Chapter 30: FRANGIBLE

24 2 0
                                    

Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta.

"Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?"

"Anong plan po?"

"Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."

Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po."

"Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama.

"Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."

What she heard from her stepmother went her rigid.

Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.

Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."

Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya ng mukha ay naroon pa rin ang lalaki. "Ano?" naiirita niyang tanong.

"Welcome back, babe."

Umirap siya rito at isinubsob ang mukha sa unan. "Hindi para sa iyo kaya ako umuwi rito."

A sudden pain crossed Angelo's eyes pero hindi niya pinansin. She closed her eyes instead and faked a sleep.

---

Palawan. . .

Sa bahay ng mga Borromeo tumuloy sina Yelena. Sa buong durasyon ng biyahe ay hindi siya umidlip.

Maliban sa kasama nila si Angelo na siya ngayong nagmamaneho sa tabi niya, ang paligid pang nadadaanan nila ay naghahatid sa kaniya ng maraming alaala.

Malayo iyon sa bahay na tinuluyan nila noon ni Angelo pero sapat na ang tanawin ng dagat upang pumait ang kaniyang panlasa.

Pagkarating ay nagdahilan siya na napagod sa biyahe kaya hindi sumabay sa mga itong kumain.

Hindi niya namalayang nakatulog siya at nagising lamang nang maramdamang may dumadampi sa kaniyang basang bagay.

Si Angelo habang pinupunasan siya ng bimpo sa katawan. "Hindi ka na nakapagbihis. Papalitan lang kita ng damit. Wala akong gagawin."

Hindi siya umimik at blangko lamang na nakatitig dito hanggang matapos ito.

Sa huli ay kinumutan siya nito at tahimik na lumabas.

Hindi na siya makatulog pagkatapos noon kaya bumaba siya para kumain. Ala-una na ng madaling-araw ayon sa orasan.

Napailing siya. Mahigit apat na oras siyang nakatulog.

Inaabot niya sa cupboard ang isang tasa nang unahan siya ng sumulpot muli na si Angelo.

"Ikaw na naman?" naiirita niyang sita rito.

"Maupo ka na. I'll make your coffee. Alam ko ang gusto mong timpla."

"Bahala ka."

Hindi lang kape. Ipinaghanda rin siya nito ng pagkain. Bagay na nagbalik sa kaniya ng maraming alaala. Masasaya at masasakit na nag-aalis na naman ng kaniyang gana.

Dahil walang laman ang tiyan, pinilit niya ang sarili na kumain kahit kaunti.

---

Yelena had been asleep for hours, tunog ng cell phone lang ang gumising sa kaniya. She answered it without looking at the caller I.D.

Good Girl's 10 Naughty ListsWhere stories live. Discover now