9

17 6 0
                                    

"Magsasaing lang ako," paalam sa amin ni Hanah. Narito kami ngayon sa solar drier ng barangay. It was just few steps away from Hanah's house kaya pinayagan namin ito.

"Balik ka ha," paalala ko. Tumango lang ito. "Ako rin pala, magsasaing," paalam ko kay Oreo. Tumango lang naman ito sa akin.

HIndi ako inabot ng limang minuto sa paglalakad mula roon hanggang sa bahay namin. Magkakapitbahay lang kami at ako ang medyo nailayo sa kanila.

Alas sais na ng hapon kaya medyo madilim na. I opened the lights. The house was quiet. Sana ganito lagi. Nang makapagsaing na ako ay muli kong hinanap ang cellphone ko. Halos mahalughog ko na ang buong bahay pero wala roon ang hinahanap ko. Napagpasyahan kong bumalik na lang kina Oreo kaysa sa istresin ang sarili ko sa paghahanap.

"HIndi niyo ba nakita 'yong phone ko kanina?" I asked them. Umiling lang sila sa akin. I sat beside Oreo, facing the bush from the other side.

"Wala ka namang hawak kaninang dumating kami sa inyo," sabi ni Hanah habang nagpupunit ito ng dahon na napitas nito sa kung saan.

I let out a deep breath. Parang magkaka-anxiety attack ako sa pagkawala ng phone ko.

"May nagchat sa akin," imporma ni Oreo sa amin. Bumaling ako sa kaniya. Nakaharap pa rin siya nang diretso. Hindi rin ito pumipikit, diretso lang siyang nakadilat.

"Edi congrats. May malalandi ka na naman," hagalpak ni Hanah. Binatukan naman agad siya ni Oreo.

"Seryoso. Bumabalik siya," sabi niya. Nababakas ang takot at kaba sa boses niya.

"Sino?" I asked cluelessly. Wala akong narinig na sagot sa kaniya kung hindi ay buntong hininga at iling.

"Uuwi na ako," paalam niya. He seems tired over something he doesn't want to open up. I hope he's okay.

"Agad?" gulat na tanong naman ni Hanah. Maging ako ay bahagyang nagulat din dahil sa unang pagkakataon ay siya ang mauunang uuwi sa amin. Madalas ay si Hanah ang nauunang umuuwi.

Tumango lang siya sa amin at naglakad. Walang imik na pinanood naman namin ni Hanah ang papalayong bulto ni Oreo.

"Anong nangyari do'n?" tanong ni Hanah nang makababa na si Oreo mula sa Solar drier.

Bumuga ako ng masaganang hangin bago ako umiling at nagkibit ng balikat.

"Uwi na rin kaya tayo?" I asked.

Tumango naman ito at saka tumayo. Tumayo na rin ako bago ako tuluyang nagpaalam. We parted ways as I let out a deep breath. Hindi ko na mabilang kung pang ilang buntong hininga ko iyon. Parang nakakapagod ang araw na ito kahit wala naman akong masyadong nagawa.

Napatigil ako sa harap ng bahay namin at humarap dito. Narito na naman ako. Home as what they call but that doesn't what appear to me. Parang feeling ko ay kulungan ito. Kulungan kung saan ay mararanasan ko ang iba't ibang klase ng trauma. Muli ay huminga ako ng malalim bago pinasok iyon. Binuksan kong muli ang ilaw na isinara ko rin kanina bago umalis. I was once again stunned upon seeing the kitchen lights turned on. Ang alam ko ay isinara ko iyon kanina. Agad kong tinakbo ang distansiya ko sa kusina.

"Kayo po pala, Ma," I said. Nakahinga ako nang maluwag doon. "Bakit po ang aga niyo umuwi ngayon?" dagdag na tanong ko pa. Malas ay alas-siete na siya madalas dumadating habang si Papa naman ay mas late pa roon, usually, 11 PM to 2 AM. Nakatalikod siya sa akin at may kung anong ginagawa sa lababo.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant