20

16 5 0
                                    

Napatunganga na lang ako matapos akong masuka sa niluluto ni Oreo. Naggigisa lang naman ito ng bawang at sibuyas. Sa totoo lang ay maganda naman ang amoy niyon pero hindi ko maunawaan ang sarili ko at bigla na kang nasuka roon.

Si Hanah ang umalalay sa akin dahil hindi pwedeng iwan ni Oreo ang niluluto. It was a food so hygiene and cleanliness must be observed, ika nga.

"Okay ka lang?" Hanah asked. Umirap ako sa katangahan niya habang hinahagod ang likod.

"Tanga ka? Kita mong sumusuka ak-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil muli akong naduwal. Masamang tingin ang iginawad ko kay Hanah.

Oreo handed a glass of water to Hanah na agad naman niyang tinanggap. Agad ko iyong ininom habang iniirapan si Oreo na ibinalik ang irap sa akin.

"Pa-check up ka na kaya, palagi ka na lang nasusuka," suhestiyon niya habang nakasandal sa doorframe ng Comfor Room.

Tumayo at pinunasan ang labi habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin sa dalawa. Oreo cracked his joints.

"Ang papangit kasi ng amoy at lasa ng mga niluluto mo," masungit na sambit ko. Natigil ito sa pag-crack ng joints sa kamay at hindi makapaniwalang tinitigan ako.

"Paano mo nasasabi 'yan samantalang halos ikaw ang nakaka-ubos ng mga niluluto ko?" he asked. Bakas ang sakit sa boses niya pero nagkibit-balikat na lang ako.

"Pwede namang pagtiyagaan e." Hindi makapaniwalang bumalik sa pagluluto si Oreo. Pumasok naman ako sa silid ko samantalang si Hanah ay naupo sa mesa.

Mag-iisang buwan na mula noong nag-inuman kami at nagising kinabukasan na nakahubad. Tahimik at mabilis kong ginising si Blaze noon upang magbihis. Nahihiya akong may makakita sa amin sa ganoong itsura.

Mabuti na lang din at hindi nalaman ng grupo ang nangyari. Kami lang ni Blaze nakakaalam niyon pero parehas na walang alam kung ano talaga ang saktong ginawa namin. It was my first time pero tangina, hindi ko man lang naramdaman ang sinasabi nilang sakit sa unang kuha.

"Corine, kakain na," sigaw ni Oreo. Inikot ko ang mata ko sa pagka-irita. "Magpapa-check up tayo mamaya."

I mentally rolled my eyes. Paladesisyon as usual.

"Bakit? May mali ba sa akin?" tanong ko na ikinalaglag ng panga niya. Naupo ako sa tapat ni Hanah. "Lumayas ka riyan, pinapapangit mo ang view."

She raised a brow on me. Paano kasi ay pader ang nasa likod ni Hanah.

"Wala naman, concern lang kami baka kung ano na 'yan," mahinahong sagot ni Oreo bago sumubo. Mataman niya akong tinititigan habang magana akong sumusubo.

"Ang pangit ng lasa," pag-uulit ko sa sinabi ko sa kaniya tungkol sa luto niya. Napa-irap ito bago muling sumubo. "Ayokong ma-swab, Oreo. Sakit n'on sa ilong."

"Hindi ka naman isa-swab," he calmly stated pero bakas ang iritasyon sa boses niya. Gumagalaw ang panga nito at mas humigpot ang hawak sa mga kubyertos, tanda ng pagpipigil nito. "May kilala akong doctor, doon tayo magpapatingin."

Hindi ako umimik at tumango na lang sa kaniya. Ayaw ko mang magpatingin ay nababahala rin ako sa kondisyon ko. Natatakot na baka may bunga ang kagaguhan namin ni Blaze.

Security In His Arms (Cogona Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ