Chapter 18: DAY 6 IN PALAWAN

49 7 23
                                    

WARNING: Matured Content| R18+

Ika-anim na araw na. Uuwi na pabalik ng San Ignacio kinabukasan si Yelena. Pigilan man niya ang nararamdaman ay nalulungkot siya.

Walang kangiti-ngiti siyang bumaba ng komedor.

Napansin siya ni Angelo. "Hey, hindi 'ata maganda ang gising mo."

She pouted, at nangalumbaba sa mesa. "Uuwi na ako bukas."

"Ayaw mo bang umuwi?" natatawa nitong tanong.

"Ayoko pa kaya lang kailangan ko ng harapin ang problema ko." Dalawang linggo lang ang pag-stay ng mama Erlinda niya sa Pilipinas. Ilang araw na lang at babalik na ito ng Kuwait kaya kailangan niya itong makausap. Ayaw niyang umalis ito na hindi sila nagkakaayos. Sapat na siguro ang isang linggong paglayo upang maging stable ang emotion niya.

"Let's eat. May nahanap akong isa pang tourist spot. Pupuntahan natin mamaya."

Matapos ilapag ang kape niya sa tapat niya, hinagip ng kamay niya ang palad ng binata. "Ayaw kong umalis ngayong araw. Can we stay here instead? I want to be with you."

"Sure. Manood tayo ng movie? Swimming? Picnic?"

"Yes. Those and more."

Matagal na tumitig sa kaniya si Angelo. Gusto man niyang kabahan sa kakaibang kislap na biglang sumungaw sa mga mata ng binata ngunit dagli rin naman 'yong nawala. Marahan itong umupo sa katapat niyang upuan. "Drink your coffee. Bago pa lumamig."

She nodded.

Habang nagbibreakfast, hindi katulad ng mga nakaraang araw na hindi sila maubusan ng kuwento, ngayon ay tahimik lamang silang nagtitinginan.

Buong umaga ay nanood sila sa sala habang magkatabing nakasalampak sa carpeted na sahig; Magkatulong silang nagluto ng tanghalian; Naglaro ng cards, scrabble, chess at kung anu-ano pa.

Kinahapunan, halos isang oras na silang nagsuswimming bago nagdesisyon si Yelena na umahon at naupo sa inilatag nilang blanket sa buhanginan. Nakangiti niyang pinapanood si Angelo na pabalik-balik na lumalangoy sa 'di kalayuan. Nang mapansin siya nito ay nagdesisyon rin itong lumapit. Dahan-dahan itong umahon mula sa tubig. Tila siya nanonood ng isang Diyos na umaahon mula sa dagat. Dahil sa basang suot, bumakat ang nasa harap nito at hindi niya mapigil ang sarili na hagudin 'yon ng tingin. Para itong modelo na lumabas direkta mula sa isang magasin.

Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang malawak na ngiti nito. Huling-huli siya nitong nakatitig rito.

"Enjoying the view?" he teased.

Her cheeks burned and decided to looked away. She darted her eyes in the setting sun. "Y-yes. Ang ganda ng kulay ng kalangitan," nahihiya niyang palusot. Which was true though. Tila nag-aapoy ang isang dulong bahagi ng daigdig dahil sa papalubog na araw.

Umupo ito sa tabi niya, umabot ng dalawang nakalata na alak at binigay sa kanya ang isa bago nakitanaw sa tinitingnan niya. "My term for sunset is Golden hour," anito. "I feel magical, romantic and nostalgic everytime I see it." Saglit itong tumungga sa hawak, na ginaya niya rin, bago ito nagpatuloy. "When I was a kid, my mother and I were used to stay here and watched the sun as it hide until it gets dark. After that, mag-i-stargazing kami."

Napangiti si Yelena sa alaalang binahagi ni Angelo. His mother was obviously very precious for him.

"Ang lugar namin ay malapit lang din sa dagat at nakakaligo naman ako kasama ang mga pinsan ko," pagkukwento niya rin rito habang sinasabayan itong uminom. Malungkot siyang ngumiti. "Kaya lang ay hindi ko naaabutan ang paglubog ng araw dahil kagagalitan ako ng tiya ko kapag ginabi kami ng uwi. Lahat kaming magpipinsan ay may parusa."

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon