2

51 9 9
                                    

Maga-alas dos na nang madaling araw pero hindi pa rin kami tapos mag-usap ni Cullen. Isang linggo na nang irekomenda siya sa akin ni Oreo. Isang linggo na rin kaming nag-uusap. Halos alas-tres na kami kung matapos o hindi kaya ay pasikat na ang araw.

"Aray!' mahinang anas ko nang mapalo ni Oreo ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak nila at naisipan nila ni Hanah na matulog dito.

Mabilis namang sumilay ang ngiti ko nang muling tumunog ang messenger ko.

Blaze Cullen Mendoza: Tulog na si Oreo?

Corine Sakamoto: Oo.

Tumango-tango pa ako kahit hindi naman niya ito makikita.

Blaze Cullen Mendoza: Arat, call?

Bigla akong kinabahan sa reply nito.

Corine Sakamoto: 'Wag na.
Corine Sakamoto: Magigising na rin naman ito mamaya.
Corine Sakamoto: Magwa-wattpad.

Millisecond pa lang ang nakakalipas, naka-seen na ito sa chats ko. Typing na rin agad. Kung sana nalaman kong ganito pala ang feeling ng may ka-chat, sana tinodo ko na ang pag-add friend sa mga gwapo sa Facebook.

Malimit lang ako ngumiti pero sa tuwing nagkaka-usap kami ni Cullen ay hindi mawawala ang ngiti ko. Kahit simpleng emoji lang ang reply nito sa akin ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko.

IPinikit ko ang mga mata ko dahil ramdam ko na ang antok ko. Ramdam ko na ang pagbigat ng mga talukap ng mga ito. Subalit agad ding napamulat nang tumunog muli ang messenger ko.

Blaze Cullen Mendoza: Sent a voice message.

Ilang sandali ko pang tinitigan iyon bago i-play.

"Good night na po. Matulog na tayo," sambit ni Cullen sa mababang boses niya. Halata ang antok sa boses nito pero napakagwapo ng boses niya! HIndi ko tuloy maiwasang mag-imagine tungkol sa meet up namin kahit pa hindi ako sigurado kung mangyayari iyon.

Nag-send din ito ng kissing sound. Kahit pa alam ko na ang tunog niyon dahil palaging nagse-send sina Hanah at Oreo sa akin ng ganoon ay iti-nap ko pa rin iyon na parang hindi ko alam ang tunog niya.

Mabilis kong hinablot ang unan na malapit sa akin, ang unan na yakap ni Oreo at madiing inilagay iyon sa mukha ko, isinasawalang-bahala kung hindi ako makahinga tsaka sumigaw roon.

Agad akong napatigil sa pag-sigaw nang may maramdaman ako sa unan, sa parte niyon na nakatapat sa kaliwang pisngi ko. Medyo malamig iyon na hindi ko na maipaliwanag. Agad kong binuhay ang screen ng cellphone ko at itinapat doon. Basa ang parteng iyon. Tinignan ko ang katabi ko dahil doon ko nakuha ang unan. May tumutulo sa bibig ni Oreo!

Kadiri, laway ni Oreo!

Mabilis kong ihinampas sa kaniya ang unan.

"Tangina naman. Kung kinikilig ka 'wag ka naman manggulo. KItang natutulog ang tao e," mahina ang pagkakasabi niya na halos siya lang ang nakakarinig. Tumagilid ito sa kabilang direksiyon, nakatalikod ito sa akin.

Ikinibit balikat ko na lang iyon at saka ko muling binuhay ang screen ng cellphone ko at nag-heart react sa voice message ni Cullen.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Where stories live. Discover now