Chapter 6: FURY

123 41 67
                                    

Gaya ng inaasahan, inulan ng sermon ng tiyahin at tiyuhin niya si Yelena.

Kahit masasakit ang mga naririnig ay hindi siya umiimik. Sobra ang guilt na nararamdaman niya. Ang alam lang ng mga ito na kasalanan niya ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa party ni Theya. Hindi alam ng mga ito na pumunta siyang bar, uminom, at nakipag-usap sa isang estranghero.

Wait, hindi lang pala siya nakipag-usap. Ayaw na niyang banggitin. Lalo lang siyang magi-guilty sa harap ng tiya at tiyo niya.

"Papauwiin ko rito si Erlinda. Para alam niya kung gaano katigas ang ulo mo." Ang Erlindang tinukoy nito ay ang kaniyang mama.

She bit her lower lip. Naidamay niya ang ina.

"Opo," nakayuko niyang sagot. Sa lahat ng litanya ng mga ito, 'opo' lang lahat ang itinugon niya. Wala siyang karapatang sumagot sa dami ng kasalanan niya sa mga ito.

---

Sa sumunod na mga araw ay lalong humigpit ang tiyahin at tiyuhin ni Yelena.

Hindi siya pinapalabas ng mga ito ng bahay, at hindi na pinapa-contact sa kaniyang mga kaibigan. Ayos lang naman dahil para sa kaniya, deserved niya 'yon.

Isang linggo pagkaraan ay umuwi ang kanyang ina matapos pilitin ng kanyang tiya na magfile ng emergency leave para sa kanya.

Masaya siya na makita itong muli, ngunit nalulungkot siya na hindi maganda ang dahilan ng pag-uwi nito— iyon ay upang ayusin umano ang nanlalabo niyang isip, ayon sa tiyo Jimmy niya.

Sa pagdating ng ina ay nabawasan ang lungkot ni Yelena. Parang bata ang mama niya na masayahin, makuwento at palabiro kaya walang dull moment kapag kasama niya ito. Para lang silang magkapatid. Hindi lang sa turingan kundi maging sa itsura dahil maganda ang kaniyang mama at mahilig sumabay sa mga uso.

Isang araw ay umuwi ito galing palengke na mayroong dalang balita.

"Anak! Nakita ko ang kaibigan mong si Ezekiel Nagma! Kaibigan mo 'yon, 'di ba?"

Mula sa pagbabanlaw ng damit ay tumayo siya at lumapit rito. "Si Kiel? Opo."

"Pamilya niya pala ang may-ari ng malaking mall dito sa San Ignacio?"

"Opo, Mama." Matagal niya ng alam 'yon. Mayayaman talaga ang mga kaibigan niya. Iilan lang silang kinapos sa buhay. Well, ang kaniyang pamilya ay hindi naman naghihikahos— maganda ang trabaho at sahod ng kaniyang mama sa Qatar, malaki ang minamandong bukirin ng kaniyang tiyuhin at ang kaniyang tiya Ediza ay may puwesto sa palengke na sa isang malayong kamag-anak pinapabantay. Maayos ang kanilang pamumuhay ngunit sapat lang upang mabuhay sila ng maayos sa araw-araw. Unlike her friends who were born with silver spoon on their mouths, katulad nina Eureka, Kyira, Yniez, Kiel, Nimfa, Reika, at Anatheya na negosyante ang mga magulang. Ang kuya Tyler niya naman ay lumaking mahirap, pero nang maswerteng nakapag-asawa ang biyudang ina nito ng isang milyonaryo, biglang nagbago ang buhay ng mga ito.

Lumapit siya sa ref at kinuha ang towel na nakasabit sa handle at nagpunas ng basang kamay roon. "Ano po napag-usapan niyo?"

"Magbubukas daw siya ng gallery, Nagma Galleria ang pangalan at naghahanap siya ng mga artist. Sa araw ng pagbubukas raw ay darating ang mga negosyante at kaibigang pamilya ng mga Nagma na mahilig sa mga painting. Pinapatanong niya kung gusto mo ibenta ang mga gawa mo. Hindi ka daw niya makontak."

She gave a sad smile. "Sinadya ko pong iwasan sila para kina tiya."

"Pabayaan mo ang tiya mo. Masungit 'yon dahil kulang sa lambing. Wala kasing jowa."

She burst out laughing sa biro ng ina. Makulit talaga ito.

"Sa lunes na daw ang opening. Be ready."

Saglit siyang nag-isip. Gustuhin man niyang tanggihan ang oportunidad na 'yon, mas nananaig ang kaniyang kagustuhang abutin ang kaniyang pangarap.

Good Girl's 10 Naughty ListsWhere stories live. Discover now