Chapter 15: DAY 3 IN PALAWAN

64 10 45
                                    

The sky was clear and the setting of the sun was so perfect— it goes down gradually as if falling, like fire engulfing the other side of the earth while the surface of the sea was like a liquid silver glimmering with the reflection of sun's light.

Noon para kay Angelo ay walang tatalo sa ganda ng tanawin ng papalubog na araw. Ngunit ngayon. . .

Umalis siya sa pagkakapanungaw sa bintana and turned his head slowly in the sleeping figure of Yelena.

Matiim na pinagmamasdan niya ito. Maaga itong nakatulog. Marahil ay napagod sa kalulunoy sa dagat.

Pinanhik niya ito sa kuwarto upang tawaging maghapunan, ngunit naabutan niya itong nahihimbing. Natapos niya ng labahan at isampay ang mga damit nitong nasa banyo, tulad ng gabi-gabi niyang ginagawa ngunit hindi pa rin ito nagigising.

Hinawi niya ang buhok nitong nakaharang sa mukha.

Maging sa pagtulog ay napakaamo ng mukha nito.

Para itong prutas sa gitna ng hardin ng Eden na nakatatakam ngunit ipinagbabawal tikman.

Matapos ang ilang buntong-hininga ay kinumutan niya ito at hinalikan sa noo. "Sleep tight, sleepy princess."

Marahan niyang isinara ang pinto ng kuwarto nito at lumabas.

Paglapat ng pinto ay siyang pagdilat ng mga mata ni Yelena. Ayaw niyang mag-assume pero ang mga ipinapakita at ipinaparamdam sa kaniya ng lalaki ay nakakapagdulot ng kakaibang damdamin sa kaniya.

Magaan ang pakiramdam na nakatulog siyang muli.

---

Kinaumagahan...

"Saan tayo pupunta ngayon?" bungad-tanong ni Yelena pagpasok ng komedor.

Tulad ng nagdaang araw ay naabutan niyang maagang gising si Angelo. Nakasampay na ang mga pinagbihisan niyang damit at nadatnan niya itong muli na nagluluto.

"Good morning to you, too," biro ni Angelo sa masayang mukha ng dalaga. "Today, we will go to the Tubbataha Reef."

Naupo siya at nakangiting nangalumbaba sa mesa. "Mukhang maganda doon."

"Yes. It is one of the best diving spots in the Philippines. There, you will see the abundance of aquatic life."

Her lips formed an O in amazement.

"Aside from whales and dolphins," pagpapatuloy ni Angelo habang inilalagay sa mesa ang mga niluto, "you can also see sharks, turtles and wrasses."

Napanganga siya. "Hindi ko alam ang wrasses. Ano 'yon?" She giggled.

"Wrasses are colorful fishes hiding in the sand."

"Oh. Okay." Na-excite siya kaya napapalakpak. "Punta na tayo?"

Angelo's laughter echoed in the four corners of the house. "Later. We need to eat first."

"Okay."

Nagtimpla si Angelo ng kape para sa kanilang dalawa. Umupo at inasikaso siya.

Tulad ng lagi niyang reaksyon, nakangiti lamang siya habang pinapanood ito.

"Thank you..." she mouthed nang salinan siya nito ng tubig sa baso.

"Saan?" he asked.

She shrugged. "For making me feel special."

Pabiro nitong pinisil ang kaniyang ilong. "You are really special."

Ang tingin na ibinigay niya rito ay tingin na parang ito ang pinakakinatutuwaan niyang tao sa buong mundo.

---

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon