22

16 6 0
                                    

"Mama, gusto ko po 'yon." Kane pouted as he pointed at a snack I can't name. Napabuga ako ng hangin. Naupo ako upang magpantay kami.

"Wala pa tayong budget sa ngayon anak e," malungkot kong sambit. Mas lalong humaba ang nguso niyo pero tumango pa rin. "Don't worry, sa sunod kong sahod bibili tayo," I assured him.

Muli akong napabuga ng hangin dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sahod. I ain't working, by the way. Yes, at the age of Twenty-Five, I'm still depending on my parents. Nakakahiya nga iyon kung tutuusin pero wala naman akong pagkakakitaan.

Naging maganda na ang buhay ni Oreo, maging si Hanah samantalang ako ay narito pa rin. Nahuli na nga sa pag-aaral, hindi pa umusad ang buhay.

"Kay Ninong Oreo na lang ako hihingi?" tanong niya sa akin na may ngiti sa labi. Umiling ako roon na dahilan ng muli nitong pag-nguso. Ini-spoil ito nila Oreo pero hindi naman pwedeng i-asa ko sa lalaki ang mga nais ng anak ko. "Kay Lucius, Ma. Hindi tayo bibili?"

I smiled and rubbed his head. He really loves Lucius.

"May pagkain pa naman si Lucius." He smiled. Tumakbo ito palayo sa akin kaya nagmamadali akong sumunod. Tumigil ito sa may mga candies. Malawak ang ngiti nito habang may hawak na isang pakete ng gummy bears. "No, hihingi na lang tayo kay Oreo. Masasarap gummies n'on."

Mas lumawak ang ngiti sa labi nito.

"Dating gawi, 'Mmy?" he asked. I nodded in response. Agad nitong binalik ang pagkaing hawak niya.

I paid for our groceries and went straight home. Mabuti na lang at wala nang virus ngayon, kung hindi ay hindi namin magagawa ni Kane ang ganitong bonding. Halos kada linggo kaming naggo-grocery para sa tindahan ni Mama, pati na rin ang ibang pangangailangan namin.

"Kane Amaris!" sigaw ni Oreo mula sa taas habang pagak namang tumatawa si Kane habang tumatakbo at hawak ang ilang pakete ng gummies. Mabilis itong pumasok sa silid niya at ini-lock iyon.

"Why?" painosenteng tanong ko kay Oreo habang hinihingal ito pumasok sa bahay namin.

"'Yang anak mo, inubos na naman gummies ko!" singhal niya sa akin. Natawa na lang ako sa kaniya habang nakatungkod ang kamay niya sa tuhod niya. "Ang sabi magpapaturo sa assignment, kukupitan pala ako!"

Naglakad ito palapit sa fridge at kumuha ng tubig doon.

"Feeling old?" pang-iinis ko sa kaniya na ikina-irap lang niya. "Siya kumukuha ng mga 'yon kapag nasa school ka," panlalaglag ko sa anak ko.

"I know, inuutusan mo raw," kalmadong aniya saka umirap. Naglakad ito palapit sa silid ni Kane at nalamang naka-lock iyon.

"Wait lang po, Ninong. 'Di pa po ako tapos kumain!" sigaw ng bata sa loob. Oreo made face.

"Sira ulo talaga 'yang anak mo," pahayag niya bago naglakad palapit sa mesa. He settled himself in a chair. "Magsi-siyam na anak mo, anong plano?"

"Tayo-tayo na lang siguro tapos kung sino na lang makaka-amoy edi sumali. Wala ring budget kasi," I shyly answered. Tumango-tango ito sa akin.

"Basta kung may kailan kayo, ipakatok mo ako. Dyan naman kayo magaling ni Kane." Pabiro niya akong pinalo. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya. He exited our place ang walk straight to his house.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Where stories live. Discover now