngi. Oreo was sad with what he was witnessing but gaslights Corine whenever she looks towards him.

"Sobrang green flag niya talaga!" aniya sa kinikilig na tinig. Hindi ko na alam kung pang ilang beses na namin itong narinig ni Oreo.

Mataman lamang akong nakikinig sa kaniyang kuwento.

Aniya ay parang nagsakripisiyo si Blaze—ng kaniyang pag-aaral— para sa kaniya. Nagpasailalim ito sa quarantine nang dalawang linggo upang makasama lamang si Corine. Ang malala pa ay tuwang-tuwa na nakipagsapalaran si Blaze sa kanilang lugar kahit wala naman itong kakilala roon maliban sa kanila ni Oreo.

"Ang sakit lamang sa part na, nauna niya palang ginusto ang best friend kong si Oreo." Lumingon ito sa kaniyang katabi na kaagad din namang nagpunas sa kaniyang pisngi. "Are you crying?"

"Nah, I'm just happy for you," Oreo once again gaslighted Corine. Hindi na napigilan ng lalaki ang kaniyang paghagulgol.

"Aww," Corine said in appreciation before hugging her best friend.

Napakaaliwalas nilang tignan subalit napakasakit din. I suddenly remembered Kendra, she was in the same shoes with Corine before while I was in Oreo's.

"Alam mo 'yon? Iniisip ko palagi noon, ano kaya ang feeling ng mga babaeng bida sa mga libro? Ano kaya ang feeling ng natatrato nang tama?" she continues.

Mataman akong nakikinig sa kaniyang sinasabi, minamanmanan ang bawat padyak ng kaniyang mga paa sa sahig kapag kinikilig ito. Ang bawat pagkiskis ng kaniyang paa kapag nasa parte siya ng aniya ay masalimuot na buhay niya— ang pananakit at pagsasawalang bahala sa kaniya ng kaniyang pamilya.

"Naalala mo ba noon, Oreo? Pinagtitimpla niya ako ng kape tuwing umaga. Paggising ko rin, may almusal na—" she paused when something came into her mind. "S-sandali, nasaan pala ang anak ko? Nasa kaniya ba, Oreo?"

Oreo on the otherhand went on confusion.

"H-Ha? Oo, nasa kaniya. Nasa m-mall yata s-sila." Naguguluhan man si Oreo sa mga sinasabi ni Corine ay minamabuti niyang magsinungaling. He was using white lies to comfort Corine. It was a pain to see him forcing himself to lie but he had no choice.

"Masaya siguro 'yong mga 'yon ano? Makapagtampo nga, hindi nila ako isinama." She crossed her arms infront of her as she continued narrating her story.

Aniya'y hindi raw siya mase-settle for less. Meaning, kung hindi lang din naman si Blaze ay huwag na lamang. Blaze made the bar too high. Kahit simpleng pagpampag ni Blaze sa basang tsinelas ni Corine ay kinikilig ito. Maging ang simpleng pagshe-share nila ng plastic straw.

"Nakakainis din na sumama si Ann sa kuwento, akalain mo, nakaya niyang landiin ang tatlo nang sabay-sabay? Hindi ba, Oreo?" She looked at Oreo, asking for validation. The latter on the otherhand just nodded. "Inis na inis ako noon sa kaniya. Kaibigan din namin iyon tapos gaganonin kami? Kainis. Sana pala ipinalo ko na lang sa kaniya 'yong sira naming screen door." She laughed. "Tanginang Hanah din kasi sinira."

I smiled at them. Seeing Corinecs happy face as she continued to tell us the story while Oreo creasing his forehead as he listened is a sign. I've done many tests to Corine and it was really confirmed.

"Pero okay lang, noong nagkasiraan na kasi ang lahat, mas naging close sina Oreo at Kent. Crush mo 'yon 'di ba?" Corine asked Oreo while pointing at him. Oreo on the otherhand smiled and just nodded. "Tama ako! Guwapong-guwapo ka roon eh. Tapos sina Hanah at Gio naman, ewan hindi naman nagshe-share si Hanah. Tapos kami naman ni Blaze, wala, green flag pa rin talaga siya. Si Sam lang naman humalik kay Ann e tapos ang pangit pa ni Ann.

Hindi ako magaling na doctor. Ang totoo, hindi rin ako doctor ngunit kahit na sino ay talagang sasang ayon sa aling obserbasyon. Hindi ako maaaring magkamali.

"Corine, tama na," pigil ni Oreo sa kaibigan nito subalit inilagay lamang ni Corine ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi, sinesenyasan si Oreo na manahimik.

"Pagkatapos noon, nag-usap-usap kami tapos naayos namin ang kaniya-kaniya naming relasyon maliban kina Oreo. Ma-pride kasi 'tong best friend ko, ang pangit din naman. Kaso lang..." naging malungkot ang itsura nito, "graduation nila Blaze. Kailangan niyang umuwi. Sabi niya, babalikan niya ako kaso walong taon akong naghintay. Saktong buntis pa ako noon sa anak ko. Noong una, hindi ko sinabi kay Mama pero nang kaulanan sinabi rin namin. Wala ba akong karapatang sumaya sa mundo?"

Napahagulgol na lamang si Oreo sa narinig. I handed him a tissue which he gladly took it.

The world is really unfair and witnessing this sequence made it even more unfair.

"C-Corine," Oreo pleaded.

"Okay, hindi na ako magkukuwento. Hindi ko na sasabihing muntikan na akong mamatay."

"Corine, Blaze is not true!" Oreo finally stated! He finally had the courage to hurt his friend. He no longer gaslighted her.

"Anong sinasabi mo, Oreo? Kahit tignan mo pa itong conversation namin sa Messenger." Corine handed her phone to Oreo.

Hinanap naman ni Oreo ang pangalan ni Blaze roon subalit CONTACT NOT FOUND lamang ang nagpakita.

"See?"

"Na-delete ko yata? Nag-delete account siya? Hindi ko alam! Sandali, iyong a-anak ko, baka itinakas niya." Corine started to be histerical and I signaled Oreo to hold her.

Akala ko ay maaari na siyang kausapin tungkol sa mga nangyari kunno sa kaniya pero nagkamali ako. Mukhang mas napalala pa yata.

Nagpatuloy siya sa ganoong sitwasyon. Nahahanap at nagsusumigaw. Her voice filled the room. Masakit sa pandinig dahil sa sobrang nipis niyon. Hindi namin alam ang proper treatment sa kaniya subalit alam namin ang gagawin.

Hinayaan lamang namin siyang magwala ngunit inaalalayan namin hanggang sa mapagod ito at makatulog.

Oreo cried as he settled himself in a single-sitter sofa. I know he knew what was happening to his friend. I also know he was blaming himself. He introduced that world to her. He introduced fiction to Corine and now, she can't live outside it. She found too much comfort that it took her sanity.

Masyado siyang nalulong sa pagtakas ng kaniyang masalimuot na reyalidad na ngayon ay mas sarili na itong mundo. Masaklap, masakit ngunit iyon ang katotohanan.

CORINE IS SUFFERING FROM A MENTAL DISORDER OREO AND I CAN'T NAME YET.

THE END

Security In His Arms (Cogona Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz