8

19 6 1
                                    

A normal day started again. Pinulot ko ang libro ko na ibinato ko lang kung saan sa higaan ko kagabi, ang aking nakasanayan. At this day, magsisimula ang labing-apat na araw na hindi kami pupunta sa court. Ang dulo kasi no'n ay ang barangay hall samantalang sa kabila naman ay kalsada na nilagyan ng ilang patong ng hollow blocks para ma-divide ang court at kalsada. Kung sino man ang naka-quarantine ngayon ay ang sarap niyang isumpa.

I faced my window which faces the barangay road and opened my book. Nasa climax na ako ng binabasa ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Oreo, sa mismong bintana ko. Halos maibato ko rito ang librong hawak ko. Malutong ko itong minura dahil sa gulat.

"Ang aga-aga," irap nito sa akin.

"Ang aga-aga rin umiirap ka na naman dyan," sumbat ko naman sa kaniya.

"Naka-chat mo na si Cullen?" nakangiting tanong nito. Umirap ako sa kaniya sa pagtawag niya sa lalaki. I hate hearing someone calling him as "Cullen" pero ayaw ko ring may tumawag sa kaniya sa gamit ko, ang "Blaze".

Napatigil ako sa tanong niya. Parang bumibigat ang hangin sa paligid ko at napalanghap ako ng maraming hangin bago siya sinagot ,"Ilang araw ko nang hindi siya nakakausap after the 'I like you' thingy". I cringed at my words.

Napatawa siya sa sinabi ko.

"Inaamin mo talagang sinabi mo 'yon sa kaniya?"

Muli akong napatigil. Realization hit me. Bumuntong hininga ako at saka nagkibit-balikat na lang.

"Oreo, Am I falling?" seryosong tanong ko sa kaniya. Mula sa pagtawa ay napatigil siya at tumayo ng tuwid.

"Ano... ang ibig mong sabihin? Like, nai-inlove ba?"

Tumango lang ako. Naramdaman ko pang uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. I mean, nakakahiya kaya mag-confess. hindi rin ako mahilig sa mga romance at hindi ko akalain na mangyayari din pala sa akin ang mga iyon.

He placed his hand to his chin. He's thinking.

"Ano ba basehan mo?" BUmagsak ang balikat ko sa tanong niya. Akala ko ay sagot na ang sasabihin nito.

"I hate it when someone calls him by his first name but I also hate when someone calls him by his second name," pag-amin ko. Yumuko ako sa hindi ko malamang rason.

"Eh, ano ang gusto mong itawag ko? Mendoza? Ang general naman," hagalpak niya sa tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi talaga yata ako makakakuha ng matinong sagot dito.

"Kaya ka laging umiiyak kasi out of topic 'yang mga sagot mo e."

He raised a brow. Tinignan niya pa ako nang pataas-baba na bahagyang nagpaliit sa akin.

"Tumigil ka nga. With honor 'to," pagmamayabang niya.

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko," iritadong sabi ko.

Lumabi siya. "Well, sa aking pagkaka-alam," panimula niya. I made myself look like attentively listening to what ever he will say. "Hindi ikaw ang nai-inlove. It's the other way around."

"Ah...," sabi ko na lang. HIndi ko na-gets e. Nakakaintindi ako ng english pero hindi palagi, at ang palaging iyon ay araw-araw mismo.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant