21

15 4 0
                                    

Araw-araw, walang palya ang pagpaparamdam ng ipinagbubuntis ko. Wala ring palya si Oreo ang pamilya ako at mga kaibigan ko sa pagbibigay ng mga pangangailangan ko. Oreo always buy fresh fruits and vegetables everytime na pupunta ito sa palengke. Si mama naman ang bumibili ng vitamins at gatas para sa amin ng bata. Hanah keeps on telling me her words of encouragement. Dahil sa kanila ay nawawala ang stress ko. Masama rin daw kasi iyon sa bata.

Napahinga ako nang malalim habang nabibingi sa katahimikan. Parehas kaming walang imik ni Blaze habang magkaharap na naka-upo rito sa loob ng library.

"U-uuwi na ako bukas," paalam nito. Tumango-tango ako sa kaniya. Muli akong bumuntong -hininga. As a kinda introvert person, I hate goodbye's so as hi's.

Sa ilang araw na nagdaan ay hindi pa rin alam ni Blaze na may nabuo sa nangyari sa amin. Palagi itong nagtatanong kung okay lang ba ako dahil sa labis kong pagsusuka, gayundin ang pananaba. Palagi namang sinasabi ni Oreo na okay lang ako.

"Alam ko," mahina kong sagot sa kaniya at yumuko. Pinipigilan ang sariling maiyak. "Sinabi na ni Oreo noong nakaraang linggo."

"Paladesisyon pa rin talaga 'yon," he softly chuckled. Sa tawa niyang iyon at napapa-isip ako, gumala lang siya rito pero parang ang dami ko nang mananakaw sa kaniya dahil sa nagawa namin. Napapa-isip ako kung dapat ko na ba itong ibunyag sa kaniya o isisikreto?

"Blaze," mahinang kuha ko sa atensiyon niya. Napatingin naman siya sa mata ko, kahit natatakot ay sinalubong ko iyon. "M-may sasabihin ako."

Sa bawat salitang namumutawi sa bibig ko ay kinakabahan ako.

"Ano 'yon?" Naroon ang ngiti sa mga labi niya. Sa mga mata niya ay parang naiiyak ito at ayaw pang umalis pero kailangan.

"May naaalala ka ba noong nag-inuman tayo? Sa terrace?" kinakabahan pa rin tanong ko. Nakangiti pa rin itong tumango sa akin.

"We're both naked when we woke up. Ginising mo pa nga ako dahil baka mahuli tayo nila Oreo. Pupungas-pungas ako noon kaya ikaw na lang ang nagbihis sa akin. You even naughtily touch my manhood." Parehas kaming natawa sa huling sinabi niya pero hindi niyon naalis ang kaba sa dibdib ko.

"M-may pangarap ka ba sa buhay?" tanong ko sa kaniya. I'm still trying hard not to cry in front of him.

"Off course, sino naman ang walang pangarap? Alam kong bago pa lamang tayo. Iilang buwan pa lamang ang itinatagal ng relasyon natin but I'm attached to you, tamed or what ever they call it. Masyado na akong hulog sa iyo. Ayaw ko sanang lumayo. Gusto ko nasa tabi mo ako lagi, pero kailangan kong mag-aral. Kailangan kong magtapos para kung sakaling tayo pa rin sa huli, ihaharap kita sa altar na maaaring mong maipagyabang na asawa mo ako." Smile never leave his lips as he said those. Nakangiti rin ako sa kaniya pero napupunit ang kalooban ko. My heart clenched at his every word. It was a good thing he has a dream and I'm part of it.

Kailangan niyang lumayo para sa pangarap niya. Hindi ko na muna babanggitin sa kaniya ang tungkol sa bata sa sinapupunan ko. Marami itong pangarap at hindi ko maatim na nakawan iyon sa kaniya.

"We will still communicate naman 'di ba?" He nodded with a smile. Nais kong maiyak pero hindi pwedeng sa harapan ni Blaze ko hahayaan iyon. "B-basta kahit tayo man o hindi sa uli, alalahanin mong may babalikan ka rito," I assured him. I am not referring to myself anymore. I was indirectly telling him that there's someone who will wait for him in the future, the baby.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Where stories live. Discover now