4

33 9 0
                                    

"Shuta. Ang gwapo talaga," bulong sa akin ni Hanah.

Matapos akong pagtripan nila Blaze at Oreo kanina ay agad akong nag-log out. I even blocked them both in Messenger. Ngayon naman ay narito kami sa bahay ng dayo na bagong pinupuntirya ni Hanah.

"Sinong gwapo?" may kalakasang tanong ko sa kaniya. Pabiro naman niya akong binatukan sa ginawa ko.

"Ang bobo mo. BAkit mo nilakasan?" Umirap lang ako sa kaniya. Bakas ang inis sa pabulong na boses niya pero nakangiti naman ito. I don't get her. Nagtatanong lang naman ako.

Naglapag ng orange juice si Oreo sa harap namin.

"Ano 'yan?" tanong ni Hanah.

"Orange Juice," supalpal ko sa kaniya. Umirap lang naman siya sa akin.

"I don't drink juice, pre," saad ni Hanah sa maarteng boses nito.

HIndi naman nakatakas sa paningin ko ang pag-irap ni Oreo sa sinabi ni Hanah.

"Iinom ka niyan o ipupukpok ko sa ulo mo 'tong pitsel?"

Mabilis namang uminom si Hanah. "Sino may sabing 'hindi ako umiinom ng juice? Ito ba?" turo niya sa akin at saka ako binatukan. I groaned as her rough hand touched my head. Masakit. "Masarap siya, bi. Anong brand nito?"

"Tang," Oreo replied flatly.

"Ay bakit Tang lang? Wala bang mas mahal?" bulong ni Hanah. Mukhang nag-iingat ito na may makarinig dahil hindi niya teritoryo ito at saka hindi ito bahay ng kahit na sino sa tatlo.

"Wal, kasi TANGina ka," Oreo said before leaving us in the living room.

Nakakabagot na katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos kami iwan ni Oreo. HAnah focused on her phone. CHatting with multiple guys. Limang magkakaibang lalaki ang nasa chathead e.

Binuksan ko na rin ang Messenger ko para i-check kung nag-chat ba si Blaze. But in my surprise, wala. I opened our conversation and realized that he's still in my blocklist. I immediately unblocked him.

"Marupok din e." Si Oreo na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. "Nauna mo pa 'yang i-unblock kaysa sa 'kin na kaibigan mo 'no?" Pain filled his voice. Deserve!

"HIndi ka naman kasi gwapo," biro ko sa kaniya. I saw how he rolled his eyes kaya tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko mapantayan ang kamalditahan nila kaya sinasabayan ko na lang.

"Kung hindi ka lang nilalandi niyan, niligawan ko na 'yan," he said. Napatigil ako sa sinabi ni Oreo. HIndi dahil may balak itong ligawan si Blaze katulad ng sinabi nito, kung hindi ay dahil sa sinabi nitong nilalandi ako ni Blaze. "Bakit ka nagba-blush dyan? Joke lang 'yon. Never ko 'yon magugustuhan."

Pinakiramdaman ko ang mga pisngi ko. Nag-iinit nga!

"Nila-" sasagot pa sana ako nang putulin iyon ni Hanah. Sumigaw ito sa kilig. Hindi niya inalintana na nasa iba kaming bahay.

"Nag-FR," nakangiting sabi niya sa amin. Ipinaharap pa niya sa amin ang cellphone nito. Lumingon ako sa cellphone niya upang malaman kung sino ay tinutukoy niya.

Hanah Santos, Reivant Jio Marioline sent you a friend request.

Tinaasan ko ito ng kilay. In-open ko ang Facebook ko, ganoon din si Oreo. Sabay pa kaming ipinakita kay Hanah ang profile ni Jio.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Where stories live. Discover now