25

47 7 0
                                    

I sipped at my favorite hot chocolate while I settled myself near the window. Ninanamnam ang tamis ng chocolate habang nakatingin sa labas, sa garden to be exact.

I was enjoying the view when a knock interrupted me.

"Ma," tawag sa akin ni Kane mula sa labas ng silid. Months had passed after the confrontation.

I sipped the last drop of my chocolate. I didn't respond to him. Hanggang sa bahagya nitong binuksan ang pinto. Nakakakalmang ngiti agad ang bumungad sa akin. I automatically smiled back.

"Why?" malambing na tanong ko rito.

Hindi ito sumagot sa akin. Imbis ay napatakbo siya at agad yumakap. Tumahol naman si Lucius na nasa bisig niya. We both laughed at him.

"Ma, will Tito Blaze stay here from now on?" diretsahan pero maingat niyang tanong. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. Alam kong muling masasaktan ang lalaki kapag narinig niya kung paano siya i-address ni Kane. Lagi itong nasasaktan ni Kane mula nang magpasyang bumawi ito pero ngingiti lang siya, bagay na natutunan daw niya kay Oreo.

"Kung 'yon ang gusto mo." Muli kong ibinalik ang ngiti sa labi ko. Kane pouted, mas siniksik pa nito ang sarili sa akin.

"Paano kung saktan ka ulit, Ma?" may pag-aalangan sa boses niya. Pinitik ko ang tungki ng ilong nito. "Ibig kong sabihin, okay lang naman sa akin na maging parte siya ng buhay natin pero kung magawa ka niya ulit lokohin, Ma?"

I admire Kane because despite of his early age, mulat ito. Napahinga ako nang malalim, hindi alam kung ano ang sasabihin. Sa mga nagdaang taon, nabababawan ako sa sarili ko. Habang binabalikan ko ang mga pinagsamahan namin ay parang ang babaw ng mga dahilan ng galit ko sa kaniya. Pinapangunahan ko rin ang lahat na parang alam ko ang mga nangyayari. Hindi ko rin inaalam ang katotohanan sa pagitan ng dalawang bersiyon.

Naging pala-desisyon ako. Hindi ko tinitignan kung ano ang maaaring dulot sa sarili ko at ng mga malalit sa akin ang mga desisyon ko, basta-basta na lang akong gumagawa ng aksiyon.

"Sabi ni Ninong, kaya raw kayo nagkilala ay dahil sa naghahanap daw siya ng taong poprotekta sa iyo. Feeling niya raw kasi ay kailangan mo iyon dahil madalas kang napapagalitan ni Lola at saka hindi rin daw siya madalas na nasa tabi mo para protektahan ka." Nababakas ko ang awa ng anak ko sa akin. I tried to open my mouth to answer him pero bumubukas lang iyon, walang lumalabas na mga salita.

"Ma, kung hindi man po niya kayang protektahan ka, ako na lang po ang gagawa. Just wait a few years lang po until I'm a grown up man na," sambit nito sa akin. Muling sumilay ang ngiti sa labi nito at agad ko namang pinisil ang pisngi niya. I hugged him tighter that caused Lucius to bark at us again. Once, again we laughed.

***

I was cooking our lunch when a warmth of a hug wrapped me. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang masinghot ang mabango at pamilyar na amoy nito. He rested his chin in my shoulder.

Damn, I missed him.

"Ew. Gross," panunutil sa amin ni Kane. Mabilis dumako ang tingin ko sa kaniya. He settled himself in a chair. Sakto namang tapos na ako sa pagluluto kaya inayos ko na ang mesa namin. "Kailan po kayo titigil sa kagaganyan?"

Blaze chuckled. He sat beside his son.

"Never kaming titigil," Blaze answered. Agad namang sumama ang timpla ni Kane. "What? I love your Mom!"

By merely looking at how Blaze treat my son this past few months, mas lalo akong nahuhulog muli hanggang sa pinapangarap ko ulit na makasama na siya habang buhay.

"Talaga? Kung hindi nga dahil sa akin ay wala ka rito," kane pouted. Ako naman ang mahinang natawa nang malaglag ang panga ni Blaze sa anak. "How about me, Pa? Do you love me?"

Security In His Arms (Cogona Series #1)Where stories live. Discover now