Chapter 17: DAY 5 IN PALAWAN

49 7 17
                                    

Walang imik na tinitingnan ni Yelena ang listahan niya.

Matapos ang nangyari sa kanila ni Angelo ay nakatulog siya, sa panghihimok na rin ng lalaki kahit pa tumanggi siya no'ng una.

Noon lamang siya nagising. Alas singko y media na ayon sa bilugang orasan na naroon.

She could say that she's totally came back to her senses now, because she could finally feel the shame.

Ilang beses siyang pumikit at bumuntong-hininga. Niyuko niya ang sarili. Nakasuot na siya ng damit— t-shirt at pajama, na malamang ay si Angelo ang nagsuot sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. He created a havoc between her mind and heart. Sinasabi ng isip niya na mayroon ng mali sa nangyayari sa buhay niya, ngunit ang puso niya ay gusto pang makasama si Angelo. At ang katawan niya ay. . .

Napapikit siya at napatingala nang muling dumaloy sa alaala niya ang nangyari doon mismo sa kuwarto niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang taong kanina pa laman ng isip niya.

Lumapit ito at tumabi ng upo sa kaniya. Nakatitig ito sa mukha niya na tila pinagmamasdan ang reaksyon niya.

Hindi siya makatingin ng diretso rito.

"Kumusta?" he asked.

She cleared her throat. "Okay lang," naiilang niyang sagot dito. "Ikaw kumusta?"

"Okay lang rin."

Pinilit niyang maging kaswal ang mukha at tinig. "Nakatulog ka rin ba?"

"Oo, pero inaantok pa rin ako."

"Nabitin ang tulog mo?"

"Nabitin ako sa lahat." Tinitigan siya nito ng matiim.

Namula ang mga pisngi niya at umilap ang tingin. "What do you mean? I'm sorry but I could be cork-witted at times."

"You know what I mean, Yelena."

Of course, she did. Napabalik ang tingin niya rito. Hindi nito itinuloy ang nangyari sa kanila. Anito'y hindi pa siya handa para gawin ang bagay na 'yon. Ngunit kung siya ang papipiliin, she would have preferred to offer herself to him. Maliban lamang sa may bumubulong sa kaniyang mali ang naiisip niya at nakakahiya pang isatinig 'yon rito.

Ngayon lamang lumakas ang loob niya thinking he indirectly confirmed her first speculations about his affection to her. In a husky voice, she whispered, "darating ang time na hindi ka mabibitin... sa lahat."

Idinikit nito ang mukha sa buhok niya at bumulong, "yari ka sa akin sa time na 'yon."

Umingos siya rito. "Dapat nangangako ka ng ano. . ." her voice trailed off. Namula siya sa nais niyang idugtong, "ng sarap para hindi ako matakot." She laughed through concealed shame. "'Yong tono mo para kang nagbabanta. Feeling ko tuloy magiging kawawa ako sa 'yo."

"Kawawa ka sa sarap for sure, babe," he whispered hoarsely.

She swallowed hard. Pabiro niya itong tinulak. "Lumabas ka na. Magpapahinga pa ako."

Hindi ito natinag. "Nagsisisi ka na ba sa akin?" nahihiya nitong tanong.

"Hindi," mabilis niyang sagot.

Lumamlam ang mata nito. "Are you sure?"

Tumango siya at napayuko. "Mali ba kung itutuloy ko pa ang list?"

"Walang mali kung masaya ka."

"Masaya ako. W-wala akong pinagsisisihan."

"Ano ang plano mo ngayon?"

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon