Chapter 31: REVELATION

17 4 0
                                    

Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili.

"Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"

Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.

Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.

Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?"

"Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance.

Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"

Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes."

"Pasok ka."

---

Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.

Tumatawag si Angelo!

Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.

Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang isang tasa ng kape. "G*ga, magsabi ka nga sa akin. Kaya ka ba maagang pumunta dito dahil may tinatakasan ka?"

"W-wala." Sige, Lena, magsinungaling ka pa.

"Eh bakit wala kang kahit anong dala? Ganiyan ka na bang pupuntang bar?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Nakasuot siya ng maluwang na t-shirt at jeans. Sa paa niya ay plain doll shoes. "Ah— n-nagmamadali kasi ako kanina."

"Oo, kasi may tinatakasan ka."

Yelena bit her lower lip, hindi na sumagot.

Pagkatapos nilang mananghalian ay pumunta silang boutique hindi kalayuan sa hotel na kinaroroonan nila.

Dahil libre ni Aiessa, ito ang pumili ng mga isusuot niya.

Wala siyang tiwala sa taste nito. Wala naman siyang balak sumama rito kung hindi lang may nangyaring. . .

Napabuntong-hininga siya.

"Ready?"

Nilingon niya si Aeissa na nakasuot ng Deep-V Knitted Mini Dress. Aside from her cleavage, two sides of her breasts were exposed due to the deep cut style of the dress, accentuating her curves.

She bit her bottom lip. "I. . . I think so."

"Let's go then."

Sa Club Zeus sila pumunta.

Nang makarating ay nakangusong pinasadahan ng tingin ni Yelena ang paligid.

"Bakit kakaunti lang ang mga tao?" tanong niya.

"Exclusive party," maikling sagot ni Aeissa.

"Bakit sinama mo ako?"

"Why not? You're a friend. Grab this chance to enjoy life. Wala kang bantay."

Si Angelo ang naisip niya dahil ito lang naman ang bumubuntot sa kaniya.

Wala ito. Walang magbabawal sa kaniya.

She smiled.

"Yes. I'll enjoy this night," she excitedly mused.

"That's the spirit! Simulan mo sa pagtigil diyan sa paghila pababa sa laylayan ng dress mo."

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon