Chapter 26: SILENT WAR

27 5 0
                                    

"No, man. You can't stay in my unit. Wala ng lugar para sa 'yo. Manatili ka na diyan sa inyo."

"You know that I just can't," Angelo said between his teeth. Kausap niya sa telepono ang kaibigan niyang si Terrence. Kaibigan niya ito mula kolehiyo.

"Doon ka na lang sa rest house mo sa Palawan. And, may bahay rin ang pamilya mo doon. Wala namang nakatira."

"Too far. Marami akong aasikasuhin sa ZARBTech."

"Akala ko ba ayaw mong iwan ang bahay niyo at ang tita Emileen?"

"You know the reason," he hissed.

He needs to find a place as soon as possible. Or else, Yelena will going to be his nightmare. Titira ito sa bahay nila sa loob ng isang buwan.

Hindi siya duwag. Ayaw lang niyang mamroblema ang magulang dahil sa nakaraan nila.

He heard a laughter on the other line. "Ang sarap kaya magkaroon ng hot little sister."

"Stop teasing!"

---

"Wala akong anak na babae. I'm so happy that you're here, hija."

Hindi makapaniwala si Yelena. Everything felt surreal. Mabait sa kaniya ang kaniyang ama, ang mga paintings niya na isinali sa auction ay nakasabit lahat sa kanilang sala maliban lamang sa hubad na painting dahil wala roon, at ngayon ay ang babaeng nasa harap niya.

Habang ang mga legal na asawang babae ay galit sa mga anak sa labas ng kanilang asawa, si tita Emmy, ang asawa ng kaniyang ama ay hindi gano'n. Tanggap siya nito at mabait sa kaniya mula pa sa nagdaang araw na dumating siya sa bahay ng mga ito. At hanapin man niyang mabuti ay wala siyang makitang pagkukunwari rito.

"Hindi po ba kayo galit sa amin ng mama?" tanong niya.

"Hindi, hija. Wala kang kasalanan. Kay Ediza naman, mayroon akong sariling dahilan para lubos ko siyang pasalamatan. Isa pa'y anuman ang nangyari sa nakaraan, lahat ng 'yon ay tapos na."

"Napakabait po ninyo, tita."

"Call me mommy. Stepmother mo ako."

"Okay po, M-mommy."

Emmy clasped her hands in glee. "Meron na akong instant daughter. May kakuwentuhan na ako, kasama mag-shopping, and a travel buddy. Minsan ay pumunta tayo ng Palawan. Just the two of us. Ipapasyal kita do'n."

Gusto niya sana sabihing nakapunta na siya roon. Lamang ay hindi niya maaaring banggitin na may dati silang ugnayan ni Angelo. Para silang may silent agreement na 'wag ipaalam sa magulang ang nakaraan.

Iginiya siya ng madrasta papasok ng bahay. "Maupo na tayo sa hapag. Parating na sina Angelo at ang daddy mo."

Sabay-sabay silang manananghalian bilang pang-welcome sa kaniya.

Kinakabahan siya.

Sinalinan siya ng madrasta ng sabaw sa maliit na lagayan, habang nagkukwento ito. "Kahit gaano kami kaabala na pamilya, gusto ko kahit isang beses lang sa isang araw ay magkasalu-salo kami.

Narinig nila ang ugong ng pagdating ng sasakyan. Bumalik ang kaba niya. Next were the sounds of approaching footsteps.

"Good morning, darling," unang bumungad sa kanila ang ama na humalik sa pisngi ni tita Emmy, bago bumaling sa kaniya. "Masaya ako at nakakasalo ko ang buong pamilya ko sa hapag-kainan."

"Ako rin po." Ngumiti siya rito, tumayo at nagmano.

Aliw siyang pinanood ng parating na si Angelo. Dito natuon ang pansin ng kanilang ama. "Angelo, greet your sister."

Good Girl's 10 Naughty ListsWhere stories live. Discover now